[ Drew's POV ]
(A/N: Ayan May POV na rin si Drew ! ^___^ Baka kasi magsawa kayo kay Natalie eh Hihihi xD)
Nakooo! Anong gagawin ko?! Galit pa din ata sa akin si Nat :'(
Kasi ikaw DREW eh! ANG DUWAG DUWAG MO!! BESTFRIEND MO DI MO TINULUNGAN !
Tama kayo, Nababaliw na nga ako ^___^V di ko kasi alam gagawin ko ngayon dahil nandito na ako sa Front Gate ng Bahay nila Nat.
Okay, Okay THINK POSITIVE ! Take a Deep breath and Just click it.
*DING DONG
"Hello Drew! Napapunta ka dito?" tanong naman ni Ate Elisa
"Ahh--Ehh-- Si Nat Gising na ba?" tanong ko
"Oo Kanina pa umalis kasi sila ni Sir" sagot niya
"HA!? Umalis sila?" sabi ko
"Oo, nasa Company sila eh" sabi ni Ate Elisa
"Sige ! Thanks na lang Ate Elisa!" sigaw ko habang tumatakbo
LINTEK! Pinagod pa talaga ako! Ang bait mo Nat SOBRA -______-
"TAXI TAXI!!" sigaw ko
Huminto na ang taxi at agad agad akong sumakay, Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagmamadali noh? Una, si Nat GALA YAN baka umalis nanaman at pagurin ako. Pangalawa, Mamaya Birthday ng Kapatid ko at Pangatlo, WALA PA AKONG REGALO!
"Ah, Manong Dito na lang po!" sabi ko
Bumaba na agad ako, at kumaripas ng Lakad papunta sa Office ng Dad ni Nat. OO tama kayo LAKAD lang, pagtumakbo ako edi mukhang tanga ako papunta sa loob syempre I don't like that.
"Ah Miss, Nandito po ba si Natalie?" tanong ko sa Secretary ng Dad ni Nat
"Nandito po , Wait lang po" sabi naman ng secretarya
"Hello Sir, May naghahanap po kay Miss Natalie" sabi niya sa phone
"Pumasok na daw po kayo" dagdag niya pa
Buti naman at makakausap ko na si Natalie about sa mga nangyari. Pati na rin sa misunderstanding nung nadapa siya
"Drew, Have a seat" sabi ng Dad ni Nat
"Ah, thank you po" sabi ko habang umupo na ako
Pagkalingon ko sa Kaliwa nandun si Nat nakatayo at nakasandal sa pader pero hindi nakatingin sa akin nakatingin sa Bintana. Siguro galit pa din siya sa nangyari kaya mabuting kausapin ko muna siya.
"Um...Tito, puwede po bang makausap ko si Nat ng kami lang po?" request ko
"Ah,Sure go ahead aalis na muna ako" sagot naman ng Dad ni Nat