Kaligayahan

10 0 0
                                    

Nakaupo at nagtatawanan ang isang grupo sa harap ng tiange, napakalakas, dinig na dinig ng mga tao sa buong baryo ang bawat salitang sinasambit at ang walang tigil na halakhak ng grupo. Tumatawa ng walang dahilan, nagkukuwentuhan ng pasigaw, at minsan ri'y binabato ang baso sa kung sino sino. Habang nag-iingay ang grupo ay gumagawa naman si Jewel, isang kolehiyana ng kanyang proyekto, at imbes na matapos niya ito ay hindi, sapagkat naiisturbo siya sa ingay na kanyang naririnig.

Lumabas si Jewel sa bahay nila at hinanap kung saan nagmula ang ingay. Lumingon si Jewel sa kanyang kaliwa at nakita ang isang grupong nagtatawanan. Nilapitan ni Jewel ang grupo at nagmalakas loob na kausapin, "Ate kuya, kakapalan ko na po mukha ko, puwede po bang pakihina naman ng boses niyo? Kasi nakakaisturbo na kayo." tanong ni Jewel. "Ano?! Papatigilin mo kami?! Hindi mo ba nakikitang napakasaya namin?! Nagpapakasaya lang kami tas pipigilan mo pa?! Aba'y nagmamarunong ka na ah!" Sigaw ng babae, sabay tulak at sampal kay Jewel. Ibinato ng lalaki kay Jewel ang basong may lamang tubig sabay tumawa. Mabilis na umuwi si Jewel habang umiiyak, nagtungo sa banyo, naligo, nagpalit ng damit, at umupo sa sofa upang ipagpatuloy ang proyekto.

Hindi na pinakealaman ni Jewel ang ingay, ipinagpatuloy nalang ni Jewel ang kanyang ginagawa kahit naiisturbo sa ingay.

Isang buwang ganito ang pangyayari sa buhay ni Jewel. Araw-araw ay nadaragdagan ang nag-iingay, may nagsisigawan, nahahabulan, at tumatawang mag-isa. Kumalat ang pag-iingay na para bang isang sakit. "Sumama ka sa amin! Masaya to!" sigaw ng isang babae sa harapan ng bahay nina Jewel, hindi ito pinansin ni Jewel at nag-aral nalamang.

Kinaumagahan, habang madilim pa ang kapaligiran, habang naglalakad si Jewel papunta sa kanilang paaralan ay nakasalubong niya ang isang babaeng pulang pula ang mata kasing pula ng malansang isda, namamaga ang mukha, kulang kulang na ngipin at namumutla ang kutis ng katawan. "Iha, gusto mo bang sumaya? Mawawala ang mga problema mo. Inomin mo to." sabi ng babae habang nakangiti at iniabot ang maliit na sachet na may lamang parang harina. Hindi mo mawari kung natatakot ba o naaawa ang dalaga sa itsura ng babae, ngunit kinuha ni Jewel ito at naglakad uli. Nilingon ni Jewel ang babae, nakatitig parin ito sa kanya habang nakangiti. Kinabahan si Jewel nanginig ang mga tuhod at pinilit na tumakbo.

"Bes, while I was walking, I saw this creepy old woman, namumutla, para bang multo, tas 'yong pagtitig at pagngiti niya sa'kin, parang serial killer parang papatayin ako Gosh!", pangambang kuwento ni Jewel sa kanyang kaibigan. "Si Sadako?! Halla ka bes! Baka oras mo na! Hahaha!", patawang sagot ng kanyang kaibigan.
"She gave me this oh.",pinakita ni Jewel sa kanyang kaibigan ang ibinigay ng babae.
"Ano yan?!"
"I don't know-"
"Tawas?! Hahaha baka naamoy niya kili-kili mo bes!"
"Wag na nga, sige na mauna na ako, gagawa pa ako ng thesis ko"
"Sige."
"Ciao!"

Pagkatapos ng klase nila ay umuwi agad si Jewel. Ipinatong ang sachet sa lamesa at tinitigan. "Inumin? Harina? Panu yun?" patawang tanong ni Jewel sa kanyang sarili. "Pero, totoo kaya? Na sasaya ako? Totoo kaya ang sinabi niya?" kumuha si Jewel ng tubig, hinalo ang laman ng sachet, at ininom, pagkalipas ng ilang minuto ay tumawa si Jewel ng malakas, pinipigilan niya ngunit hindi niya kaya. Magdamag na tumawa ito. At nawala rin. Hinanap niya ang babae. Paglabas niya ay ang babae kaagad ang kanyang unang nakita, pinapasok niya ito na para bang kakilala na niya. "Ano po ang binigay niyo?" Tanong ni Jewel, "Droga yun. Pampawalang nararamdamang masama. Gamot ng may problema yan" sagot ng babae " Puwede pa po bang..." hindi pa tapos na magsalita si Jewel ay iniabot na agad ng babae ang sampong kilong droga. "Bahala ka na diyan kung ibebente mo o ipapamigay mo. Aalis na ako." sabi ng babae.

Pagkaalis ng babae ay uminom kaagad ito at naging masaya uli.

Kinabukasan, sinubukan niyang magbenta sa kaklase niya, sa mga kaibigan, at sa kanyang mga kakilala. Ginawa niya ito sa mahigit kumulang tatlong buwan, at yumaman.

Habang palihim na nagbebenta si Jewel ng droga ay nakita siya ng isang pulis, nagkatitigan ang dalawa, hinablot ng pulis ang kanyang baril at tinutok ito kay Jewel, "Pulis! Wag kang gagalaw!", sigaw ng pulis kay Jewel. Tumakbo ng mabilis ang dalaga at hinabol ng pulis.

Habang tumatakbo si Jewel ay ibinato niya ang hinahawakang droga sa gilid upang tumigil doon ang pulis, tatlong sachet nalang ang natira sa kanyang magkabilang kamay. Tumigil ang pulis sa lugar kung saan binato ni Jewel ang droga.

Pagdating ni Jewel sa bahay nila ay mabilis ang tibok ng kanyang puso, pinagpapawisan ng husto, at nangangambang baka huliin siya ng pulis. Inilagay ulit ang laman ng isang sachet sa tubig, ininom, at tumawa ng napakalakas.

Habang ito'y tumatawa ay may pumasok, napalingon ito at nakita ang isang pulis, tumakbo siya sa kusina at sumilip. "Jewel! Jewel! Bumaba ka na!" sigaw ng pulis, kinuha ni Jewel ang kutsilyo at tumakbo papalit sa pulis at sinaksak ng ilang beses.

Tumatawa siya habang sinasaksak ang pulis, "Mamatay ka! Mamatay ka! Mamatay ka na buwisit ka!", hanggang sa nagsalita ang pulis, "Anak, mamuhay ka ng maayos, huwag matulad sa iba, kumakalat na ang droga sa baryo natin." ito ang huling salitang binitawan ng pulis.

Tinitigan ni Jewel ang pulis, at naalalang pulis ang kanyang ama, umiyak si Jewel ng malakas, at hinablot ang baril ng kanyang ama, ipuputok na sana ni Jewel ang baril ngunit may pumigil sa kanya at pumutok, dumilat si Jewel at nakitang may babaeng nakabulagta, tiningnan niya ito at namukhaan niya, "NAAAAAAAAAY!!!" sigaw ni Jewel.

Napatay niya ang kanyang mga magulang at sa sobrang lungkot at galit niya sa sarili ay uminom ulit ng droga, tumawa at binaril ang ulo niya.

Narinig lahat ng tao sa kanilang baryo and dalawang makasunod na putok, agad-agad pinuntahan ng mga pulis ang pinanggalingan ng putok.

Tatlong araw pagkatapos ilibing ang tatlong mag-ama at mag-ina ay kararating lang ni Josh, kapatid ni Jewel, nakatayo siya sa harap ng libingan ng kanyang ama, ina, at kapatid. Malakas ang hangin sa araw na iyon, nakakabingi ang katahimikan ng lugar, at tanging ang pag-iyak lamang ni Josh ang maririnig.

May narinig si Josh na mga yapak, papalapit ng papalapit, maririnig ang mga tuyong dahon na naapakan ng taong lumalapit sa kanya, nilingon ni Josh ang tao, "Josh, ikinalulungkot ko ang pagkamatay ng iyong ama't ina, gayundin ang iyong kapatid na si Jewel. Tanggapin mo ito, nakuha namin iyan sa kuwarto ng ate mo habang iniimbestigahan namin ang sanhi ng pagkamatay nila. Nakikiramay ako, at ang buong pulis ng ating baryo.", malungkot na pagsabi ng heneral ng pulis, at iniabot kay Josh ang isang envelope.

Binuksan ni Josh ang envelope, may lamang liham, binas niya ito, "Josh, gamitin mo ito, pambayad ng tuition fee mo at gagastuhin para sa paaralan mo-", habang binabasa ni Josh ang liham ay pumapatak ang luha nito sa papel na kanyang binabasa.

Binitawan ni Josh ang papel, hindi tinapos basahin ang laman ng liham. Tiningnan niya kung ano pa ang laman ng envelope, nakita ang isang milyong halaga ng pera at isang maliit na sachet na may lamang parang harina.

KaligayahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon