"Mits, tara sa gym... start na ang laro, cheer moko ha?!" Panganyaya ni Jared sakin
Agad naman akong tumango kahit pakiramdam ko ay ayaw ko talaga.
Matagal na kaming magkakaibigan. Mahigit 5 taon na. Simula nung high school. Sobrang close namin sa isat isa. Ang daldal nya pati din ako. May pagka boyish ako at aware na sya doon. Napaka clingy nyang lalaki. Minsan napapagkamalan kaming mag gf at bf pero bestfriend ko lang sya.
We enjoy each others company. Maswerte ako dahil anjan sya. Pag may problema ako sya karamay ko , pinapatawa nyako. Inaasar nyaman ako, masaya padin akong naging kaibigan sya. He is a boyfriend material kumbaga. Kaya madaming babaeng naghahabol sa kanya .
Madaming naiingit saakin kaya madalas akong napapaaway pero wala din silang magagawa dahil lagi akong pinagtatangol ni Jared.
Napabalik naman ako sa sarili ng makarating ako sa gym. Dinig na dinig sa bawat sulok ang sigawan ng bawat studyante.
Dipanga nagsisimula ang laro pano na kaya pagnag start na. Pambihira ansakit sa tenga.
Agad naman akong kinawayan ni Jared at pinapunta sa pwesto nila.
"Uy, cheer moko ah?! Apir nga jan" napailing nalang ako sa inakto nya. Nakakatawa ang matured tignan ngunit childish parin . Lol
"Oo na, malakas ka sakin eh" sabay apir sakanya
natapos ang laro at nanalo team nila. Masaya ang school namin dahil nasamin ulit ang titulo.
Nilapitan ko naman agad si Jared habang may kausap nya ang team captain nila. Ghhadd antagal nila kanina pako dito.
Nabaling naman saakin ang atensyon kaya naman hinatak ko na si Jared palayo. Nakakahiya pero ginawa ko parin.
Napakamot nalang sya ng batok habang pailing iling na sumunod saakin.
"Hatid mo na ako, gabi na oh. Di na sana ako pumunta dito. Tagal mo pa makipagdaldalan dun ." Pag rereklamo ko . Napatawa nalang sya ng malakas pero hinayaan ko na. Topakin yun eh
Pagkauwi namin sa bahay agad kong binuksan ang pinto ng kotse nya saka naglakad papasok
"Uy, galit kaba?" Tanong nya
Di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pag open ng gate namin. Sino ba kasing hindi magagalit na abutin nako ng 8 pm sa school. Tsk
"Galit ka nga. Dibali babawi ako sayo. Sorry na oh" panghihingi nya ng patawad.
Diko sya pinansin at tinahak na ang daan papasok sa bahay namin.
-
"Kanino yan?" Tanong ko ng makitang may hawak hawak syang chocolates . Natatakam naman ako kaya nagtanong nako. Chocoholic is me.
"Kinausap mo na ako? Di kana galit?" Napairap naman ako sa tanong nya. Naman oh... nakalimutan ko nagtampo tampohan nga pala ako
"Akin nalang yan. Papatawarin kita" aktong kukunin ko na sana yung chocolates na dala nya pero itinaas nya ito kaya diko na abot.
Pinaningkitan ko naman sya ng tingin saka tumayo upang hablutin ulit ang chocolates pero patuloy nya parin itong itinataas.
Bigla syang na out of balance dahilan para matumba kami pareho.
SHIT.
Nanlaki ang mga mata ko matapos ang pangyayare na iyon. Ghadd. Yung first kiss ko.
Sandali kaming nagkatitigan sa mata at agad naman akong tumayo.