THAT STARRY NIGHT(one shot)

14 1 0
                                    

"Tristaaaannnn!!. this song is for you only you..please hear this out. Huwag ka munang umalis.. pleaseeee!!!. kahit ngayon lang pakinggan mo muna to"Valentines day ngayon kaya merong program katulad nalang ngayon kung gusto mong kumanta para sa taong mahal mo pwedeng pwede kaya ito ako ngayon kakanta para sa taong mahal ko simula pagkabata hanggang ngayon.

NOW PLAYING:LOVE STORY

We were both young
When i first saw you
I close my eyes
And a flashbackstarts
Im standing there
On a balcony with summer air

Habang kinakanta ko ito nakapikit ako.
Ang kantang ito ay para sa nakababata kong si TRISTAN. Ewan ko kung naaalala niya pa ako. Aminado naman ako na hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin simula nong muli kaming magkita.Ewan ko bakit ganun siya.Hindi naman kasi siya COLD at SNOB noon ehhh. Pero ngayon ?. Haaaaiissttt!!!.

Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita simula nung nagmigrate sila papuntang US bata pa kami noon 5 years old.Pero hindi ako nawawalan ng pag.asa na sana hindi niya nakalimutan ang pangako niya noon na babalikan niya ako.Hindi naman niya ako binigo nagbalik nga siya pero may pinagbago na nga lang ngayon.Ibang Tristan na ang nakita ko. kung noon masayahin at palabiro ngayon cold at snob na.

Actually he's my First loVe simula pagkabata. akala ko simpleng crush lang nung una hindi pala. Kasi habang tumatagal palalim ng palalim ang nararamdaman ko sakanya and it turned out na LoVE na pala.

See the lights
See the party,the ballgowns
See you make your way through the crowds
And say hello
Little did i know

Sobrang saya ko kasi nong nagmulat ako ng aking mga mata  nandoon parin siya sa pwesto niya kanina hindi siya umalis. Nakatingin lang siya sa akin ganun din ako sakanya. Hindi ko makuha ang mga mata ko sakanya. Nakakalunod yung mga titig niya at kahit gusto ko mang mag iwas ng tingin hindi ko magawa .Parang magnet.Napapikit ulit ako dinadama yung kanta.

That you were ROMEO
You were throwing pebbles
And my daddy said stay away from JULIET
And i was crying on the staircase
Begging you please don't go

Pagkatapos ng kantang to.Gusto ko sana siyang ayain na magkita kami sa park kung saan kami laging naglalaro noon gusto ko lang talaga siyang makausap.Nagkikita nga kami dito sa school pero hindi kami nag uusap.So close yet so far.

Romeo take me
Somewhere we can be alone
I'll be waiting -----

Pero nung nagmulat ako wala na siya.Hindi ko na pinatapos ang kanta umalis na rin ako sa entablado at sinundan siya.

"TRISSSTAAANNN"

sigaw ko habang tumatakbo papunta sakanya buti nalang hindi siya ganun kabilis maglakad kaya naabutan ko siya.
Hinawakan ko siya sa pulsuhan para tumigil siya sa paglalakad.

"Ahhhhmmm!… Tristan pu-p-pwede ba tayong magkita ?. Mamayang hapon sa park ?. Kung saan lagi tayong naglalaro noon ?. Hihintayin kita !. Kahit anong mangyari !!.."

Hindi ako umaasa na sasagutin niya ako.Nasanay na ata ako desperada na kung tawagin ako ng ibang tao pero kasi hindi ko kayang titigan nalang siya kahit na magmukha akong tanga na kinakausap ang taong ayaw magsalita ay ayos lng masokista nga ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin.Masakit ! UO !.

Nagulat ako ng bigla niya nalang bawiin ang pulsohan niya. At naglakad palayo . pinanuod ko lng ang likod niya hanggang sa maglaho siya.Pero hihintayin ko siya doon kahit anong mangyari.

**

Nandito ako ngayon sa parke kung saan kami naglalaro noon.Madaming couples dito nagdedate ang sweet nila kainggit.

1 oras

Wala pa ding Tristan na nagpapakita ni anino wala talaga.Pero maghihintay ako.

2 oras

Pinapanoud ko lang ang mga tao dito sa park.Nakakatuwa pala yung mga couples dito. Kami kaya ?. Kailan kami magdedate tulad nila.

3 oras

3 oras na akong naghihintay pero wala parin. Papalubog na ang araw at mag gagabi na rin pero nandito parin ako naghihintay sa walang kasiguraduhan kung pupunta siya o hindi.

4 oras

Gabi na pero wala parin.Tama nga ang mga kaibigan ko wala talaga akong mapapala pagpinatuloy ko pa ito. masisisi niyo ba ako ?. Kung mahal ko lng talaga yung tao ?. Minsan lang naman akong magmahal at ito ang kauna unahang pagkakataon na nagmahal ako malas nga lang.

5 oras

Unti unti nang naglalaho ang mga tao dito sa parke kasi gabi na.Napagdesisyunan ko na lng din na umuwi na rin kasi ako lng ang mag isang nandito.

Habang naglalakad napag isip isip ko na hindi naman pala siya ang nag iisang lalaki dito sa mundo.Kaylangan ko na sigurong mag move on. Kasi ako lng din naman ang magdudusa kung ipagpapatuloy ko pa ang katangahan kong ito sakanya..

Nagulat ako nang my humawak sa kamay ko.Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa harapan ko mismo .magulo ang buhok niya at pawisan ang mukha.naglalakad lng kasi ako pauwi at malayo ang parke na pinaglalaruan namin noon sa bahay ko .tinakbo niya siguro kaya ganyan ang itsura niya.naiiyak ako kasi yung taong mahal ko ang pumigil sa akin sa paglalakad at ngayon hawak ang kamay ko.

"Sorry kung pinaghintay kita doon ng ganun katagal sa parke Riley .Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko nong sinabi mung Hihintayin mu ako sa parke.Ang totoo niyan nahihiya ako sayo simula nong nagkita ulit tayo.Hindi ko alam na ganun parin pala ang epekto mo sa akin simula noon hanggang ngayon walang pinagbago. Kaya mas pinili kong maging cold at snob sayo."

"B-bbb-bakit"?.

  Basag na pagkakasabi ko dahil umiiyak ako sa pagkakataong ito.

"Kasi nahihiya ako. Pinaghintay kita ng ilang taon at magkikita tayo na hinahabol mo ako. Dapat ako ang humahabol sayo at hindi ikaw. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kitang masaktan ng dahil sa akin.umiiyak na ako ang dahilan.Gago na kung Gago pero mahal kita yun ang totoo."

Napahagulgol ako dahil hindi ko ito inaasahan. Akala ko ako lang ang nag mamahal sa aming dalawa .One sided love. Hindi pala dahil the feeling is mutual.

"Kainis ka !! Alam mo ba yun?"

"alam ko. Kaya sorry na bati na tayo"

Ano pa bang magagawa ko?. Mahal ko ehh kaya pagbibigyan ko..At dahil nandito na siya pahihirapan ko muna!. pagkatapos ng mga paghihirap ko para lng mapansin niya ako ganun lng kadali yun?. Hindi nuhhh!!.. pahihirapan ko muna siya kaylangan niya muna akong ligawan.. grab the oppurtunity ika nga..

"Ligawan mo muna ako"

" sagutin mu ako dahil araw araw kitang liligawan".

Hindi na niya ako pinasagot dahil hinalikan niya ako. Nagulat ako dahil hindi ako inaasahan na gagwin niya ito.Ang First ko ay wala na.Napunta na sa taong mahal ko simula noon magpahanggang ngayon.Worth it ang pagpapapansin ko at paghahabol ko sakanya.Mahal din naman pala niya ako katulad ng nararamdaman ko sakanya.

That starry night he kissed me passionately.
That starry night is the best night of my life..

**

AN:
perssstym ko pong magsulat ng story dito sa wattpad kaya pasensy na po sa mga typo at grammatical errorss.. hehehehehe.. salamat po sa pagbabasa..
Lablotssss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Starry NightWhere stories live. Discover now