"Mahal kita, mahal na mahal kita. " mga salitang hindi ko nabanggit sa'yo. Hinayaan mabaon sa limot kasama ng mga ala ala.Maraming nasayang, mga pag kakataon na sana, sana naging akin ka. Hindi na maibabalik ang mga bagay na pinang hihinayangan ko. Mahal kita , mahal na mahal kita. Ngunit ngayon ay nasa pag mamay-ari kana ng iba. Huli na ba ako? Huli na ba tayo? Wala nga palang tayo.
You're my Almost other half, You're my unrequited love. Mahirap, Yung alam mong pwede at alam mong kaya pero hindi nangyari. Parang kang binigyan ng paborito mong pagkain ngunit binawi din agad, Pinatikim lang sayo kung gano kasarap ngunit hindi iyo.To be honest hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko alam kung pano ko isusulat o kung pano ko sasabihin. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita para maiparating kahit man lang sa pagsulat kong ito ang tunay kong nararamandan. Mahal kita. Inuulit ko mahal kita.
Pero lahat ng ito ay may hangganan, Gusto ko ng mag pahinga. Susuko na ko hindi dahil hindi tunay ang pag ibig ko sayo, susuko ako dahil alam ko sa saliri ko na wala na, Tapos na. Hindi ko na ipipilit. Hindi ko na ipag kakait sa sarili ko ang kalayaan. Hindi ko na ikukulong ang sarili ko sa kulungan na ako mismo ang gumawa. Ayoko ng magapos sa posas ng pag ibig na hindi naman akin, hindi naman satin. Hindi na ko lalaban. Palalayain ko na ang puso ko sa sakit. Hihilumin ng panahon ang mga sugat sa aking puso. Minahal kita sa abot ng aking makakaya, Minahal kita ng buong puso. Ibinigay ko ang lahat kahit hindi mo hiningi. Pero alam ko hanggang dito na lang ito. Alam kong may mag mamahal, iintidi at mag aalaga sayo ng higit pa sa kaya ko.
Mahal kita. Hanggang sa muli.
Mahal ko, Paalam.DF.
YOU ARE READING
Para Sa'yo.
PoetryMALAYA - Moira Dela Torre (Song) Listen to this while reading my heartbreak. Hindi to tula. I mean para lang tong freedom of expression ng isang babaeng lumandi at minahal ang taong dapat ang pinapakyu ko lang .