HAWAK ni Rean ang cellphone habang hinahanap si Nick. Nakita nya kasi kanina si Josh at tinatanong nito sa kanya kung nasaan ang pinsan na kanyang ikanapag taka. Ang akala nya ay mag kasama ang dalawang ito dahil pareha nilang hindi makita ang dalawa.
Nang isang oras na ang lumipas at hindi pa mahanap ni Josh at Vanessa si Nick ay nag alala na sya. Baka kung saan na ito napadpad. Hindi pa naman kabisado ng binata ang kanilang lugar.
"Sumagot ka na Nick please." Paki-usap nya habang sinusubukan ulit kontakin ang binata. Paulit-ulit nyang tinatawagan ang cellphone nito pero walang sumasagot. Malapit ng dumilim at mas nadadagdagan ang pag-aalala nya sa para kay Nick.
After another two hours of looking and contacting Nick ay sumagot din ito sa kanyang tawag.
"Nick, where are you? Kanina ka pa namin hinahanap nag aalala na kaming lahat sayo." Hindi nya mapigilang mainis habang nagtatanong dito. Nagagalit sya dahil sobra ang nararamdaman nyang pag aalala sa binata. Pero laking gulat nya nang imbes na si Nick ay iba ang sumagot.
"Hi, this is not Nick. But, if your looking for him. Tulog na sya ngayon masyadong napagod." At malanding tumawa ang babe sa kabilang linya.
Parang may mabigat na bagay nandumagan sa kanyang dibdib sa narinig. Kagat nya ang labi upang pansamantalang pigilan ang pagsasalita. Alam kasi nya na kapag sumagot sya dito ay magiging garagal ang kanyang boses. Ilang segundo muna ang kanyang pinalipas upang pakalmahin ang sarili.
"Ah, ganun ba. Would you mind if I ask your exact location? Nag aalala na kasi yung pinsan ni Nick sakanya."
Walang alinlangan namang ibinigay ng babae ang lugar kung nasaan ang mga ito. Nasa isang bar sila na sa taas ay motel sa may syudad. Hindi ito kalayuan sa kanila kung may sariling sasakyan ay kakayanin ng trenta minutong byahe. Isa pa, kahit late night ay marami parin ang tao dito. Gimikan kasi ito ng mga taga rito na nag tatrabaho sa manila. Yung mga linguhan kung umuwi o kaya naman ay mga bakasyonista.
Matapos makausap ang babaeng sumagot ng cellphone ni Nick ay tinext nya si Vannesa. Ipinaalam nya dito ang kinaroroonan ni Nick at sinabi nyang kung susunduin ito ni Josh at vannesa ay hindi na sya sasama. Hindi na nya sinabi pa sa kaibigan ang tungkol sa babaeng sumagot.
Pero Vannesa is vannesa ipinilit parin nito na kailangan nyang sumama sa kanila upang sunduin si Nick.
"Sumama ka na dahil baka maligaw kami. Hindi ko kabisado yung lugar." She told her giving her no option but to escort them.
Nang makarating na sila sa lugar ay sa VIP room agad sila tumuloy. According to Josh ay nandoon si Nick at hinihintay sila. Habang naglalakad paakyat ng hagdan ay palakas ng palakas ang tipa ng kanyang dibdib. Sari saring larawan din ang tumatakbo sa isip nya. Na baka ang madatnan nila sa loob ay si Nick at ang kasama nitong babae, na baka may ginagawa ang mga itong kababalaghan, na baka makita nyang masaya ito sa iba. At na baka masaktan lang sya kung makikita nya ngayon ang binata.
Pero dahil ayaw nyang malaman ni Vannesa ang nalaman nya kanina ay sumama parin sya sa dalawa. Sana lang talaga walang ibang babae sa loob na kasama si Nick.
"Nasan sya?" tanong ni Vannesa kay Josh nang walang maabutang tao sa loob. Pero ng tumuloy sila sa silya ay nakita nila ang jacket na suot ni Nick kanina.
"Nasa CR lang Van. Wag ka masyado excited makita si Nicholas ok? Baka sapakin ko bigla yon." Kunot noong sagot ng binata na parang hindi nagustuhan ang paghahanap ni Vannesa kay Nick.
"Ayiie, selos ka naman." At hinalikan nito ng mabilis sa labi ang binata. "Wag kang mag alala hinahanap ko lang ang mokong na yon ng mabatukan. Pinag alala nya tayong lahat pati si Rean. Ayun pala gusto lang mag-inom."
Umiling-iling nalang si Josh sa sinabi nito. Nag tawag ito ng waiter at nag order na ng alak, juice at dish para sa kanila.
"Van, CR lang ako." Agaw pansin nya sa dalawang busy magharutan. Pag kaalis na pagkaalis ng waiter ay nag yapusan na ang dalawa na para bang wala sya doon. "Nasusuka na kasi ako sa inyo." She humored herself. Ang totoo naman talaga ay gusto nyang alamin kung nag banyo lang ba talaga si Nick.
Parang walang pakialam na iwinasiwas ni Van ang kamay sa kanya na sinasabing umalis na sya. At iyon ang kanyang ginawa. Agad nyang hinanap kung nasaan ba ang banyo at nanginginig ang tuhod na pumunta doon. Kagaya ng nararamdaman nya kanina pagpasok ng VIP ay kinakabahan nya ring tinungo ang banyo. Panay pa ang kanyang lingga sa paligid, medyo malawak kasi ang lugar at madilim sa daraanan kaya hindi na nagkapagtatakang marami ang mga mag pares na naglalagi doon. Ang iba pa ay parang gumagawa na ng milagro.
Nang makita nya ang signboard ng lalaki ay mas nadagdagan pa ang kanyang kaba. Dahan dahan syang naglalakad habang panay ang hinga ng malalim. Nang ilang hakbang nalang sya sa pinto ng banyo ay bigla syang napahinto. Para syang natuklaw at naestatwa sa kinaroroonan ng maaninag ang dalawang tao na walang habas na naghahalikan.
Kahit nagbabadya nang tumulo ang kanyang luha ay pilit parin nyang inaninag ang mukha ng lalaki. Alam nya na tama ang kanyang hinala base narin sa pigura nito pero gusto nya paring alamin. At nang mapaharap ang lalaki sa kanya ay hindi na nya napigilan ang pag patak ng butil sa kanyang mata.
"Nick." Halos bulong nyang sabi habang pinag mamasdan ang lalaki na wala nang pang itaas na suot at abalang nakikipag halikan sa babaeng nakasandal sa pader habang nakapulupot ang mga binti sa bewang nito.
Nang magmulat ito nang mata at nagtama ang kanilang tingin. Inaasahan nyang magugulat ito dahil nakita sya pero blangko lang ang ekspresyon nito. Gusto nya pa sanang makipag titigan dito uoang ipaalam nya sa binata ang kanyang galit pero hindi nya kinaya. Kaya naman sya na ang unang nag iwas nang mata. Kasunod noon ang pagtalikod at malalaking hakbang paalis sa kinaroroonan.
Dirediretso syang naglakad palabas ng bar. Nang makarating sa medyo madilim na bahagibay doon nya inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman. Tinakpan nya ng dalawang kamay ang kanyang bibig upang hindi lumikha ng ingay habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata.
Nasasaktan sya dahil paulit ulit na nag rereplay sa utak nya yung nasaksihan nya sa loob. Pero mas nasasaktan sya pag naaalala yung sinabi ni Nick sakanya sa condo. pag-aari sya nito at pwede nya ring sabihing pag-aari na nya ang binata. Pero parang ngayon ay hindi na mananatili nalang yon sa kanyang utak. Alaala na sa tingin nya ay patuloy na mananakit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 4- Mr. Heart Ripper
قصص عامةHow can a playboy like Nick tame the Ms. Black belter woman named Rean Lor Natalicio?