"REGIE ! YUNG BOYFRIEND MO HINAHANAP KA" sigaw ni Lea .
Eto nanaman tayo , lagot ka sa akin Lea mamaya . "Oo , saglit lang" .
"Diba sabi ko sayo wag mo sasabihing , andito ako !" bulong ko naman sa kanya . --" Buti nalang hindi nya narinig , kung hindi dali ako .
"Oh , napadaan ka ata ." sabi ko sa BF ko na si Baek .
"Bakit masama bang mamiss ang Girl Friend ko?" sabi nya , nakunsensya tuloy ako dahil gusto ko syang taguan .
"Hindi naman , wag ka mag -alala okay lang ako , ahhhmm , miss na rin kita eh" sagot ko naman sa kanya , mahal ko naman talaga sya eh , di ko nga lang alam kung bakit ko sya pinagtataguan , nababaliw na ata ako . "Ahhhm Baek ! I think we need to talk" bigla kong nasabi .
"Sige , mamayang uwian , hihintayin kita sa may gate , sa park tayo mag-usap" sabi nya naman . Parang kinakabahan sya sa sasabihin ko . Di bale na , nasabi ko na eh .
Sorry nga pala readers , di pa pala ako nagpapakilala =) Ako nga pala si Regie Ambulo , 15 years old , nag-aaral sa Cavite Community Academy sa Naic , Cavite at may best friend ako si Lea Michelle Caladcarin este Caldaira . Mayroon naman akong mabait na boyfriend si Byun Baekhyun , member ng isang sikat na Kpop group na EXO , ang swerte ko nga eh nanligaw sa akin ang isang Baekhyun ♥ kahit parang babae kung umayos mahal na mahal ko parin sya .
Ilang oras ang lumipas at nagbell na rin , nandito na ako sa may gate at wala sya . "Siguro may ginagawa pa yun , hihintayin ko na nga lang sya dito" . sabi ko .
>>>>>>>>>>>>FAST FORWARD<<<<<<<<<<<<<<
Pagabi na pero wala pa sya , siguro hindi sya makakadating , mas mahalaga pa ba yung ginagawa nya kesa sa aken ? Grrrr . Naiinis ako . Nagulat ako ng biglang tumunog yung cellphone ko . Mama ni Baekhyun .
"Uhhm , tita ? Bakit po ?"
"Anak , wag kang magugulat pero si Baekhyun"
"Ano pong nangyari sa kanya?" nag-aalalang sabi ko .
"Naaksidente sya , may bumugbog sa kanya , nasa ospital kami ngayon" naramdaman ko na tumulo ang luha ng mama ni Baekhyun , kaya agad kong tinanong kung saang ospital , para mapuntahan ko .
Naandito na ako sa Ospital na sinabi ni Tita , nagpunta kaagad ako sa Counter para itanong kung saang room si Baek naka check-in . Kinakabahan ako , baka kung anong mangyari sa kanya , ikamamatay ko pag nawala sya . Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyaring to , bakit kasi kailangan panaming magpunta sa Park para mag-usap , hindi ko nalang sinabi kaagad sa kanya . Naiinis ako sa sarili ko .
Pagpasok ko sa kwarto ni Baek bumungad sa akin si Tita , parang kanina pa sya umiiyak , pero nasaan naman si Tito ?
"Tita , Bakit kayo lang po ang nandito ? Nasaan po si Tito ? Kamusta na po ang lagay ni Baek ? Ok lang po ba sya ? Sana gumaling na kaagad sya ." sabi ko naman .
"Pwede bang isa isahin mo ang tanong ?" naiyak parin na sabi ni Tita .
"Ok po . Pasensya na po . Bakit kayo lang po ang nandito ?" tanong ko .
"Wala ang Tito mo , nasa trabaho sya , hindi nya pa alam tong nangyari" sagot ni Tita .
"Kamusta na po ang lagay ni Baek , Tita ? Nag-aalala na po ako sa kanya" naiiyak kong bigkas .
"Sabi ng doctor malakas daw ang pagkakatama ng ulo nya sa pader kaya kritikal daw yung kondisyon nya ngayon" sagot ulit ni Tita . Pagkatapos nyang masabi yon bigla na lang pumatak yung luha ko . Hindi ko na napigilan .
Tatlong araw nang natutulog si Baekhyun at tatlong araw na din akong hindi napasok kase hindi ko kayang iwan si Baekhyun , MAHAL NA MAHAL ko sya . Ikakamatay ko talaga pag nawala sya , hindi ko kakayanin pag iiwanan na nya ako . Tumawag naman sakin si Lea para itanong kung bakit absent kami ni Baekhyun , sinagot ko naman sya ng maayos at ayun nga hindi ko nanaman mapigilang hindi umiyak , pumupunta sya sa ospital kung saan nandun ako para i-comfort .
"Regie , Gabi na , wala ka pa bang balak umuwi ? Uuwi na ako ." sabi ni Lea
"Wala pa . Babantayan ko muna yung pinakamamahal kong tao" madamdaming sagot ko naman .
"Oh sige , ikaw bahala."
Pagkaalis ni Lea , napansin kong parang gumalaw yung daliri ni Baek kaya agad agad akong tumawag ng doctor , pagkabalik naman namin sa kwarto , nakita ko si Baekhyun , nakaupo at parang maayos na ang lagay . Chineck muna ng doctor kung ayos na sya at ayun nga okay na . At sa kabutihang palad ayos na ang lagay nya bigla ko naman syang yinakap sa sobrang pagkatuwa ko . Tinanong ko kaagad sya kung ano nangyari .
"Ano ba kasing nangyari ? Pinag-alala mo kami ni Tita"
"Mayroon kaseng gustong bumastos sayo . At dahil nga mahal na mahal kita , kailangan kitang iligtas , nung narinig ko yun nag-init ang dugo ko , kaso may tubo silang dala kaya hinampas nila ako pero nakatayo ako kaso biglang tumama yung ulo ko sa pader kaya nawalan ako ng malay ." straight to the point na sagot ni Baekhyun . Nagulat ako ng sinabi nya yon , alam ko namang hindi sya magsisinungaling , sa lagay nyang yun magsisinungaling pa sya ? Siguro hindi nah . "Ahhmm , Regie pede magtanong?" sabi nya .
"Sureness!" maikling sagot ko .
"Ano ba kasing gusto mong sabihin sa Park ?" tanong nya . Nagulat ako pero hindi nalang ako nagpahalata .
"Gusto ko lang sabihin sayo BYUN BAEKHYUN na desidido na ako."
"Desidido na ano?"
"Na hindi na ako maghahanap pa ng iba at ikaw na yung taong papakasalan ko pag graduate natin ng College , mahal na mahal kita Baekhyun." sagot ko
Nagulat ako ng biglang dumampi yung labi namin sa isa't isa . Yun yung first kiss namin *0*
"Mahal na mahal rin kita Regie! Hanggang sa huli ikaw ang magiging Mrs . Byun"
~~~~~~~~~~~~~~~T.H.E E.N.D~~~~~~~~~~~~~~
Sana guys nagustuhan nyo , para po yan sa lahat ng Baekhyun Biased . D.O biased ako ehh . Hehe . First time ko po pagpasensyahan nyo na .
Kung may magrerequest . (Sana meron) Comment lang po =) Pa-Follow na rin po . Advance Kamsahamnida Chingu's ♥
BINABASA MO ANG
My Mermaid Prince (One-Shot) (Byun Baekhyun FanFic)
Fiksi PenggemarPaano kung yung BoyFriend mo na akala mo babakla bakla yung magliligtas ng buhay mo in the end ? Magiguilty ka ba dahil inakusahan mo syang "babakla bakla" ? Sisisihin mo ba ang sarili mo sa nangyaring insidente . ? Alamin natin kung ano ang mang...