Jaicy's POV
Kagaya ng dati ay ako ang naatasang magsabi kay Ryu ng tungkol sa lakad namin. Hindi s'ya sumagot pero alam kong susunod din naman s'ya. Hindi ko na lang pinansin at baka kung ano na namang gawin n'ya.
"Iyan lang ang dadalahin mo?" hindi makapaniwalang sabi ko kay Prince habang nakatingin sa hawak n'yang bag.
"Why? Do you expect me to bring the whole house with me?" natatawang sagot n'ya at sinarado ang duffel bag. Napasimangot ako.
"Hindi pero I expect you na bitbitin lahat ng pangangailangan mo," sagot ko. Ngumisi s'ya sa 'kin.
"Ikaw lang naman kailangan ko," malambing na sabi n'ya at hinila ako paupo sa lap n'ya. Natatawa na lang akong napairap. Puro kalokohan.
Saglit pa kaming naglampungan bago ako tumayo para dagdagan ang laman ng bag n'ya. Saktong tatlong damit lang talaga ang dala n'ya. Bolang. Hindi man lang nagdala ng toiletries at kung anu-ano pa.
Magkasabay kaming lumabas ng k'warto. Bitbit ko ang sariling bag na pilit n'yang kinukuha sa 'kin. Nagpapaka-gentleman ang lolo n'yo pero hindi naman marunong mag-impake.
Naghihintay na si Tito Otep at Mama ang bumungad sa 'min. Nasa loob na ng van si Lei at tahimik na naghihintay rin. Nagtatakang tumingin sa 'min si Mama.
"Nasaan si Ryu?" tanong n'ya at sinilip ang likuran namin. Tinatamad akong napabuga ng hangin. Pa-special talaga.
Inabot ko kay Prince ang bag. "Ipasok mo na sa sasakyan. Tatawagin ko lang ang kapatid mo." Pilit akong ngumiti. "Ako na po ang tatawag," nakangiting paalam ko sa kanila. Habol tingin ako ni Prince hanggang makapasok ako ng bahay.
Nakasimangot kong inakyat ang hagdan nila. Lagi na lang ba s'ya kailangang sunduin? Asar...
"Ryu?" tawag ko. Tatlong beses akong kumatok sa pinto n'ya pero walang sagot.
"Ryu?" tinatamad na tawag ko at ilang ulit na kumatok. Asar akong napabuga ng hangin at bubuksan na sana ang pinto n'ya nang makaramdam ako ng presensya sa likuran ko.
"What?" malamig na sabi n'ya.
"Hinihintay ka na namin!" asar na sagot ko at hinarap s'ya. Agad na nag-init ang pisngi ko nang bumungad sa 'kin ang basang katawan n'ya. Tumutulo pa ang tubig sa umbok na dibdib at abs n'ya. Tinaas ko ang tingin sa nakangising mukha n'ya. Namumula akong napaiwas ng tingin.
"B—Bilisan mo!" nauutal na utos ko at mabilis na kumaripas ng takbo pababa ng hagdan.
Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang pagwawala ng puso ko. Jusmiyo marimar talaga ang bold star na iyon!
Namumula akong bumalik sa sasakyan. Agad akong sinalubong ni Prince ng isang matamis na ngiti. Bahagyang naibsan ang pagwawala ng puso ko dahil sa maaliwalas na mukha n'ya.
"Susunod na raw ba s'ya?" tanong ni Mama na agad kong tinanguhan. Hindi naman ako nagkamali dahil agad ding lumabas si Ryu bitbit ang isang maliit na bag. Bigla s'yang ngumisi nang magtama ang mata namin. Agad akong napaiwas ng tingin.
Bakit ba s'ya ngumingisi!
Laking pasalamat ko nang hindi si Ryu ang nakatabi ko sa sasakyan kundi si Prince. Napangiti ako nang isandal n'ya ang ulo n'ya sa ulo ko. Napatingin ako sa rear view mirror at lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang walang nakatingin sa 'min.
Agad kong pinagsakop ang kamay naming dalawa.
"I'm sleepy," mahinang bulong n'ya.
"Gusto mo humiga?" nakangiting sabi ko kahit hindi naman n'ya kita ang mukha ko.
"Hindi ako kasya dito," parang batang reklamo n'ya. Kahit hindi ko kita ang itsura n'ya ay alam kong nakanguso na s'ya ngayon. Mahina akong napatawa. Hinaplos ko ang kamay n'ya.
Nakangiti kong pinagmasdan ang nadadaanan naming mga bahay at puno. Ang tagal na no'ng huling beses akong lumabas ng sa San Isidro. Ang sabi kasi ni Tito Otep ay sa Maynila raw 'yong La Estalla Resort. Ang totoo niyan ay hindi pa ako nakapupunta ng Maynila.
Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Paano kung mawala ako? Ang balita ko pa naman ay malaki at masama ang Maynila.
Saglit akong napasulyap sa rear view mirror at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang pares ng matang matalim na nakatingin sa amin mula sa salamin. Natataranta kong nalayo ang sarili kay Prince.
"Why?" inaantok na tanong n'ya. Muli akong tumingin sa rear view mirror pero wala na ro'n ang mata ni Ryu. Sinundan ng tingin ni Prince ang tinititigan ko. "Takot ka sa truck?" nagtatakang tanong n'ya.
Nagtataka akong napatingin sa kanya at sa truck na nasa harapan namin.
"A—Ah oo! Ang laki kasi," pagsisinungaling ko. G'wapo s'yang ngumiti sa 'kin.
"Don't be scared. I'm here naman," malambing na sabi n'ya at kinuha ang kamay ko pero agad ko rin iyong inagaw sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo n'ya pero hindi na nagtanong.
Inabot ng anim na oras ang b'yahe namin. Madilim na nang makarating kami sa resort. Hindi ko maiwasang kabahan habang pinagmamasdan ang karangyaan ng lugar.
Parang lahat nang pumapasok dito ay tanging mga mayayaman lang.
Si Tito Otep ang kumausap sa receptionist. Tahimik lang akong nakatayo sa gilid habang si Prince naman ay hindi maalis sa tabi ko.
"Mister Velasquez! I'm glad you came," masayang sabi ng isang lalaki. Nakasuot s'ya ng simpleng damit pero mahahalata mong mayaman dahil sa kutis at mga alahas. Nagkamay sila ni Tito. Nakangiting tumingin sa gawi namin ang lalaki.
"Iyan ba si Mister Kyle?" nakangiting tanong n'ya. Agad kong siniko ang inaantok kong boyfriend. Nagtataka s'yang tumingin sa 'kin.
"Tawag ka," mahinang bulong ko. Inaantok s'yang tumingin sa lalaking manghang nakatingin sa kanya.
"Good evening," maikling bati n'ya.
Pagak na napatawa ang lalaki. Mukhang hindi n'ya inaasahan ang matipid na sagot ni Prince. Naiilang akong napatingin sa kanila nang bigla akong hilahin ni Prince papalapit sa kanya. Walang pakundangan n'yang sinandal ang sarili sa 'kin.
Antok na talaga.
"Our artist seems to be very exhausted. Hahah!" Matamis na ngumiti sa 'min ang lalaki. "How about I'll let you have your rest now," nakangiting saad ng lalaki.
Isang babae ang nag-assist sa aming lahat.
Tatlong k'warto ang binigay. Solo ni Mama ang isang k'warto habang magkasama naman si Tito Otep at Lei sa isang k'warto. Sa aming tatlo napunta ang pinakamalaking k'warto.
Pagpasok pa lang ng silid ay agad nang sumubsob sa kama si Prince at natulog. Mukhang pagod na pagod talaga s'ya sa b'yahe. Naiilang akong napatingin kay Ryu. Tahimik lang s'yang nag-aayos ng mga gamit n'ya sa kabilang bahagi ng k'warto.
"Don't worry."
Nagtataka akong napatingin sa kanya. Tumunghay s'ya kaya malaya kong napagmasdan ang tsokolateng mga mata n'ya.
"I won't be sleeping here," mapait na sabi n'ya at ngumisi. "I have plans so you can have this room all by yourselves." Hindi nakaligtas sa mata ko ang dumaang emosyon sa mga mata n'ya.
Selos...
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
RomansaWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero