(Author's Note: Hello future readers! I hope you'll suppot my story. This is actually not my first story but I deleted the first one because I wasn't able to plot it the way it should be. And after how many months of not opening my wattpad account, here it is! My new story in collaboration with my friend as my editor. Now, This story is a PURE FICTION. Events, characters, and places are all products of my IMAGINATION. In case of commonality in real life, it is COINCIDENCE. Apologies for the grammatical errors, and wrong spellings. So, that's it! VOTES, COMMENTS, AND SUGGESTIONS are highly appreciated. ENJOY! :) )
___________________________________________________________
People have different perspectives.
May mga bagay na tama para sa atin pero mali para sa kanila, may mga bagay rin naman na mali para sa atin pero tama para sa kanila. Ganon pa man, ikaw at IKAW pa rin ang masusunod sa lahat ng desisyon sa buhay mo, you will always be the captain of your ship.
Pero paano nga ba kung sa bawat desisyon mo ay kalaban mo ang tadhana? Ano ang gagawin mo? Susundin mo ba ang sa tingin mo ay tama at susubukang taliwasin ang nakatadhana? O susugal ka at hahayaan mo na lang na ang tadhana ang magdesisyon para sa iyo?
Kasi kung ako ang tatanungin, kung ano ang ibigay sa akin ng nasa taas, magiging masaya na ako dun. Hindi naman siguro ibibigay sa akin yung bagay na yun kung hindi ko kakayanin at malalampasan di ba? Pero ang totoo niyan, natatakot ako.
Siguro kung tatanungin ang mga taong nakapaligid sa akin, isasagot nila “oo, makakaya mo”. Akala kasi ng nakararami malakas ako, kaya kong lampasan ang lahat, pero sa totoo lang…
HINDI AKO MALAKAS.
May pagkakataon na nananahimik lang ako sa kwarto kaharap ang laptop ko at nagsusulat, naglalabas ng sama ng loob, at palihim na nalulungkot.
Pero sino ang nakakakita nun? WALA. Kasi sa mata ng madaming tao, hindi ako madaling paiyakin, na sa mata nila, napakagaling ko kahit hindi naman, na sa tingin nila perpekto ako pero ang totoo, hindi naman talaga.
Malayong malayong ako sa salitang “Perfect”, natatawa na nga lang ako kapag naririnig ko ang “MS. PERFECT” na lagi nilang bansag sa akin sa school. Akala nila nasa akin na ang lahat…pera, itsura, utak, at ugali. Hindi nila alam na may kulang sa akin, isang malaking kakulangan sa pagkatao ko na tinatago sa lahat.
Hanggang sa makilala ko ang taong handang mamatay para lang sa kaligtasan ko na siyang nakapagpalabas ng kakulangan sa katauhan ko. Sa pagkakaungkat ng kakulangang ito ay unti unti itong nabuo, at sa unti unting pagbuo nito ay iyon ang siya namang magiging dahilan ng mabilis na pagbagsak ko.
Ako nga pala si Cadence Angela Inzerillo, at ito ang kwento ko…
BINABASA MO ANG
Blood Vows
AdventureCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...