chapter 29: Foundation Day!

557 6 2
                                    

One week nalang at tapos na yung deal namin ni Yuan. May takot pa rin sa utak ko...

ano kaya mangyayari pagkatapos ng kontrata namin.

Somehow, okay na ako kagabi… pero ewan ko ba bat hindi mawala sa utak ko kagabi ang thought na iyon.

Pero sa ngayon!

HAPPY FOUNDATION DAY SA SCHOOL NAMIN!!!!!

^__________________^ Yahoooooooo!

Walang pasok whole week!

ILABIT!!!!!!!

Ang dami naman ng event ngayon. May horror house. Mini-cafeteria. May games, palakasan, concert, carnaval, competition ng mga matatalino at marami pang iba.

Grabeh talaga mag organize ang mga top student ng school namin! Buti nalang hindi ako top student ng hindi ako laging busy... lalo na sa foundation day!

ENJOY! ^_______________^

May maganda din palang resulta sa pagiging bob! Hahahaha... xD

Ngayon ang opening ceremony ng foundation day, and as expected…

Nasa harap ngayon si Rock nag-speech.

Aaaaah unga pala, kakauwi niya lang.

Pero si Coffee, missing in action pa rin. Ano kaya ang nangyari?

Okay lang kaya siya. Hindi naman siya sumasagot sa mga tawag namin. Laki siguro ng problema niya.

“Oiiiiiiiii Quincy!” Tawag ni Chachi sa akin.

“Cha! Saan si George?” tanong ko.

“Haller! Busy kaya yun ngayon… top student siya ano, plus CAT kaya siya kaya laging naglilibot yun kung saan para i-sure na walang mangyayaring karumaldumal ngayong araw na ito.” Sabi ni Chachi.

“Talaga… eeeh ba ka nakikipagharutan yun kay Chase.” Sabi ko.

“Isusumbong kita kay George sige ka.” Sabi ni Chachi.

“Joke lang! Ikaw praning ka masyado. Mag horror house tayo.” Sabi ko.

Panakot ko sa kanya, pero ang totoo takot din ako sa horror hause. Bwahahahaha!

“Ayaw ko! Nakakatakot yun!” sabi ni Chachi.

“Ay duwag ang lola. Eh… anong gagawin natin? Tutunganga sa gilid.” sabi ko.

“Che! Bahala ka nga jan! hahanapin ko nalang ang maylabs ko. Chow!” sabi ni Chachi.

“Traydor!” sabi ko.

Pagtalikod ko, bigla akong may na banga.

Si…

Si…

Si…

Skipper.

<Lollipoprincess: Akala niyo si Yuan ano! Aminin! Hahahaha… xD>

“Woooooh… watch where you going beautiful girl.” Sabi ni Skipper.

Wow! Himala ha hindi sila kasama ni Roockie ngayon.

“Oh! Nasan ang kakambal mong asungot din?” sabi ko.

“Sakit mo naming magsalita…Alam mo Quincy, kung ganyan ka kaganda noon malamang girlfriend na kita ngayon.” Sabi ni Skipper.

“Hangin mo rin ha. Atsaka pang-appreciate yan o pang-aasar?” sabi ko.

“I don’t know… Well alam ko naman na you can’t resist such handsome guy like me. Alam mo, bat di tayo mag date ngayon sa foundation day. Total wala kang kasama at wala din akong kasama. Subrang gwapo ko at maganda ka.” Sabi ni Skipper sabay hawak ng kamay ko at hila sa akin.

HapPy LoVe: 100 days with the Royal SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon