Liham

10.5K 152 53
                                    


Dear Aaron,

Kamusta ka na? Ok ka lang ba? Kumakain ka ba?

Sana ok ka lang.... Alam mo bang ang sakit para sakin na makita ka na masaya ka sa piling niya....

Naiingit ako sakanya kasi yung relasyon nyo lahat nakakaalam pero yung relasyon natin dati tayo lang ang nakakaalam....

Ang sakit kasi nung iniwan moko parang ganun ganun nalang... Na parang wala lang sayo yung relasyon natin... Tapos malaman laman ko kinabukasan girlfriend mo na ang Bestfriend ko.

Ang sakit sakit kasi di alam ng Bestfriend ko na nagkaron ng TAYO.

Ngayon eto ako miserable parin habang kayo nagpapakasaya...

Lagi kong tanong sa sarili ko...

San ba ako nagkulang?

Di ko ba sya Minahal ng sapat?

May mali ba saken?

Di ba ako karapatdapat sa pagamamahal nya?

Minahal nya ba talaga ako?

Paulit-ulit kong tanong yan sa aking sarili..

Pero di ko parin masagot....

Nagmamahal,
Julia....

Sabi Mo Ako Lang? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon