SPECIAL CHAPTER: Part I [With You]

1.8K 60 2
                                    

SPECIAL CHAPTER: PART I - WITH YOU



"MRS. MONTREAL!"

Napangiti kaagad ako pagkarinig ko n'yan. It's been a year simula ng napalitan ang apelyido ko, and I couldn't help but smiled widely everytime I heard someone calling me with that "last name". Yung pakiramdam na parang iyon palagi ang unang pagkakataon na may tumatawag sa'kin ng Misis Montreal. Haha! Baliw ka na naman Julien! :p

Kaya bago pa ako tuluyan mag day dream, kaagad ko ng nilingon ang freelance photographer na si Andie. Nasa isang photo studio ako ngayon para kuhanin ang pinagawa 'kong memorabilya namin ni Enzo.

"Naku, I'm sorry kung medyo natagalan, pinaganda pa kasi namin 'yan tulad ng request mo," aniya sabay abot sa akin ng customized photo album na pinagawa ko.

Mas lalo akong napangiti pagkakita ko sa naging outcome ng photo album. Ang ganda! "It's okay Andie, actually I love it! What more pa kaya 'yung mga pictures sa loob." excited kong sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng box na pinaglalagyan ng photo album.

"Sinunod ko lang naman 'yung gusto mong design, medyo natagalan lang ako sa compilation ng mga pictures, nawili din kasi ako sa kakatingin sa pictures n'yo, ang gwapo pala ang asawa mo!" aniya at napahagikgik ng tawa. "At bagay na bagay kayo." dagdag pa niya.

Lihim akong napanguso, 'kala ko pa naman idadagdag niyang maganda din ako, charot! Haha! Pero mas gusto ko 'yong sinabi niya sa iniisip ko.

I laughed as response.

"Kailan pala kayo ikinasal?" nakangiting tanong ni Andie.

Nag-angat ako ng tingin mula sa box na hawak ko at ngitian ko din siya. "Last year lang,"

"Oh! Newly wed ka pala Ma'am Julien, may anak na ba kayo?"

Napangiti ulit ako sabay himas sa tummy ko. "Soon palang.."

"Oh, really? So 'yong picture don sa last page... that means, you're preggy now! Ilang months na?"

"3 months.." masayang sagot ko.

Sandali niya akong pinagmasdan. "Infairness, ang sexy mong buntis ha, hindi ko nga agad napansing buntis ka pala, but that's great! Congrats Mrs. Montreal!"

I smiled at her. "Oo nga eh, thank you Andie."

"You're Welcome! Anyway, you better check it first, para kapag may gusto kang pang ipadagdag or ipabago, we can do it today." ani Andie at napasulyap sa counter, may ilang customers ng naghihintay roon kaya nagpaalam muna siya para tulungan sa pag-assist ang mga staff niya.

Naupo naman ako sa sofa sa waiting area at muling sinipat ang hawak kong box. Nakaramdam ako ng excitement habang binubuksan ang box na pinaglalagyan ng photo album namin ni Enzo. At mas lalo pa akong na-amazed pagkakita ko sa mga litrato nito sa loob. Isa-isa kong binuklat at pinagmasdan ang bawat larawang magkasama kami. I made it sure na lahat ng memorable moments naming dalawa na magkasama, ay nai-compile sa photo album na pinagawa ko.

Para akong sirang napapangiti habang tinitingnan ang mga pictures naming dalawa ni Enzo, palagi lang siyang naka half-smile sa mga litrato, hindi naman kasi talaga siya mahilig magpapicture kaya karamihan sa mga solo pictures niya, stolen. Minsan sapilitan pa every time I ask him to take a picture. But actually, mas gusto ko siyang kinukuhanan ng stolen shots.. doon ko kasi nakakacaptures 'yung totoong ngiti niya na nakikita ko lang sa tuwing magkasama kaming dalawa. Sabi nga nila, 'stolen shots are better because it captures who we really are.'

Si Enzo, siya 'yung tipo ng taong hindi mo kaagad mababasa, he always looks serious kaya madalas ang first impression sa kanya ng ibang tao ay suplado. Pero nong nagkasama na kami sa iisang bubong, both of us.. we discovered so many things to each other. Hindi naman kasi kami totally nagkasama ng matagal, we started our friendship thru texting, then nong nagkita naman kami, umalis din kaagad ako 'non. We separated for so many years at nong nagkita ulit kami, he proposed to me to marry him and since that day, everything is extraordinary. ❤

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon