CHAPTER SEVEN

2.5K 24 4
                                    

Author's Note

Na-late po ang update dahil alam niyo na. Kung nabasa niyo po ang post ko kainis no. Haist! Inulit ko pa po ulit ito. Kaya sana po magustuhan ninyo. Wink! I love you all!

Nakita niyo na po ba ang fansign sa inyo ng Die Beautiful star Christian Bables sa fb at IG ko? Para sa inyo po yun. Ang sweet niya grabe.

Enjoy reading! Please share, vote and comment na. Salamat!

Social Media Accounts:
FACEBOOK- Neri Joy Jayson

INSTAGRAM -- @neri_joy_jayson

TWITTER -- @lady_25me

GMAIL -- jaysonaldama25@gmail.com

BOOKLAT-- http://www.booklat.com.ph/profile/14488 SpontaneousLady

Chapter Seven

"Ano ho?" Matipid ngunit seryosong tanong ni Arwynn sa chief of police. Reaksyon niya iyon sa sinabi ng awtoridad na isa siya sa primary suspect sa tangkang pananakit sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Nasira ang CCTV access ng hotel ninyo sa gabing iyon. Nakatakas tuloy ng malaya si Ms. Fely Rose Ariola, ang may kagagawan sa nangyari sa kuya mo. Nagtatago na tuloy ito ngayon. We are looking for an inside job. We are investigating on all the possible angle of this crime. Kasama na po dun na baka may alitan kayong magkapatid. Inggit? Something like that po sir."

Nagpantig ang kanyang tainga sa mga narinig na lumabas sa bibig ng opisyal. "Hindi ako naiinggit sa kapatid ko?! Saan nanggaling yan? Mahal ko si kuya! Hindi ko sisirain ang buhay niya." He raised his voice. Hindi niya gusto ang takbo ng mga pangyayari. His temper was too short for this.

"Mag-relax po kayo sir. Ang sabi ko nga po lahat ng anggulo ay tinitingnan namin. Kung mapatunayan naman pong wala kayong kinalaman ay mabubura kayo sa listahan ng suspect." Tugon ng pulis. Mahinahon naman ito at pilit siyang pinapakalma.

"Hoooh..." mahina siyang bumuntong-hininga. "I know my rights sir. Magiging suspect ako rito kung may nagsabi sa inyong imbestigahan ako. Meron po ba?" Sinubukan niyang kumalma.

"Yes Mr. Pineda. Kanina pong magpunta kami sa ospital ay nakausap namin ang fianćei ng inyong kapatid. Siya po ang nagsabing isama kayo sa imbestigasyon. Kayo po ang tinuturo niyang may kasalanan. Iyon po ang dahilan kung bakit kayo narito."

Nanghina si Arwynn. Hindi siya makapaniwalang siya na talaga ang tinuturong may sala ni Sarah. Napahilot nalang siya ng kanyang noo. Nauubos ang kanyang lakas.

"Nabanggit din po kayo ng unang kununan namin ng pahayag na si Ericson Gracilla. Kayo raw po ang nag-utos sa kanya na mag-ayos ng stud party. Galing daw po sa inyo ang command na kumuha ng mga babae. Isa pa pong dahilan kung bakit kayo inimbestigahan ngayon." Nagpatuloy lang ang pulis sa pagpapaliwanag. Hindi alintana kung anuman ang kanyang reaksyon.

"Pero siya ang kumuha. Hindi ako." Sumasakit na ang kanyang ulo. Humina na ang kanyang tinig.

"Titingnan po natin ang lahat sir. Thank you po for today. Sapat na po sa ngayon ang mga binigay ninyong pahayag. Ipapatawag nalang po namin kayo kung sakaling magpatuloy po tayo sa susunod na bahagi nito."

Tumayo siya na wala sa sarili. Binagtas niya palabas ang silid na lutang at malalim ang iniisip. Paglabas ay agad siyang niyakap ni Aimee.

"Bakit nandito ka pa? Tatalikuran na yata ako ng lahat. Si Sarah... siya ang nagsabing baka may kinalaman ako sa nangyari. Si Eric sinabing ako ang nag-utos sa kanya. Totoo naman pero wala pa rin akong kinalaman sa nangyari. Kahit ako nagulat." Then he found himself crying while hugging his best friend. Nailabas na niya ang bigat pero tila hindi iyon nababawasan. He hated tears but it can be his perfect companion at the moment.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon