Tilamsik ng luha

65 6 4
                                    

        Sa ilalim ng puno ako'y naupo at nagsimulang humikbi ang alam ko lamang kung bakit upang palayain ang nadaramang hinanakit dito sa aking puso na kahit alam kong kunting oras lang saakin ay nalalabi upang limiin ang natirang pira piraso nitong aking puso.
Pinagmamasdan ko ang
pagdaan ng ulap
saaking ulunan, pinapakinggan ko ang mga tuyong dahon na isinasayaw ng hangin at muli pa akong hinaplos ng mga alaalang banayad na kumukurot sa aking dibdib, Alaalang anong
kasing pait kailan na nga ba muling maibabalik ang mga kahapong saakin
ay ipinagkait.

Pinagkait simula ng mawalan tayo ng komunikasyon  Hindi ko alam kung kailan ulit ako bibigyan ng pagkakataon na sana'y muli kang makausap.
kailan nga ba ang huli nating
paguusap.
kaya aking pangungusap
hanggang kailan ako magiging
ganito ang isipin ka sa twina
na sana hinihintay mo ang muli
kong pagbabalik sa piling mo
Hanggang sa mga oras na yun na
malaman ko na ako padin ang
minimithi ng iyong puso ako'y babalik upang ipaalam sayo na mahal padin kita hanggang ngaun.

Ngunit tila wala na ng lakas ang loob
saakin na nalalabi.
wala ng ngiti ang aking mga labi
wala na ang kislap ang aking mga mata iniisip na lamang na sana bukas ay may bagong pag.asa para saating dalawa.

Ang aking mga mata ay nanlalabo na sapagkat puno na ito ng luha na ayaw tumigil sa pagpatak kaya niyakap ko na lamang bawat sandaling alaala muli ko ulit sinsabi saaking sarili Minamahal padin kita sa kabila ng aking pagkalayo.

Tilamsik ng luhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon