Sa Bingit ng Isang Paalam

49 0 0
                                    

Mga tauhan:

Nathan: 17 yrs old,ang lalakeng nagmahal kay Kate.

Kate: 17 yrs old, ang babaeng minahal ni Nathan.

Cyrll: 17 yrs. old ang kaibigan ni Nathan na nagmamahal din kay Kate.

Rose Ann: 16 yrs. old matalik na kaibigan ni Kate.

Mylon: 16 yrs. oldclassmate ni Kate at Nathan.

Lugar ng Pinangyarihan: ( Silid Aralan )

Simula

            Masayang  pagsasama ng mag-kaibigan na uwi sa pagmamahalan na hindi nagkatuluyan…

Naganap ang pangyayari sa silid aralan habang ang magkakaklase ay malapit ng matapos sa kanilang activity…

Mylon:            Nathan, matatapos ka na ba diyan?

Nathan:          Hindi pa eh, umuna na kayo, susunod nalang ako pagkatapos ko dito.

Mylon:            Oh sige, hintayin ka namin ha!

Rose Ann:      Kate, anong oras na hindi ka pa ba tapos sa activity natin?

Kate:               Oo eh, hintayin mu na lang ako sa Library, kelangan ko pa itong tapusin

                        kasi.

Rose Ann:      Ah ok, sabi mu eh, bilisan mo ha!

Umalis na ang mga kaibigan nina Kate at Nathan. Naiwan sila sa silid aralan at sa pagdaan ng ilang mga minuto, natapos na si Kate, habang di mapakali si Nathan.

Kate:               Hay… natapos din!

Nathan:          Nakakainis naman, anu bang gagawin ko dito?

            Mapapalingon si Kate kay Nathan

Kate:               Hindi ka pa ba uuwi? Kasi baka buhos na ang ulan.

Nathan:          Ah ganun ba, umuna kana matatagalan pa ako bago ko ito matapos eh.

Kate:              Sigurado ka ha? sige aalis na ako.

            Hindi nakatiis si Nathan sa kanyang nararamdam at nasabing…

Nathan:          Kate, sandali pwede ba kitang makausap, kahit konting oras lang?

Kate:               Bakit? Meron ka bang sasabihin.

            Emosyonal na damdamin ang nadama ni Nathan, pagkatapos magsalita ni Kate.

Nathan:          Alam mo! Ang kulit mo, maganda ka nga pero isisp bata naman  at ang sarap mo asarin . . .

Kate:               Ano ba! Gusto mo lang ba akong makausap dahil gusto mo akong insultuhin?

Biglang tatayo at aalis si Kate.

Pipigilan naman ni Nathan si Kate sa pag-alis niya, sa paghawak sa kamay nito sabay ng pagkulog at pagbuhos ng ulan.

Nathan:          Teka lang! alam mo ba? Sa bawat pang-aasar ko sayo, nakita ko sa iyo ang hinananap ko.

            Matitigilan si Kate sa pag-alis

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Bingit ng Isang PaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon