CHAPTER 6

8 4 2
                                    

•Melissa Faye's POV•

"Mom and dad...." Sabi niya at lalo na siyang umiyak.

Family problem nanaman ata to.

"Bakit? Anong nangyari?" Sabi ko. Basang basa na nga yung damit ko dahil sa luha niya eh.

"Nagtatalo nanaman sila dahil sa business namin." Sabi niya.

"Shhh tahan na, kung gusto mo, samin ka na muna tumuloy?" Pag ko-comfort ko sakanya at hinaplos ko ang likod niya.

"Sige, kukunin ko lang yung mga gamit ko." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.

Magisa lang siya ganon?

"I'm coming with you." Sabi ko at tumayo na rin. Tumango lang siya at tsaka kami pumunta sa labas.

Hindi niya dala yung kotse niya kaya nagpahatid nalang kami kay kuya Renato.

Pagdating namin duon, ang ingay. Mukhang nag aaway nga sina tito and tita. Siguro nga nag wawala na.

"Mom! Dad! Tumigil na kayo!" Pag aawat ni Leah sa kanyang mga magulang kaya napatingin naman sila kay Leah pati na rin saakin.

"Huwag mo na kaming pakialaman ng dad mo, problema namin to." Sabi ng mommy niya.

"But--"

"No buts, Leah. I said, huwag ka ng makialam!" Natigilan si Leah bigla at marahil na umiyak.

Hinawakan ko ang braso niya at tsaka kami pumunta ng kwarto niya. Nagimpake siya, sabi niya mga 1 week lang siya duon at pag katapos uuwi na din siya.

"Don't worry mars, uuwi rin ako kaagad." Sabi niya habang naglalagay ng mga damit sa bag niya.

"It's okay, Leah. Kahit ilang days, months years ka pa duon. Okay lang."

"Huwag na, nakakahiya. Tsaka dagdag pa ako sa gastusin niyo duon." Sabi niya tsaka umupo sa tabi ko.

"Huwag kang mahiya. Laging bukas ang bahay namin para saiyo. Pamilya na ang turing namin sayo kaya wala kang dapat na ikahiya." Sabi ko tsaka niyakap niya naman ako so I hug her back.

"Thank you mars. Thank you for everything. Thank you because you're always here for me." Sabi pa niya.

"Welcome, mars." Sabi ko. Kumawalas naman kami sa pagkayakap at bumaba na.

Nag aaway pa rin sila. Hindi ko nga maintindihan kung anong pinag aawayan nila eh.

Tiningnan muna kami nina tito at tita bago kami umalis. Siguro hinayaan muna nila si Leah na tumira saamin.

Ganito naman ang nangyari last year eh. Kaso nga lang, last year nandito sina mommy sa Pinas pero ngayon, kami nalang ni kuya.

Nangibang bansa ang daddy niya at sila naman ng mommy niya ang naiwan dito. At nang pinatawag ng boss ang mommy niya sa New York, dun na si Leah tumira saamin.

"Okay ka lang mars?" Tanong ko ng makaabot kami sa bahay.

"I'm okay mars." Sabi niya kaya naman tumango lang ako.

Pagdating namin sa bahay, naabutan namin si kuya na nag lalaro sa PS3 niya.

"Kuya Ej!" Sigaw ko kaya nabitawan niya naman yung PS3 niya.

"Wha- oh, hello Leah. Naparito ka?" Sabi niya ng makita niya si Leah na nasa likod ko lang.

"Uhm kuya, kasi nag away nanaman yung parents niya kaya dito daw muna siya tutuloy." Pagpapaliwanag ko.

"Magbibigay din naman po ako ng pera pangdag dag ng gastusin tsaka uuwi rin naman ako agad kapag okay na sina mom eh." Sabi ni Leah. Hinawakan ko naman agad ang likod niya.

Dared To Be Love (On-going)Where stories live. Discover now