Claudine's POV
Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng Juan Bautista State University, sa totoo lang kanina pa 'ko rito. Hindi ako makahakbang. Sobrang naninigas kasi ang mga binti ko. Pagkalipas ng halos dalawang buwan, heto ako't nagbabalik sa impyernong lugar na 'to. Muli ay makikita ko na naman ang mga taong umusig sa'kin—Mali, kay Claudine pala. PTSD...May PTSD nga pala ako. Hindi ako si Claudine. Hanggang kailan ba 'ko magdudusa na taglayin ang ala-ala ni Claudine? At isa pa, sino ba si Claudine sa buhay ko para mapunta sa'kin 'yung ala-ala niya? Sa makailang ulit na pagkakataon mula kaninang pagdating ko rito ay muli akong napabuntong-hininga dahil sa mga tanong na hindi ko alam kung saan makukuha ang sagot.
"O, Ivan. Kanina ka pa diyan ah. Pasok ka na, tara!"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Francis Harold. Anak siya ni Dra.Sanchez at siya ring nagdala sa'kin sa ospital. Sa ngayon, sa kanila ako tumutuloy dahil walang-wala akong mapupuntahan. Tinulungan nila ako para magkaroon ng pansamantalang identity habang wala pa 'kong naaalala tungkol sa sarili ko. Sa tulong ng kaibigang propesor ni Dra. Sanchez ay nagkaroon rin ako ng school records...na peke. Nabanggit ko kasing gusto kong pumasok kaya ginawan nila ng paraan. Makatutulong din daw sa'kin kung makikisalamuha muna ako sa ibang tao at magkaroon ng pagkakaabalahan. Laking pasalamat ko talaga at sila ang nakakita sa'kin. Napakabait nila. Pero hindi madali ang sitwasyon ko. Mga bes, si Kiko lang naman ang long time crush ko—I mean ni Claudine! Araw-araw kaming magkasama sa iisang bahay! At ang hirap kasi hindi lang ala-ala niya ang taglay ko, pati nararamdaman niya pinahihirapan ako!
"S-sige. S-susunod na'ko," sagot ko sa kaniya pero sa totoo lang, gusto ko nang bumalik pauwi.
"I know it's hard for you because you have Claudine's memory. At hindi nga maganda ang karanasan niya bago siya nawala kaya alam kong natatakot ka. But you see, God won't give us anything that we can't handle. Maybe He believes that you are strong enough to get through that. Magiging maayos rin lahat," anito saka ako tinapik sa balikat. "At isa pa, hindi naman ikaw si Claudine. Hindi nila gagawin sa'yo ang mga ginawa nila kay Claudine kaya huwag ka nang mag-alala."
Inakbayan ako nito saka hinila na para maglakad. Paanong hindi magkakagusto si Claudine dito kung ganito ito kabait? Sa dalawang buwan na doon ako nakatira ay wala akong nakitang butas sa pagkatao niya. Matalino, masipag, mabait na anak at...guwapo. Ugh! Claudine, napakalaki kong lalaki para maging bading! Bakit ba kasi ala-ala pa ng isang babae ang pumasok sa kukote ko?
Pagpasok ng gate ay muling bumalik sa'kin 'yung pakiramdam na alam kong naramdaman ko na noon. 'Yung pakiramdam na dala ng mga bulungan ng mga tao at ng mga tingin nilang tila ba sinusukat ka mula ulo hanggang paa. Bawat hakbang pakiramdam ko'y lumulubog ako sa lupa. Pinanatili kong nakayuko ang ulo ko. Hindi ko kayang salubungin ang tingin ng mga tao. Pagkatapos ng lahat tila ba naubos lahat ng tapang na mayroon ako. Hindi pa rin pala ako sanay sa ganitong pakiramdam.
"Ivan, anong problema?"
"Kiko, pinag-uusapan nila 'ko. U-uwi na lang ako."
Napatawa ito saka humarap sa'kin.
"Yes, they are talking about you. Pero alam mo ba ang mga sinasabi nila tungkol sa'yo?"
"H-huh?"
"Just try raising your head and look at the girls swooning over you. A new university heartthrob was born."
Tumingala ako. At tulad ng sinabi nito'y nakatingin nga sa'kin halos lahat ng kababaihan na nasa may pasilyo ng unibersidad. Hindi 'yung tinging nang-uusig. Hindi 'yung tinging nanunukat. Ang mga tingin nila'y iyong tinging tila ba isang anghel ang bumaba sa lupa. Mga tinging puno ng paghanga.
BINABASA MO ANG
Then They Collide...
RomanceShe's vulnerable... He's in vain... Two complete strangers coping with the cruelty of their fates. Until destiny plays with them, their souls switched but got no clue whose body they are in, where their bodies are, and how to get back to their own...