"Mica and John.. Ellaine and Gab.. Sabrina and-" napahinto si Sir sa pagsasabi ng new seating arrangement nang may pumasok na student sa room namin.
Kainis naman 'to. Kung kelan ako na eh. Sana makatabi ko si Carlo, sana talaga. *crossed fingers*
"Sir, pinapatawag po si Sabrina sa faculty.." ha? Ano daw? Ako? Ehhhhh! Pano yung seating arrangement? :(
"Sabrina, you may leave."
"Sir, pwede ko po bang malaman muna kung sino seatmate ko?"
Tiningnan nya yung papel.. "Si Lance."
WHAAAAT?! :(((((((((
No no no no. :'(
"Pero sir! Siya na po yung katabi ko dati ah?!" napatayo pa ko nung ireklamo ko yun.
"ARTE MO TEH! GUMORA KA NA NGA! AYAW RIN NAMAN KITANG SEATMATE NOH!" sigaw ni Lance. Ang baklang mahadera sa classroom namin. Hmp!
Umalis nalang ako ng classroom at nagpunta na sa faculty. Nakakabadtrip talaga yung seating arrangement na yun! >_<
"Bwiset na Lance yun, sawang sawa na ko sa pagmumukha nyang mukhang alien na nasabugan ng harina eh!" sabi ko habang naglalakad sa corridor papuntang faculty.
"Bakit kasi ang tanga mag-ayos ng seating arrangement ng teacher ko eh?!" saka ko sinipa yung papel na nakakalat na nadaanan ko.
"Hmp! Kainis talaga! Dapat si Carlo- Ayyy!" natumba akk sa pagkakabangga sakin ng bwiset na lalaki na 'to, anak ng tokwa, ang sakit ah.
"Miss, okay ka lang?" OMG. Yung boses na yun. O.O
Si Carlo! Kyaaaaaah!
Teka! Baka narinig nya yung sinabe ko? Ö OMGee.
"Hindi, hindi ako okay. Gusto ko kiss mo ko para maging okay na ko." pero syempre di ko yun sinabi.
"A-ah, oo okay lang ako." gadh! Nakakakilig! Ni'lend nya yung kamay nya para makatayo ako.
"Ay Sab. Ikaw pala yan, sorry ah.. Uhm, narinig ko yata yung pangala-"
"Ay Carlo, una na ko ha. Malelate ako eh. Bye." di ko na sya pinatapos magsalita, dahil mukhang itatanong nya yung tungkol sa sinabi ko sa name nya kanina. Arggh!!
Nagmadali akong pumunta sa faculty room para makaiwas sa kanya, iniwan ko na sya dun.
-
Carlo's POV
I was about to go back in my room from the comfort room, ang alam ko kasi new seating arrangement na daw, sana makatabi ko na si Sabrina.
"....kainis, Dapat si Carlo-" Nabangga ko yung babae na nakasalubong ko, medyo nagmamadali kasi ako. Natumba tuloy sya.
"Miss okay ka lang?" habang nakayuko sya tinanong ko sya.. Pero pagkaangat ng ulo nya... Si Sabrina pala!
"A-ah, oo okay lang ako." ni'lend ko naman yung kamay ko para matulungan ko syang tumayo.
"Ay Sab. Ikaw pala yan, sorry ah.. Uhm, narinig ko yata yung pangala-" itatanong ko sana yung sinasabi nya kanina tungkol sa pangalan ko pero sabi nya aalis na daw sya.
"Ay Carlo, una na ko ha. Malelate ako eh. Bye."
Haay nako. Naiwan ako tulala sa kinatatayuan ko pagkaalis nya, sinundan ko lang sya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Notebook
Teen Fiction"I love you Carlo. <3 Forever, sana maging seatmate na kita." -Sabrina.