You're Mine [ONESHOT Version WYEBM]

800 33 12
                                    

[A/N: Hi guys ^___^ naisipan ko lang gumawa ng oneshot version ng Will You Ever Be Mine ni TinyFish (although hindi to konektado sa current story ni TinyFish at hindi nangyari if base to her story... Version lang talaga siya XD) Sana magustuhan niyo :) Love you guys so much xoxoxo CharZane Forever!]

Suzzane's POV

(Highshool years..)

"Ahhhhhhh! Sa wakas natapos ko rin tong assignment ko ^o^"

Hmmm 4:20pm palang? Siguro kailangan ko munang magrelax ng konti ngayon.. Kanina pa kasi ako subsob sa paggawa ng physics assignment ko..

*bzzzzzzzztttttttt*

From: Charlie

"Wanna hang out tonight Suzy?"

To: Charlie

"Sige pero.. tapos mo na ba yung assignment natin?"

From: Charlie

"Pfff... Screw that.. Mamaya ko nalang gagawin"

To: Charlie

"Tss.. Ayan ka nanaman diyan sa katamaran mo eh.. Sige, pupunta ako sa bahay niyo later"

Makabisita nga muna kina Charlie.. At as usual.. Sneakers, naka jeans at hoodies lang sinuot ko.. Baka kasi manonood lang kami ng movie o something...

Pagdating ko naman ng bahay nila, ayan siya, naka hoodie, jeans at sneakers din? Ano to, pinag-usapan?

"OH! Suzy! Wow ah, para tayong couple ah"

"Tss... Anong couple ka diyan.. Ang sabihin mo, alam mong ito ang isusuot ko.. So, manonood ba tayo ng movie?"

"Movie?! Hindi ngayon missy... Maglalaro tayo ngayon ng soccer ok?"

"What?! Niloloko mo ba ako? Ayoko ngang pagpawisan! Maglaro ka mag-isa mo, uuwi na ako!"

Tumalikod na nga ako at uuwi na.. Alam naman niyang hate ko mapagod tapos.. Uggh!

"You're not going anywhere miss. Sasama ka sa'kin, whether you like or you like it!"

(O.O)!

Bigla nalang niya ako kinarga sa balikat niya(yung parang pang-kargador?)...

"H-Hoy! Bitawan mo nga ako! Ibaba mo ako!"

"Ayoko nga!"

"HOY! Baka may makakita anu pang isipin nila!"

"Pwede ba Suzy, kilala ako ng mga taga-rito at mag-iisip lang sila ng masama kung nakita nilang inuuwi kita! But since papunta tayo ng soccer field, safe naman ok?" 

Asaaaar... Hinayaan ko na ngalang siyang buhatin ako... Bahala siya, mabigat ako! Bwahahaha!

Pagkababa niya sa'kin, nandito na kami sa soccer field..

*crack*

*crack*

Anong--

"Pffftt.. Hahahahaha!"

"Tss.. Tawa pa! Ang bigat mo kasi tabachoy ka!"

"Eh ikaw kaya. May pabuhat-buhat ka pang nalalaman. Yan tuloy painat-inat ka ng balakang mo!"

"Tch.. Sige tara na Suzy! Laro tayo ng soccer!"

"Soccer ka diyan! Ni hindi ko alam maglaro niyan! At ayoko ngang pagpawisan... Tsaka isa pa, pano ako makikipaglaro ng soccer sa isang 7 foot giant na tulad mo"

Uupo na sana ako ng bleachers nang pigilan niya ako at hilahin papuntang field...

"Wag kang mag-alala Suzy, tuturuan naman kita eh"

You're Mine [ONESHOT Version WYEBM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon