Clueless

1.8K 34 0
                                    

"Masarap ba? Laki ah. Kinis pa. Walang kabuhok-buhok, kainggit nga eh.", kainis 'tong si Avery eh. Nananahimik na nga ako binubwisit pa rin. Tirisin ko 'tong bubwit na 'to eh. Ba't nga ba ako nagpapaniwala dito eh ang liit-liit niyang tao?

"Justine Prythyll!", untag na gulat niya ng hindi pa din ako umimik.

"Putragis Av! Itikom mo na nga yang bibig mo, kung ano nalabas!", gulat kong sabat.

"Sinong Justine Prythyll?", sulpot ni Mich dala ang pagkaing prinesintahan niyang kunin.

"Siya.", turo sakin ng best friend kong lang hiya

"Akala ko ba Justine Nicole?", bakas sa maganda niyang mukha ang pagtataka. Sinabi ko ba talaga yun?

"Justine Nicole naman talaga. Tunginuh lang yang si Avery at kung kani-kaninong pangalan dinudugtong sa pangalan ko.", pagpapaliwananag ko.

"Hindi kung kani-kanino lang. Si Angelica yung crush mo nung third year high school di'ba tapos Prythyll second name ni Saamm--", di na natapos ni Avery ang sinabi niya ng takpan ko ng throw pillow ang bibig niya. Somehow I just don't like the idea of letting Mich know about sa past ko.

"Mmmmfffmmmfffff"

Muffled noises lang ang maririnig kay Av at nung tinap na niya ako sa balikat ko ay inalis ko na ang pagkakatakip sa mukha niya.

Humihingal na kinagat niya ako sa balikat. Natakpan ko pala ang ilong niya at di siya nakahinga. Siya naman ang bumawi at pinahiyaw ako sa sakit ng pagkakakagat, hayup! Masakeet.

Si Mich, natutuwa pa nga ata sa nakikita niya.

"Ang sweet niyong maglambingan.", aniya

"Oo, sweet talaga maglambing tong

Justine. Breath taking!", Av remarked as she roll her eyes. "Pero seryoso na, since ayaw akong sagutin ni Justine ikaw nalang tatanungin ko. Ano ka ba ng best friend ko? May nangyari na ba sa inyo?"

Hinayaan ko lang sumagot si Mich. At pinagsisissihan ko yun.

"Oo maraming beses na rin. Parausan niya ako."

Yan ang isinagot niyang ikinalaki ng malalaki naman nang mata ni Av.

"Seryoso? Kaylan pa? Pumayag ka naman? Hindi kasi nagsasabi 'tong BESSSPREN ko.", sabay tingin sakin ng may kasamaaan.

"Since nung naghiwalay sila ni Samantha."

Nagtaka naman si Av.

"Kilala mo si Sam?"

"Oo, laging nasasambit ni Jus ang pangalan niya tuwing may gagawin kami. Pinagusapan niyo din siya sa harap ko nung isang araw."

Binigyan niya lang si Mich ng nawiwirduhang ekspresyon at ako'y pinagpapawisan ng malamig sa kinuupuan ko.

"Actually Mich. May kamukha ka.", out of the blue na pahayag ni Av

Napako naman ako sa aking pwesto ko.

"Talaga sino naman?", clueless na tanong ng isa.


Doll (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon