CHAPTER TWO

862 26 0
                                    


JULY 2009

Dati araw-araw inuupdate niya ako, bawat galaw niya sinasabi niya.
Hanggang sa naging dalawang beses na lang sa isang araw.
Isang beses sa isang araw.
Hanggang sa hindi na nagpaparamdam.

Akala ko masyadon lang siyang busy dahil graduating na siya nun, baka todo buhos ang mga projects at activities sa unang semester.

Habang nagbabasa ako ng libro ni Bob Ong, tumunog ang aking cellphone.

"Hey baby, I'm so drunk na!"

Nanlamig ako. Pinawisan. Kinabahan.
Hindi "baby" ang tawagan namin dalawa.
Paksiyet. May iba siya.

"Baby?"

"You're my baby!"

"Cut the crap, James!"

Hindi na siya nagreply. Hindi na rin siya nagtext kinabukasan. Hinayaan ko na lang, ayokong isipin niya na naghahabol ako. Sinamahan ko na lang yung pinsan ko sa UP Diliman, kikitain lang niya yung kaklase niya tapos gala kame sa Trinoma.

Pagdating namin sa UP, diretso kame sa may Engineering. Nalula ako sa laki ng UP Campus. Nakakainggit, halos lahat na yata klase ng estudyante matatagpuan mo dito pero ang kanilang common denominator - katalinuhan. Sana nag-UP na lang ako, pero di naman ako ganun katalino. Hihi.

Nung pasakay na kame ng sasakyan, may nakita akong pamilyar na tindig.
Hindi ako pwede magkamali. Kilalang-kilala ko siya.
Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganitong eksena.
Si James. May kasamang iba.

"Pao, what's wrong? Tara na, baka ma-late tayo sa movie!"

"Insan, saglit lang, may pupuntahan lang ako. Mabilis lang to. Dito ka lang sa kotse!"

"Sige, dalian mo."


Nilapitan ko si James at yung kasama niya.
Nakaupo sila sa hagdanan, magkatabi. Kasama yung tropa nila.
Habang lumalapit ako sa kanila, mas lalo akong kinakabahan.
Nanginginig.

"J-j-...ames?" nauutal kong sabi.

Lumingon lang siya, pati yung mga kasama niya. Tiningnan lang ako.

"Bakit di mo ko sinabihan na bababa ka pala? Di ka na rin nagtetext at nagpaparamdam." dagdag ko.

"Sorry pero hindi kita kilala." sagot niya.

"Hey, may problema ka ba sa baby ko?" sabi nung lalakeng katabi niya.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan na pumapatak ang luha sa aking mga mata.
Di ko napigilan. Nasuntok ko si James sa mukha at tinadyakan yung pinalit niya sakin.
Tangina them.
Tangina this.
Na-pechay ako.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon