Hindi maiwasang humanga ni Alynna sa kanyang nakikita. Wala siyang klase sa oras na iyon dahil may importante raw na pinuntahan ang propesor nila kaya nag-iwan na lang ito ng mga gawain.
Kung ang labas ng unibersidad nila ay parang english manor, ang loob naman ay parang kastilyo dahil ang kisame ay napakataas kaya pati ang mga bintana ay malalaki rin. Kulang na lang ay malaking chandelier at kumpleto na.
Patungo siya sa library upang gawin ang pinapagawa ng propesor nila para ma-iemail na niya iyon rito at wala na siyang problemahin pa. Sa kalayuan ay nakita niya ang facade na ang nakasulat ay Library. Hindi maiwasan ni Alynna na mapasinghap sa kanyang nakita pagbukas niya ng malaking pinto. It was a big chandelier hanging in the center and around it was small chandeliers half of its size.
Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay may pintuan iyon at pati na rin sa kanan. Hindi na iyon nagpagtataka dahil sa sobrang lawak ng library. Kung kanyang tatantiyahin ay kasya ang tatlong classroom ng eskwelahan iyon ang loob ng library. May second floor pero balcony style iyon kaya nakikita mo pa rin ang kisame ng library. And the floor is fully carpeted, and she thinks it's persian tabriz carpet.
"Heol!" she drawled. Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Puno ng estyudante ang library at nakakabingi rin ang katahimikan.
Naghanap siya ng mauupuan sa tagong lugar at hindi nga siya nagbigo dahil may nakita siya. Inilabas ni Alynna at binuksan ang laptop niya. Habang hinihintay bumukas iyon ay inilibot niya ang kanyang tingin sa buong library.
Pakiramdam niya ay kumpleto ng anumang klase ng libro ang kanilang library nila sa lawak nito. At ayon sa mapa na nakita niya ay may apat pang library sa iba't ibang building. She sighed.
Ilan ba ang estyudante dito? She thought.
Kinonek na niya ang laptop sa wifi ng school at saka sinimulan ang kanyang assignment pero ilang minuto pa lamang siya sa ginagawa ay hindi niya maiwasang buksan ang google chrome at magsearch tungkol sa taong dahilan ng pagbabalik niya sa Pilipinas.
George Lee. She searched at maraming articles ang ukol rito ang lumabas. Isa-isa niya iyong binasa. Bawat pagbasa niya ng mga articles ay siya rin pagdadalawang isip niya kung ipagpapatuloy ba niya ang kanyang plano. Dumagdag pa ang billboard na nakita niya sa daan.
She sighed again, heavily.
"What's wrong?" said by a familiar voice.
"Holy crap." Alynna hissed.
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong siya ng kulay abo na mga mata. Hinila nito ang upuan na kaharap niya at doon naupo.
" (야!) Ya!" inis na wika niya. "Why are you sneaking like a cat?" Agad na minimize niya ang google chrome at binuksan ang kanyang assignment at nagkunwaring tumitipa.
He shrugged. Binalewala lamang nito ang sinabi niya. "You look busy." he said matter-of-fact.
"I am busy so can you please leave me alone." naiinip na wika ni Alynna habang ang atensyon ay nasa laptop.
Ningitian lamang siya nito. "I'm Alejandro Herrera and you're?" Inilahad ni Alejandro ang kamay nito. Ilang segundo munang pinagmasdan iyon ni Alynna pagkatapos ay umirap.
He chuckled like he was amused by her childish action, not pissed by it. "Bakit ang suplada mo?"
She frowned. She stared at him. And Alynna swore she saw him squirmed in his sit.
He leaned back to his chair, crossed his leg and met her gaze; at that moment he looked dangerous, intimidating and handsome at the same time. The only difference with the way he gaze is that it's intense and penetrating. Suddenly Alynna felt her heart beats louder than usual and it made her confused.
"You don't speak Tagalog." he said after a moment.
Alynna pursed her lips and went back typing things in her laptop. Napahinto siya nang mabasa na tina-tinipa na niya ang pangalan ng lalaking kaharap niya agad na binura niya iyon. Binasa niya ang kanyang ginawa.
I saw a grey-eyed man. He was tall, dark and handsome. He was lean yet well propotioned. He has an easy smile on his faces but his smiles felt cold and sad. Did someone hurt him? Did something happened to him? Or I am reading too much.
And I knew the moment he asked me my name, he was Trouble. Yes, with capital T on the front. I should stay away from him but it felt like there's a magnetic force pulling me from him.
Kumurap siya. She was being ridiculous. Tinignan ang tinutukoy ng kanyang isinulat at nagkasalubong ang mga mata nila. Agad na umiwas siya ng tingin.
Bigla na lang ay dumukwang sa mesa si Alejandro kaya napasandal sa kanyang upuan si Alynna. Kumurap siya.
"W-what are you doing?" na-uutal na tanong niya. Agad na isinara ni Alynna ang kanyang laptop dahil nasa tapat na ng screen si Alejandro at baka mabasa nito ang nakapaloob niyon. Pagtawanan pa siya.
Isang nakakalokong ngiti lamang ang naging sagot ng binata. Bigla ay kinabahan siya sa ikinikilos nito.
"Stop," iniharang niya ang kanyang palad sa pagitan nila ni Alejandro. "You're being weird. I'll scream if you're not going to stop." banta pa niya.
Ngunit parang walang narinig ang binata. Inilahad nito ang kamay na para bang may kukunin. Ipinikit ni Alynna ang mga mata, handang sumigaw nang maramdaman niya ang pag-angat ng kanyang I. D. lace.
Napamulagat si Alynna. "You jerk!" she hissed. Malakas na tinabig niya ang kamay nitong hawak ang ID niya.
Pero nginisian lang siya nito. "Alynna M. Salvador," banggit nito sa buong pangalan niya. "Clearly, you're a Filipino."
Pinaikot lamang niya ang kanyang mga mata bilang tugon. "Yes, Sherlock. Ngayong alam mo na ang pangalan at lahi ko ay pwede ka nang umalis."
"Why are you here?" bigla ay tanong nito.
Inayos ni Alynna ang kanyang gamit at pagkatapos ay tumayo na dahil sa tingin niya ay walang balak si Alejandro na iwan siya mag-isa.
Tumayo na siya at inayos ang upuan na ginamit bago sagutin ang tanong nito. "To study. Duh." kaswal na wika niya.
Tumango-tango si Alejandro pero tila wala sa sinabi niya ang nasa atensyon nito. Ang mga kamay nito ay nasa baba nito. Parang malalim ang iniisip.
Hindi iyon pinansin ni Alynna dahil naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya kaya iyon inaasikaso niya. It was a text from an unregistered number. Binuksan niya iyon at binasa.
Napapikit si Alynna. Nang-gigil siya. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. She could kill someone right now. Umupo ulit siya upang basahin ulit ang text message na natanggap niya.
You must have a valid reason why you are here in the country. And I reckon, Kuya Leon doesn't have a clue that you're here.
Well, dear cousin. Ano sa tingin mo ang gagawin ni Kuya kapag nalaman niya na nandito ka? Hm? I wonder.
Sebastián Montecillo
Sebastián Montecillo ay ang nakakabatang kapatid ni Leo Montecillo. Abala siya sa pag-iisip kung ano ang gagawin niya kay Sebastián kapag nagkita sila nang magsalitang muli si Alejandro.
Kunot-noo na nakatitig ang binata sa kanya. "Nagkita na ba tayo dati?" tanong nito. "You look familiar."
Tumayo na siya mula sa kanyang kina-uupuan. "Sigurado akong ngayon lang tayo nagkita, Alejandro." wika niya habang inaayos ang silya sa ilalim ng mesa. She smiled cheekily at him.
May sasabihin pa sana si Alejandro nang tumalikod na si Alynna.
BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger
RomanceAlynna went back to Philippines to find the missing piece of her life but she found something else instead. [Written in Tag-lish]