CHAPTER 1
Si Anastasia Dimaculangan ay lumaki sa isang isla kasama ang katribo niyang kung tawagin ay tribo "Kunot." Ang kanilang isla ay isa sa mga pinakamalayong lugar sa Palawan kung kaya ay tinawag itong "Isla Layo." Namumuhay si Anastasia, Tasya sa kanyang ina sa isang kubo na napapalibutan ng mga gulay at puno. Si Tasya ay 19 na taong gulang, morena, mahaba at kulot kulot ang buhok at isa sa pinakamagandang babae sa kanilang tribo. Bata pa lang ay namulat na siya sa kahirapan ngunit hindi naman siya sinalat sa pagmamahal ng kanyang ina.
Sa tulong ng kanya ni "Ingkang Pifa" natuto si Tasya na sumulat at makaintindi ng salitang Ingles. Si "Ingkang Pifa" ay itinuturing na guro sa kanilang tribo dahil nakapag aral ito ng highschool ng lumuwas ito sa Maynila.
Isang araw habang naliligo si Tasya sa dagat may napansin siyang isang bote na naglalaman ng sulat
"sana mahanap na kita,my true love."
nabigla siya sa nakalagay sa sulat at isinilid niya ulit ito sa bote. Dinala niya ang bote hanggang sa kanilang bahay ngunit di ito nakaligtas sa paningin ng kanyang inang si Aling Grasya.
"Oh Tasya anu n naman yang dala dala mo" pagusisa ng kanyang ina.
"Ah inay wala po to nakuha ko lang sa may dagat sayang naman."
Tuloy tuloy na pumasok siya sa kanyang silid at itinago niya ang bote sa isang kahon na may pagtataka pa din sa kanyang mukha.
Samantala, bagot na bagot na si Josh sa napakalaking bahay nila na kung tawagin ng lahat ay Malacanang. Siya ang unico hijo ng presidente ng republika ng pilipinas na si Roberto Carlos Lopez Siya ay napakagwapo kung kaya't baliw na baliw ang halos lahat ng babae sa kanya. Idagdag pa na anak siya ng Presidente na lalong nagpatatag ng titulo niyang hottest bachelor in town. Wala na ang kanyang ina dahil namatay ito sa sakit na cancer. Grabe ang iniyak niya at halos magunaw ang kanyang mundo ng nalamang namayapa na ang kanyang ina. 23 anyos na siya ngunit para siyang preso kung ituring sa palasyo dahil kahit san man siya magpunta ay nakasunod ang mga bantay niya na kinuha ng daddy niya ng siya ay mabantayan laban sa mga kaaway nito sa pulitika. Habang nagiisip ay biglang bumukas ang pinto.
"oh hijo bakit sangdakol ang mukha mo" sabi ng kanyang ama na pormal na pormal sa suot nito na americana.
"dad naman kasi hindi na ako bata para pabantayan sa mga bodyguards mo na parang mga goons ang pagmumukha"turan niya.
"Josh para lang yan sa iyong proteksyon hindi mo ba alam na marami akong kalaban sa oposisyon"pormal na pormal na sabi ng kanyang ama.
"Bakit kasi nagpresidente ka pa. Hindi ko tuloy magawa gawa ang gusto ko.Alam mo bang halos 4 na taon na nung ika'y naluklok sa pwesto na daig ko pa ang bilanggo" pagmamaktol niya sabay alis.
Napaisip ang kanyang ama sa mga sinabi ni Josh. Ngayon lang siya nakadama ulit ng lungkot matapos ang pagkawala ng kanyang asawa. Kung kaya't pagbibigyan na niya ang kagustuhan ng anak na gawin ang gusto nito. Ipinatawag niya ang kanyang anak sa kanyang opisina. Habang hinihintay ang anak ay nakatitig siya sa pigura ng kanyang asawa.
"Amanda, kung ikaw ang nasa katayuan ko,alam kong gagawin mo rin ito"sabi na lang niya sa litrato ng namayapang asawa ng biglang nakarinig siya ng katok.
"Tuloy"
"Dad pinatawag mo daw ako"
"Gusto ko lang sabihin sayo na pinapayagan na kitang magbakasyon sa loob ng isang buwan kahit saan mo man gusto,walang bodyguard na sasama sayo ngunit sa isang kundisyon. Araw araw mo kong tatawagan para malaman ko kung o.k ka"pormal na sabi ng presidente.
Nabigla siya sa sinabi ng ama. Hindi niya inaasahan na papayagan siya ng kanyang ama na magbakasyon. Isang lugar agad ang pumasok sa isip niya ito ay ang Palawan. Halos 3 taon na din ng nakapunta siya sa Palawan at ito ay nung nagkahiwalay sila ni Jane. Si Jane ay kanyang minahal talaga ngunit ipinagpalit siya nito sa unico hijo ng Senador sa Amerika. Matagal tagal na din nung huli siyang nakapunta dun kung kaya't doon niya gusto unang pumunta.
BINABASA MO ANG
Island Girl Meets the President's Son (Complete Story)
RomanceSi Tasya ay lumaki sa isa sa pinakamalayong Isla ng Palawan kasama ang tribo na kung tawagin ay Tribo Kunot. Kinatatakutan ang tribong ito at wala ng nangangahas na tumuntong dito. Samantala, dala na rin ng kabagutan sa Malacanang ay pinayagan ng Pr...