Chapter 12

6.6K 120 1
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng birthday ni Mang Buknoy at ang nakagigimbal na balitang dala-dala ni Maria. Ngayon din ang dating nila Tita Len at ni Ris galing sa importante nilang lakad.

Kasalukuyan akong nagmumukmok at nakahiga sa kwarto ko. Panay ang titig ko sa kisame sa puting kwartong ito at inuubos ang oras sa kakaisip kung bakit pa ako hinahanap ni Lewis?

"Ano ba kasi ang kasalanang nagawa ko sa iyo Lewis na kahit anong tago ko ay hinahabol mo pa rin ako," napahikbi nalang ako nang hindi ko parin mawari ang sagot sa tanong kung bakit.

Konti na lang. Konti na nga lang sana ngunit bakit mo pa ako pinapahanap?! Ang masama pa, e ikaw mismo ang naghahanap sa akin.

Pero kahit anong pait ang naririto ngayon sa puso ko ay hindi ko parin maiwasang hindi ka mamiss.

"Damn! I m-iss you Lewis," paos na boses ang kumawala sa akin.

"Kailan ka ba mawawala sa sistema ko Lewis. Kahit naman sana isang araw lang sana mawala ka!" hindi parin tumitigil sa pag-agos ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na naman ako.

Isang malakas na katok at kalabog ang gumising sa akin.

Mabilis akong napabalikwas nang bangon at agad-agad na naglakad papunta ng pinto. Akin itong binuksan at isang napakahyper na mukha ang sumalubong sa akin.

Nakauwi na pala si Ris at hindi ko mapinta ang kasiyahang pumapalatak sa maamo niyang mukha.

Agad niya akong dinambahan nang isang napakahigpit na yakap sabay lundag pa. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya niya ngunit isa lamang ang sigurado ako. Ang makita siyang masaya ay kasiyahan ko narin.

"Ris bitaw k-a muna di na ko maka-hin-nga," sabi ko sa kanya na agad din naman niyang tinalima.

"SORRY! WAHHHH SAMMY! GUESS WHATTT?!" halos napapapitlag na lamang ako sa lakas ng boses ng babaeng to.

"Okay, kalma muna Ris. Isara muna natin ang pinto at maupo na sa kama at nang makapagkwento ka nang maayos at matino. Okay lang ba?" mahinhin kong turan sa kanya habang siya ay panay parin ang ngiti hanggang tenga.

Mabilis kong isinara ang pinto at bumalik sa kama kung saan nakaupo na din si Ris. Oo, aaminin ko curious ako sa sasabihin ni Ris. Para kasing may mali at ano pero hindi ko pa man din ito matantiya kung ano ito.

"So, Ris what's up?" tanong ko sa kaniya na ikinatili naman ng matibay niyang lalamunan.

Napatakip nalang ako ng tenga nang tili pa rin siya nang tili na para bang wala na talagang bukas.

"Wait muna Ris, kalma muna okay? Sige hinga ka muna nang malalim. Inhale. Exhale," ginawa naman niya kaagad ang sinabi ko.

"Sige, okay na Ris. Ano bang chika galore mo ngayon at para ka namang bubuyog na may saltik?" agad naman siyang napangisi at nagtititili.

"WAHHHHHHHH!" akala ko okay na siya.

"Sammy! I think I'm inlove! Siya na bes! Siya na tologo!" napanganga naman ako sa sinabi ni Ris.

Say what?! Sh-he's inlove?!

"Hoy Sammy, hellooooooo?" iniyuyugyug naman ako nang malakas ni Ris kaya muli naman akong napabalik sa huwisyo ko.

"Ano ulit y-yung sabi mo Ris na you're what?" Tanong ko naman sa kanya na ikinakunot naman ng noo niya.

"Hindi ka naman nakikinig sa akin e," ungot naman niya sabay nguso.

"Para kang sira. Kaya nga kita tinatanong para makasiguro. So totoo nga?" tanong ko ulit sa kanya at ngayon-ngayon lang ay namumula na siya na parang kamatis.

"Oo Sammy," sabi niya sabay sunod-sunod na tumatango.

"Then, who's this lucky guy?" natigil naman siya.

"He's Z-ion Luke Madrigal. Isa sa pinakaimposibleng lalaki sa mundo na walang alam kung hindi manakit ng feelings," napatanga ako nang marinig ko ang pangalang binanggit ni Ris. I can also see in her eyes the sadness and eagerness to be with that Zion guy.

