One Rebound - One Love

342 7 1
                                    

One Rebound - One Love

written by: IMariellaaa

____________________________________________________________________________________

A/N:

Ito ang pinakauna kong short story na ginawa at sana po magustuhan niyo, bago lang po ako gumawa ng story kaya please bear with it ^_^ 

dedicated kay animesh_celle, thanks celle sa pag dedicate sa akin sa story mo, cover book at sa pag-edit nito and oh paki basa rin po ang story mga ni animesh_celle yun lang po!

Plagiarism is a CRIME!

____________________________________________________________________________________

Jessy's Point of View


"Hindi ka ba talaga susuko sa akin?" Ang sabi sa akin ng boyfriend kong si Kenzy.

Boyfriend ko siya pero para sa kanya isa lang akong rebound, ayos lang 'yon sa akin dahil mahal ko siya. Matagal ko ng hinihiling ito sa panginoon at ito na nga iyon pero hindi ko namang inakalang isa lang akong rebound, pero ang nasa isip ko lang ngayon ay sa wakas sa akin na rin siya. Ngunit kahit anong gawin ko nasa iba pa rin ang puso niya.

Apat na buwan na ang relasyon namin ni Kenzy, pero sa apat na buwan na 'yon, hindi niya pa rin akong magawang mahalin dahil mas mahal niya pa rin ang ex niya.  Pero hindi ako susuko na mapa-ibig ko siya sa akin.



"Bakit naman ako susuko?" Tanong ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa garden nag-uusap tungkol nanaman sa pagiging-rebound ko sa kanya.



"Kasi alam kong hirap na hirap ka na, Jessy. Kahit anong gawin kong paglimot sa kanya Jessy siya pa rin eh. Hindi kita magawang mahalin, hindi ko alam kung bakit."

Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi nya. Napayuko ako dahil naramdaman kong tuloy-tuloy na ang agos ng mga luha ko. Laging bad timing ang mga luha ko. Nakakainis. Pwede bang lumabas lang kayo kapag sinabi ko?



"Alam ko naman 'yon, pero hindi ba nangako ako sa'yo. Tutulungan kitang makalimutan mo siya, sa kahit anong paraan. Kenzy pinapangako ko sa'yong mamahalin mo rin ako balang araw."

Kahit anong punas at pigil ko ng mga luha ko ay kusa silang dumadaloy sa mga mata ko. Alam ko namang balang araw ay mamahalin niya rin ako. Makakalimutan niya na rin ang dati niyang mahal, balang araw.


"Sana nga, Jessy."

Tumayo na siya at umalis na. Inilabas ko na lahat ng mga luha ko, Ang sakit. Pati ang pagpigil ng luha ko ay sobrang sakit. Pero sanay na naman ako eh. Sanay na akong masakatan para sa kanya, anong magagawa ko? Mahal ko siya eh, mahal na mahal na kinalimutan kong magtira para rin sa sarili ko. 



***



Lumipas ang two weeks at hindi pa rin kami nakapagusap ulit ni Kenzy, huli naming napagusapan is 'yong pagiging rebound ko. Sana naman ay makausap ko na siya ngayon. Monthsary namin ngayon ni Kenzy at pinag-ipunan ko talaga 'tong ireregalo ko sa kanya. Sana magustuhan niya. Tinext ko na siya.

One Rebound - One Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon