"Ba't ang tagal lumabas ng kumag na 'yon."
Alam ko na. Matingnan nga ang car niya. Inikot niya ang parking lot kung saan siya naghihintay. Ang alam ko red na Toyota 'yon eh. Basta 'yong latest car ngayon. Asan ba 'yon. Umikot uli siya sa kabila at bonga.
"Nahanap din kita. Grabe ang ganda mo talaga. Makabili din nga."
"What are you doing Pinky Dog?"
Napasigaw siya sa pagkagulat. "Ano ka ba naman honey, muntik na akong atakihin ah." Pinitik niya ako sa noo. "Ouch! Grabe ka na ha.."
"Hoy Pinky Dog. Ano ba kasing ginagawa mo diyan para kang tanga sa ginagawa mo. Baka naman tumae ka diyan."
"Aba! Sumusubra ka na. For your information hindi ako tumae, Okay, at hindi Pinky Dog ang name ko. Gusto mong malaman. Pakinggan mong maigi para hindi mo makalimutan. Ito ha..My beautiful name is Althea Carmen Rivaz but you can call me Thea pero gusto Carmen tawag mo sa akin para maiba.
"Tapos ka na. Umalis ka na." Binuksan nito ang sasakyan na kanina lang ay pinaglalawayan niya. Pumasok ito kaya nakipasok rin ako.
"What are doing?"
"Duh! Nakaupo. Ano sa tingin mo?"
"Huwag mo akong pilosopoin. Bakit ka nakipasok? Lumabas ka nga."
"Ayoko. Sasama ako kung saan ka pupunta."
"Hoy! Pinky Dog. Hindi porket sinabi mong mahal mo ako ay pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo."
"Hon! Boyfriend kaya kita, remember."
"Anak ng pagong naman oh. Talaga bang sinasagad mo ang pasensiya ko."
Nginitian ko siya. "Sama mo ako. Wala na akong alam na puntahan eh." Pinaamo ko ang mukha ko para lang mapapayag siya.
"Wala ka bang work? Lagi na lang kitang nakikitang nakatambay dito."
"Wala eh. Walang gustong tumanggap sa akin."
"Pero sa nakikita ko naman ay anak mayaman ka."
"Oy! Hindi ah. Nasa ayos lang iyan kaya nagmumukha akong rich."
"Baka naman gold digger ka kaya tinatarget mo ako."
Lalong sumingkit ang mga mata ko nang tingnan ko siya ng masama. May pagkachinita kasi siya.
"Sumusubra ka ng kumag ka hah. Gusto mong sumabog ang mayon volcano ng wala sa oras, hah."
"Easy. Baka 'yang mukha mo ang sumabog." Natatawang sabi nito.
Parang lumiwanag ang paligid ng tumawa ito. OMG! Grabe, tawa pa lang para na akong mahihimatay. Kyaaaaa...Gusto ko siyang yakapin. Please Kale, my labs, Payakap naman oh.
"Yuck! Naglalaway ka. Punasan mo nga 'yang laway mo. Ewww!"
Napahawak siya sa kanyang bibig pero wala naman siyang makapang nabasa. Narinig na lang niyang tumatawa ulit ito.
"Alam mo dapat ganyan ka lagi para hindi ka laging seryoso. Mas magandang tingnan. "
"Para na akong tanga kung lagi akong nakatawa." Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung anong nangyari basta na lang pumikit ako nang lumapit ang mukha niya at naramdaman ko na lang na magkadikit na ang mga labi namin. Sana hindi na matapos ito.
Tumigil ang sasakyan nito sa isang malaking mansion. Ay, sosyal. Sumunod ako sa kanya ng makita kong pumasok ito. Din man lang ako niyaya. May pagkatokmol talaga ang lalaking to. Di bali labs naman kita.
"Manang Lourdes"
"Kale nandito ka na pala." Malamang, nakikita mo na nga sa harapan mo ang amo mo. Ay bad. Matanda na yan kaya respeto naman BRAIN.
"Pahanda po ng pagkain Manang. Hindi kasi ako kumain kanina." Nagdidiet ba ito kaya hindi kumain.
"Ay naku kang bata ka, sinabi ko ng wag mong kakalimutang kumain. Hala, maiwan ko muna kayo...."
"Sino naman ang anghel na ito Kale? Napakagandang bata." Labyo na Manang. Ikaw na. Buti ka pa inappreciate mo ganda ko hindi tulad ng isang yan.
"Alalay ko manang." What the hell.
"Ano? Kale ikaw ha, wag mo akong pinaglulukoloko."
"Oo nga Honey. Bakit mo naman akong ginawang alalay. Girlfriend mo kaya ako." Pinalungkot niya lalo ang mukha para effective sa nanood sa kanila. Pero, it's hurt you know. Kung makapanakit ng damdamin, wagas.
"Ikaw na bata ka." Hindi na bata yan manang, damulag yan. "Huwag naman ganun iho. Sige ka baka makarma ka." Tuloy ni Manang.
"Sorry na po."
"Sige na at magpapaluto pa ako ng kakainin yo."
"Sige poh manang." I said while smiling.
"Kung makangiti ka naman, close ba kayo." Nakasimangot nitong sabi. Hay naku! Kung hindi lang kita mahal kinarate na kita.
"Close na kami ni manang. Bait kasi."
"Ay sus! Bumanat pa."
"Kale naman eh. Mahalin mo na kasi ako para hindi ka laging nagmemenopause." Padyak niya. Tumalikod na ito kaya hindi niya nakita ang ngiti nito. Sira talaga ito, tatalikod na lang bigla.
"San punta mo?"
"Maliligo, sama ka."
"Pwede."
Naging seryoso ang mukha nito kaya tumahimik na siya. Patay, napasobra yata ako. Ikaw naman kasi kung bakit ka pa kasi sumagot. Duh! Tinanong kaya niya ako. Umakyat na ito sa hagdanan kaya umupo na lang siya sa sofa.
COMMENT!
VOTE!
ღღღ
BINABASA MO ANG
The Devil's Gang: Broken Soul (Kale Orlando Story)
Romance"HELLOOO..!" Naalimpungatan siya ng may narinig na tinig. A girl. What a day? Kung kailan masarap na ang tulog ko saka naman may istorbo. Nagdesisyon siyang pumunta sa park kong saan lagi nilang tambayan noon ng mga kaibigan. "Anong nginingiti mo di...