Chapter Eight: The Truth

110 1 0
                                    

Jiro's POV

Magto-two weeks ko na siyang hindi nakakausap. Hindi kami ok nung Valentines, plano ko pa naman siyang bigyan ng siomai na paborito niya. Hindi ko alam kung paano ko yun nakaya. Sobrang namimiss ko na siya...

Bakit ba ganito yung way ng pagsasalita ko? Nagbabago na ba ako? Minsan lang ako naging ganito sa isang babae. Naprapraning na ko. Kasalanan niya lahat to eh!

Jiro, mahal mo na ba siya?

Mahal ko nga ba siya? O sadyang namimiss ko lang siya? Iba kasi yung namimiss sa mahal eh. Ano ba tong nararamdaman ko? Nakakairita. Gusto ko na siyang makita, hindi lang dahil sa miss ko na siya.

Jiro, mahal mo na siya. Wag ka nang magkaila. Totoo na yang nararamdaman mo.

^Narealize ko yan kanina habang nagchechemistry. Kanina pa nag-aaway yung dalawang side ko eh. Hindi ko alam kung paano na. Teka, bakit nga ba ako nagalit kay Alyssa? Dahil ba sa ginawa niya o dahil lang sa pinairal ko yung pride ko? Wala naman siyang kasalanan eh. Ako yung may kasalanan, inaaamin ko na. Hindi naman dapat ako nagseselos o nagagalit kasi unang-una, hindi niya ako boyfriend at pangalawa, wala kaming tinatawag na 'commitment'. Kaya gagawa na ako ng commitment. Nagexcuse ako sa klase sabi ko magccr lang ako, pero ang totoo, pupuntahan ko siya. Tutal, wala namang kwenta yung ginagawa eh. Nagchecheck lang yung teacher ng homeworks at nagbabantay. Gusto ko na siyang makita at makausap. Hindi na ako makakapaghintay pa ng isang minuto. Kailangan ko siyang makita ngayon.

Nandun pa lang ako sa may corner, nakita ko siya nasa field. May kinakausap siya pero hindi ko makita kasi nakatalikod. Papalapit na sana ako nung namukhaan ko yung kausap niya...... si Adrian. Na naman. Siya na naman. Palagi na lang. Bakit ganto? Napakaramot ng panahon at oras sa akin.

Bigla na naman akong nagselos. Bumalik na lang ako sa room. Buti pa dun, teacher lang ang kaharap ko. Eh dun sana sa pupuntahan ko, selos ang palagi kong nahaharap. Bigla akong napanghinaan ng loob. Nakakainis na. Gusto ko nang magtapat sa kanya.

Gusto ko nang magtapat sa kanya.

Oo, magtatapat na ako. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Walang halong biro. Totoo yung nararamdaman ko para sa kanya. Kapag hindi ko pa to nasabi sa kanya, baka mapraning lang ako.

~~~~~~

Adrian's POV

Pabalik na ako ng room pagkatapos akong kausapin ni Alyssa nang makita ko si Jiro. Nakatingin lang siya samin, parang galit. Nagalit yata siya sakin dahil sa mga pinaggagagawa ko. Ang hindi niya alam, ginagawa ko to para sa kanilang dalawa ni Alyssa. Kahit na masaktan ako, ayos lang. Basta maging masaya siya.

Nakita ako ni Jiro sa may hallway nung papunta ako ng room. Adik talaga to eh, nakatambay lang sa labas ng classroom nila habang may klase sila sa loob. Bigla niya akong kinausap, gulat nga eko eh.

"Pre, pwede ba tayong mag-usap mamayang break?" matamlay niya akong tinanong.

"Sige pre. Tungkol ba saan?"

"Kay Alyssa."

Kinabahan ako. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Baka kung anong isipin niya saming dalawa ni Alyssa. Kasalanan ni Sam to eh! Pero siyempre mas kasalanan ko to, kasi lumagpas na ako sa limitasyon. Halos araw araw kasama ko na si Alyssa eh. Sino ba naman ang hindi mag-aakala dun?

Basta. Bahala na mamaya.

Continuation.... :D

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon