Chapter 11.2

758 59 6
                                    

Kisses' POV:

Noong nakaraang araw ko pa napapansin na ang weird ng kilis ni Edward, para bang hindi siya mapakali at ang lalim ng iniisip niya.

At ngayon naman, cinancel nya ang isang guesting appearance niya kasi hindi raw maganda pakiramdam niya, at kanina pa sita hindi lumalabas sa kwarto niya.

"Ako na magdadala manang"

Sabi ko kay Manang Rosa sabay kuha nung Tray ng pagkain na dala dala niya,

"Sige iha, salamat."

Habang dala dala yung tray ng pagkain ay paakyat ako sa kwarto ni Edward, affected pa rin ba siya doon sa dating scandal kuno namin?

Though alam kong mutual ang feelings namin, hindi ko alam kung ano na ba talaga kami, ayoko naman mag assume diba?
Napapalukso pa rin ako sa kilig pag naiisip ko yung confession namin sa isa't isa at yung mukha niya nung sabihin nyang "i love you too". Hahaha.

Nung nasa harap na ako ng kwarto niya ay kumatok ako, walang sumagot kaya kumatok ako ulit.

"Wala kong ganang kumain manang rosa"

Rinig kong sabi nito sa loob, wala kang ganang kumain pero kahapon ka pa walang kain, nag aalala na ako.
Wala ano ano'y binuksan ko ang pinto at pumasok doon. Nadatnan ko siyang nakatutok sa laptop niya, at seryosong nakatingin dito.

"Wala nga ak---"

Lumingon siya sa akin at naputol ang sasabihin ng makita nya sigurong hindi ako si manang Rosa, nginitian ko siya

"Kahapon ka pa hindi kumakain"

Naglakad ako papalapit sa kanya at mabilis niyang sinirado ang laptop niya. Hindi na lang ako mangingialam, ayokong mainis siya sa akin. Nilagay ko yung tray ng pagkain sa side table ng kama nya.

"Busog ako."

Sabi niya sakin, umupo ako sa tabi niya,

"Kasasabi ko lang na hindi Ka pa kumakain simula kahapon tas busog ka?"

Tinignan nya ko

"Just..leave me alone okay? Ayoko ng disturbo"

Naiinis nyang sabi, kumurot yung puso ko. Narealize nya ba kung hindi ako dumating sa buhay nya ay hindi mangyayari ang scandal na yun?

"Gusto ko lang naman kumain ka, nagpapalipas ka na kasi. Nag aalala na ako, pano kung magkasakit ka? Alam ko na----"

"Anong alam mo? Walang kang alam! Can you just mind your own business? Ang ingay mo!"

Napatulala ako ng sabihin niya yun, hindi ko maintindihan nararamdaman ko, feel ko tutulo luha ko. Kisses, bat ka kasi disturbo?

"S-sorry sa p-pagiging maingay at disturbo"

Tumayo ako ng mabilis, gusto ko makalabas na sa kwartong to bago pa tumulo luha ko, tumakbo ako palabas ng kwarto niya at patakbong pumunta sa kwarto ko, sinara ko ang pinto at nilock. Sumandal ako sa pinto at bumuhos ang luha ko, at ang nakakapagtaka lang ay bumuhos rin ang ulan.

Tinakpan ko ang mukha ko at pinipigilang mag ingay. Biglang lumakas ang hangin na halos nadadala na yung kurtina sa terrace ko. Lumapit ako sa glass door ng terrace ko at isinara yun, inayos ko rin ang kurtina.

Umupo ako sa kama at nanlamig ako bigla, napahawak ako sa bandang dibdib ko ng nahihirapan akong huminga.

"H-hangin.."

Sabi ko sa sarili ng hirap na hirap.

"Hahhhhh"

Huminga ako ng huminga pero nauubusan ako ng hangin, patuloy parin sa pag agos ang luha ko.

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon