C h a p t e r T h i r t e e n
Ganun talaga 'pag mahal mo. Kaya mong pagtiyagaan ang mga flaws niya
~ * * ~
"Buti napagtiyatiyagaan mo si Rem? Sobrang ligalig pa naman ng tao na yan," sabi sa akin ni Lindo.
The Dark B and Style are here in the house. Rem and I - or shall I say, the 1hundred Days team invited them. Fries and Pizza party. My favorite snacks! Kain nga lang ako ng kain eh. Hinahayaan ko silang magdaldalan. Ganun rin si Rem. Hindi niya pinapansin ang mga kagrupo niya kaya nga inaasar na siya ng mga ito.
"Ang dapat na tanungin ay si Rem," sabi ni Yna. "Mabuti napagtiyatiyagaan mo si Kangji? Sa aming apat siya ang pinaka-mataray."
At ganun rin ang mga kagrupo ko sa akin. Tsk.
Tiningnan ko lang sila with my bored face tapos dumakot ng maraming fries at nilagay sa pinggan ko. Nasa couch sila habang kami ni Rem nakaupo sa sahig dahil sa isang dahilan: mas malapit sa table. Mas madali kaming makakakuha ng pagkain sa pwesto namin. Sige na, kami na SPG sa fries at pizza.
Nagdadaldalan sila habang kami ni Rem parang may sariling mundo na nakatuon ang atensyon sa pagkain.
"Ganun talaga 'pag mahal mo. Kaya mong pagtiyagaan ang mga flaws niya."
Nasamid ako. Hindi ko talaga inaasahan na makikisali si Rem sa kanila.
Mabilis na kumuha ng tubig si Lex. Lumuhod siya para painumin ako ng tubig ngunit di niya nagawa kasi inagaw ni Rem ang baso sa kamay niya. Nagkanda tapon tapon pa sa carpet kaya halos wala rin akong nainom.
"Ang sweet naman!" Iasha shrieked.
And they all teased us. Nag-init ang pisngi ko.
Tumingin ako sa mga staffs at sumimangot. Bakit kasi sinama pa nila sa video filming ang mga yan eh!
Kinuha ni Rem ang isa ko pang plato na pinaglalagyan ng pizza.
"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita kasi may nginunguya siyang fries na may dalawang piraso pang nakalabas sa bibig niya. Parang bata!
Nilagyan niya ng tatlong slice ng pizza ang pinggan. Nag-expect ako na iaabot niya sa akin yun. Subalit nilagay niya ito sa mesa. Natuwa ako sa sumunod niyang ginawa dahil binigay niya sa akin ang isang buong kahon ng pizza na marami pang laman. Ang nabawas lang eh yung tatlong kinuha niya.
"Luh, ang daya! Kanya lang lahat yan?" naiinggit na tanong ni Talia. Yung hiniwalay na tatlong slice ni Rem, kanila na daw yun. Hati hati sila.
"Alam ko binili yan para sa aming mga bisita niyo ah!" asik ni Toshi.
"Bahala kayo dyan. Basta sa bebe ko lang 'to."
"Yak! Wag mo nga sabi akong tinatawag na ganyan eh!"
"Edi Amea nalang. Paumanhin."
"Ohh, Amea..." Napatingin ako kay Yna. She was slightly nodding her head like she knew something.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung ano yung something na yun.
"Sya nga pala, Rem, yung baby mo hinahanap ka. Gabi gabing umiiyak. Miss na miss ka na." Nagtinginan ang lahat kay Warren.
Lalong kumunot ang noo ko. Baby?
"Oo nga. Kahit anong gawin namin ayaw tumahan. She needs you, Rem. Natatakot kami baka ma-stress siya," dagdag pa ni Lex.
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Short Story"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."