Invisible

27 5 23
                                    

Alam mo ba ang pakiramdam na para sayo spesyal siya

Yung tipong kahit isang ngiti lang mapapasaya ka na kahit ang ngiti na iyon ay para sa iba at hindi para sayo

Mahal ko siya pero iba ang mahal niya...

Mahal ko siya pero hindi niya makita kasi iba ang nakikita niya...

Mahal ko siya kahit wala akong laban sa taong mahal niya...

Wala eh!talo puso ko.. magmamahal na nga lang dun pa sa taong iba ang mahal,pero hindi ko alam kung sino ang mahal ng aking mahal

Simula palang ang laban talo na ako ni hindi nga niya ako mapansin pansin,ang hirap kasi lumaban lalo na kung ang kalaban ko ay yung mahal niya

Ako nga pala si Kristel Mae Santos isang 3rd year high school.Andito ako sa library nagbabasa ng kung ano ano wala kasi akong magawa kaya dito nalang muna ako

Pumunta ako sa mga book shelves para pumili ng bagong libro natapos ko na kasi basahin yun kaya hanap hanap muna ng magagandang novel.

Kukunin ko na sana ang isang libro na toh kaso ang hirap kunin,tiningnan ko sa likod ng shelf kung may nagbabalak rin bang kumuha ng libro,pero hindi ko parin binitawan ang libro nasa gilid kasi ako kaya madali lang sumilip sa likod

0 _________ 0

Si Ken...ang taong mahal ko pero iba naman ang mahal--ouch!ang sakit nun ah..

Ang lapit niya parang konting galaw lang niya eh maglalapit ang mga labi namin--na gusto ko namang mangyari balang araw *0*

"Ah..babasahin ko sana kaso parang mas nauna ka na sa pagkuha nito sige sayo nalang"abot niya sa akin ng libro, nabitawan ko kasi kaya nakuha niya

Pero OHMHAYGHAD!!kinausap niya ako *0*

"Ah o-okay l-lang sayo na-nalang" shit!bakit ba ako nabubulol act normal..inhale...exhale...

"Seryoso sayo nalang"at hinwakan niya ang kamay ko at nilagay ang libro sa palad ko

Pero teka--hinawakan niya kamay ko HINAWAKAN NIYA KAMAY KO!!okay ang OA ko na

Lutang na lutang ako ng bumalik sa upuan kung saan ako umupo kanina

Hindi ako makapag- concentrate sa binabasa ko,hindi ko kasi mapigilan na kiligin sa nangyari kanina...

"Pwede bang makiupo wala  na kasing vacant"tinignan ko kung sino ang nagsalita,pakshet na malagket0_0

Tumingin muna ako sa ibang table at tama nga siya wala ng vacant kaya tinanguan ko nalang siya bilang sagot

Pinipilit kong mag concentrate sa binabasa ko pero hindi ko talaga maintindihan kung ano ang binabasa ko puro pangalan ni Ken ang nakikita ko

Haysss..bakit kasi may mahal kang iba.Ang swerte naman niya..hayy buhay..

Kring...Kring...Kring...

Time na agad?bat ang bilis ng oras ang unfair naman ohh.T~T

"Nice meeting you..."shet ang gwapo talaga niya

"Kristel"sabi ko at napa ohh naman siya

"So..see you when I see you nalang"at umalis na siya,sana palagi nalang tayo magkita

Niligpit ko na ang mga gamit ko kasi pupunta na ako sa susunod na klase ko

~~~

Naglelecture ngayon si sir pero ni isang salita ni sir ay di ko maintindihan dahil sa nangyari kanina

Invisible (One Shot)Where stories live. Discover now