05 // Out of the Cage
"A free bird leaps on the back of the wind and floats downstream 'till the current ends." -Unknown
***
Napayuko ako sa sinabi niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong nagpadalos-dalos sa aking kilos. Look what happened now, I just humiliated myself in front of him.
"G-gusto ko lang sanang magpaalam sa'yo..." hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. Tutal ay napahiya na rin ako, might as well say my true intention.
Tinignan niya ako ng may halong pagtataka, "At bakit ka magpapaalam sa akin?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ilang araw na akong nakakulong dito sa kwarto, I want to go out. Kahit saglit lang, sa garden ng mansion."
He crossed his arms and stared at me.
"Promise, hindi ako tatakas! Tsaka saglit lang talaga, gusto ko lang magpahangin!" dagdag ko pa.
Tumingin ako sa kaniyang mga mata at bahagyang ngumiti, "Please..."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin, tila ba napaso nang magtagpo ang aming mga mata. Tumalikod siya at pinihit ang door knob ng pinto, "Okay..."
Okay? OKAY? AS IN O-K-A-Y?
Hindi ko napigilan ang magsisigaw sa tuwa. "Hala! Salamat, Axis! Sinasabi ko na nga ba at medyo mabait ka rin e."
"I'll let you go to the garden, pero kailangang kasama ako."
Natigil ang pagsasaya ko dahil sa huling sinabi niya bago siya tuluyang lumabas ng aking silid. Ano? Bakit kailangang kasama pa siya? Akala niya ba talaga tatakas ako?
Hah! Bahala nga siya, basta ang mahalaga ay makakalabas na rin ako sa kulungang ito. I glanced at the wall clock and it says 5:14 PM. Saktong-sakto pala at hindi pa tapos ang paglubog ng araw.
Masaya kong binuksan ang door knob ng kwarto para makalabas na ako. Napangiti ako nang hindi ako hinarang ng dalawang lalaking nakabantay sa labas ng aking kwarto. Ilang beses ko na rin kasing sinubukang lumabas pero palagi lang nila akong hinaharang at tinututukan ng baril.
Naglakad ako sa hallway at bumaba ng grand staircase. Nakita kong nasa sala si Mica at mukhang may nililinis siya roon. Nilapitan ko siya at kinalabit.
Agad niya akong nilingon at napahawak siya sa kaniyang dibdib, "I-imari, ginulat mo naman ako! Mabuti't nakalabas ka?"
Ngumiti ako nang malapad. "Ako pa ba? Napapayag ko si Axis at dahil iyon sa'yo, kaya salamat ha."
"Paano mo 'yun nagawa, Imari? Imposibleng napapayag mo si Sir, baka tumakas ka lang palabas ng kwarto ha?" nagdududang tanong niya.
"Ikaw talaga! Basta napapayag ko siya, and it's a secret how I did it!" kunwari'y pagtatago ko, pero ang totoo ay nakakahiya talagang ikwento ang nangyari. Hindi ko kayang sabihin na nag-backfire ang plano ko!
"At oo nga pala, masyado kasing malaki ang mansion at nakakaligaw. Pwede mo ba akong samahan papunta sa garden?"
Pumayag siyang samahan ako sa labas. Aniya'y halos limang buwan na rin siyang nagta-trabaho sa mga Fabella kaya alam niya na ang pasikot-sikot sa mansion. Kamamatay lang daw noon ng mga magulang ni Axis nang magsimula siya. Highschool lamang ang natapos niya dahil kinailangan niyang tumigil para pag-aralin ang dalawa niya pang kapatid.
Tumigil kami sa entrance ng garden, isang arko ng mga bulaklak ang daraanan papasok dito.
"Imari, sige na, nasa loob na yata si Sir."
BINABASA MO ANG
I'll Tell You A Lie
AcciónCan you distinguish the difference between the truth and the lie? [This is a Filipino-English story.]