I can't be wrong. Zion Luke Madrigal. He's the beast's bestfriend.

"C-can you tell me anything about him Ris?" agad ko namang nasilayan ang pait sa ngiti ni Ris.

"He's the heir of the Madrigal Chains of Hotel Sam. I met him the day before I got into a trip together with my mom. He looks so fragile yet sophisticated and perfect. Hindi ko akalain na magkagusto sa kanya. No scratch that. Mahal pala. Yes Sam, maybe I'm so fool to believe about that love at first sight thingy but Sam definitely I am," biglang may sumilay na likido sa mukha ni Ris at hindi ako bobo para hindi malaman kung ano yun.

"Tapos, Sam we met again nung nasa isang private place kami ni mama for some matters. At doon ko siya lubusang minahal. Hindi man niya ako napapansin at kahit hindi man niya ako pinagtutuunan nang pansin. Ay heto naman ako nagbabakasakaling mapansin niya. Ang cold at distant kasi ng personality niya, Sam. Parang may itinayo siyang bloke-blokeng semento sa puso niya para walang makapasok. Parang ganoon Sam," ramdam ko ang nginig at sakit sa mga salitang binibitawan ni Ris. Minsan nadin akong naging ganyan.

"Ris," sambit ko sa pangalan niya .

"Hmm, bakit Sam?" malumanay niya din namang sinambit ang pangalan ko.

"Alam mo ba kung ano si Zion sa buhay ko?" natigilan naman siya sa sinabi ko at parang nagtataka.

Huminga naman ako ng malalim at tumingin ulit sa mga mata ni Ris.

"That, Z-zion guy that you're saying is my husband's bestf-friend," napayuko nalang ako habang sinasabi ko iyon.

Nag-angat uli ako ng tingin at tiningnan si Ris. Natutup ako sa kinauupuan ko ng panay na ang tulo ng luha niya.

"Ris," kaagad ko siyang tinabig at niyakap para huminahon siya pero, hindi ko nagawa dahil kahit ako tumutulo narin ang luha.

"Wala na Sam. Hindi nga siguro kami pwede sa isa't isa. Tutal ako lang din naman ang nag-iisip na maaaring maging kami. Kaso Sam, minsan lang ako ganito at hindi pa talaga pwede? Bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundo sa kanya pa na beastfriend ng isang demonyo," napahagulhol naman siya nang iyak.

Bumitiw naman ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kaniyang balikat.

"Ris, hindi porket may koneksiyon siya sa asawa ko ay titigil ka na sa pagmamahal. Ikaw na nga ang may sabi na minsan ka lang magmahal kaya sana naman sulitin mo. Wala akong pakialam kung bestfriend sila at ang ikinababahala ko lang Ris ay ang pagbabakasakaling masaktan ka. Kilala ko si Zion, Ris. Kung masama si Lewis e lalo naman ang kacold and distant ni Zion. Para siyang yelo na hindi nababasag yung tipong kapag hinawakan mo ay hindi ginaw ang mararamdaman mo kung hindi init na nagsasabing lumayo ka sa akin. Ganoon siya Ris. Ganoon silang dalawa. Pero Ris, hindi ko ito sinasabi sa iyo para itigil ang pagtibok ng puso mo. Sinasabi ko ito para hindi ka man lang makaranas ng sakit na naranasan ko," mahabang litanya ko sa kanya.

"Pero bakit ganoon Sam, bakit ang tibay mo parin," sabi niya.

Napangiti nalang ako sa pait.

"Yan ang inaakala mo Ris. Hindi ako kagaya ng load na unlimited at hindi nauubos, Ris. Ang pagmamahal ko ay may hangganan. At katulad nga nang sabi ko sa iyo. Nasa atin ang choice kung ano ang pipiliin nating tahakin. At ito ang napili ko Ris. Yung iwan ang asawa ko at palayain siya sa pagkakasakal sa akin," habang sinasabi ko iyon ay bumabaha na naman ang luha ko at wala na. Naramdaman ko na naman ang sakit. Niyakap na lamang ako ni Ris na kapwa katulad ko na umiiyak din.

Wala na, Lewis Zyberge De La Reevas. I don't want you anymore.

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon