Dilaw na tsinelas

36 1 0
                                    

Oo dilaw ang tsinelas ko, oo wala tong kinalaman sa mga tinype ko, paumanhin wala kasi kong maisip na title.

Pakiramdam ko ako na dapat ang umiwas eh, hindi dahil galit ako sayo o takot akong masungitan mo ko. Okay lang naman yun saken, ang kaso kasi ang hirap na eh unti-unti na kasi eh. Kapag ganito ang nararamdaman ang hirap magpigil pre. Try mo sa posisyon ko.

Tapos netong nakaraan na araw ang tahimik mo, hindi mo ko kinikibo. Oyy namimiss ko yung ikaw ang palageng magkakausap saken at mangungulit ah. Tapos kapag kumapit ako sa braso mo ang sasabihin mo “palage na lang malamig yang kamay mo.” Namimiss ko din yung palage tayo magkakatext kahit saglit lang yun tapos magkukulit ka ganyan. Nakakatuwa :)

Minsan okay tayo, madalas hindi. Anyare saten? Iwas ka, Anong gagawin ko? Syempre hindi kita kikibuin, ang hirap kaya mangapa ng mood at mapahiya lang. Sabi nga ng kaibigan naten kung gusto mong mapahiya kausapin ka lang. Haha tss -_-

Kablag! Ooooh shiz! Nalaglag ang cellphone ko nawala tuloy yung tugtog na pinapakinggan kong Chinito, back to reality. Lahat ng nabanggit ko ito ay ang  mga tumatakbo sa isip ko.feelings, tanong, kasungitan mo, plates, ikaw na namimiss ko, malamig na temperatura, uulamin ko bukas, kakainin ko sa design kinabukasan, kahahantungan ng midterm ko, ang kapeng tumapon, mangyayari sa Feb.14, ang fail na pagsave ng file ko kanina, ang 4500 na dapat sa ht., ang mangyayari sa G2B, ang feelings ni Chichay, ang susuotin ko bukas, ang mood mo bukas, kung ano ang lasa ng isaw, kung ilan ang butas ng skyflakes, ang babaeng inggitera, ang lalaking di tinatablan ng salitang pakshit, kung gano kalamig ang tubig bukas, ang dalawang summer term this year, ang gwapong mukha ni sir sa planning. Etc.

Sobrang dami lang, pero bakit ikaw pa din inaalala ko. Naks! Sa dami nang iniisip ko, ikaw pa din ang iisipin bago matulog. Wag kang kiligin please. Chos!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dilaw na tsinelasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon