Kabanata XVI: Pamilya Santillan

26 1 0
                                    

"Bez, bilisan mo nga" pagmamadali ko kay Gina. "Baka naghihintay na sa atin si Luke."

Nakapagpalit na ako ng pambahay sa oras na iyon. Pero si Gina, magsisimula pa lang na tanggalin ang kanyang uniporme. "Pano ba naman kasi hindi matatagalan tong si bez, eh inuna pa ang pag-uusisa sa bawat sulok ng guest room. Pati yung mga gamit pampaligo yata sa banyo di pinalampas" pagmamaktol ko sa aking isip.

Nang makapunta na kami sa lanai ay naroon na si Luke, kasama si Lyra. Kumakain na sila ng meryendang ipinahanda niya kay Manang Pacing.

"Oh, natagalan yata kayo" bungad ni Luke nang makita kaming papalapit. Nakasuot siya ng sando sa oras na iyon kaya kitang kita ang kanyang mga kalamnan sa kanyang braso. Nag-iba na naman ang pakiramdam ko. "Heto na naman tayo Pam" sabi ng aking isip.

"Si bez kasi" sagot ko naman.

"Siya nga pala, si Lyra, kapatid ko. Lyra, sila sina Ate Pam at Ate Gina mo. May group study kami ngayon his weekend dito sa bahay."

"Hello po ate" bati sa amin ng bata. Doon ko napansin ang sobramg pagkakahawig ng magkapatid. Para bang si Lyra ay isang babaeng bersyon ni Luke, di hamak na mas bata nga lang. Halos magkaparehong magkapareho ang hugis ng kanilang mga mata, ang tangos ng kanilang ilong, maging ang mapupula nilang mga labi.

"Hi Lyra. Tabi tayo ha?" sabi ko naman at umupo sa tabi niya. Kumuha ako ng isang sandwich sa mesa. Si Gina naman ay sa tabi ni Luke naupo.

"Alam mo ate, palagi kang ikinukuwento sa akin ni kuya. Kaya excited akong makilala ka kasi sinabi niya na bibisita raw kayo dito."

"Ganun ba? Ano naman ang sinasabi sa iyo ni Kuya Luke mo?"

"Na napakaganda niyo raw po. At napakabait din po. Tama po si kuya. Ang ganda niyo po Ate Pam."

"Ikaw din naman Lyra eh, maganda ka. Magkapatid talaga kayo ng kuya mo. Kaso sya, gwapo. Ikaw naman, maganda." Napatingin ako kay Luke. Abot tenga ang kanyang ngiti habang siya'y nakatingin sa akin.

"Eh ako Lyra, ikinukwento rin ba ako sa iyo ni Luke?" sabat ni Gina sa usapan namin.

"Opo."

"Sinabi rin ba niya na maganda ako? Maganda rin ako, diba? Maganda tayong tatlo."

"Of course ate. Everyone is beautiful. Pero mas maganda pa rin po si Ate Pam." Halos mabilaukan ako sa sagot ng bata kay Gina. Si bez naman ay halatang nabigla rin. Napatingin siya kay Luke na para bang may ibig sabihin ang kanyang titig.

"Hey. Wala akong sinasabi sa kapatid ko na mas maganda si Pam sa iyo ha?" depensa naman ni Luke.

"Wag ka na kasing kumontra bez. Bata na mismo nagsabi. Alam naman nating hindi nagsisinungaling ang mga bata" biro ko naman. Nagtawanan kaming apat. Ipinagpatuloy namin ang kwentuhan at pagkilala kay Lyra hanggang sa maubos na ang meryenda namin. Noon din ay nagpaalam na si Lyra na pupunta na siya sa kanyang kwarto para panoorin ang paborito niyang palabas. Kami naman ay inilibot ni Luke sa kanilang mansion.

Tanaw mo mula sa lanai ang kanilang swimming pool. Sa likod bahay nila ang garden, na may koi fish pond. Mayroon din silang gazebo doon kung saan pwedeng magrelax, lalo pa't napakapresko sa mata ng mga halaman nila roon. Sa loob naman ay may isang maliit na library sa kaliwa ng hall. Katabi nito ang kanilang entertainment room na fully sound proof kaya kahit gaano kalakas ang stereo ay hindi pa rin maririnig sa library. Sa gawing kanan naman ng hall ang kanilang dining area, pati na rin ang kitchen. Mula sa kitchen ay may daan papunta sa underground rooms nila. Maids' quarters naman daw yun tsaka storage. Sa taas, ang pasilyo kug saan nakahilera ang apat na silid ang bubungad sayo. Ang unang silid ay ang guest room, sa tabi niyon ang kwarto ni Luke. Sa kabila naman ang kanilang study room, at ang ikaapat ay ang kanilang gallery. Sa gallery nakadisplay ang mga iba't ibang paintings na likha mismo ng mga magulang ni Luke. Ang pakanang pasilyo sa tabi ng kwarto ni Luke ay patungo sa living area sa ikalawang palapag kung saan may isang grand piano. May apat pang silid doon: ang masters' bedroom, ang kwarto ni Lyra, isang office para sa kanilang mga magulang, at ang play room ni Lyra.

Alaala ng Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon