I

4 0 0
                                    

       Sa lahat ng lalaking nakilala ko,
     Tila iba siya sa lahat ng mga ito.

     Hindi siya yung "pwede bang maging tayo?"  

         Subalit siya yung, "mag stay ako hanggang dulo"

        Walang naging 'tayo' pero ako ay nahulog sayo.

      Sa mga simpleng salita mo na tumatak sa isipan ko,

     tila ako ay nahulog ng husto.

      Nahulog sa salitang wala namang kasiguraduhan kung totoo

      Wala kang sinabing mahal mo ko,

      Basta't ang alam ko ayokong magwakas ang mga pangyayaring ito.

        Tinurin kitang iba sa lahat,

       Tila naisip ko wala na kong ibang hinahanap.

      Masaya na kong nandyan ka,

Masaya na kong nakilala kita.
kahit walang tayo,

     Masaya na ko kahit ganito na lang to

     Basta't wag mo kong iwan, kagaya ng sinabi mo

   Ngunit ang tulang ito ay sinulat ko noong nakaraan lang na marso,

     Iyon din ang buwan kung saan pinaniwala mo kong ang forever ay di talaga nag eexist sa mundong ito

       Bigla kang nawala,

Hindi ko alam kung ano ang aking nagawa.

      Nagising na lang akong wala ka na,

    Nagising ako sa katotohanang katulad ka rin pala nila.

    Isa ka lang din palang temporary na tao na dumating para paasahin ako..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

World of thoughtsWhere stories live. Discover now