Chapter 7

31 7 0
                                    



Clang point of view

Dumaan ang araw at ilang buwan palagi kaming nagbabanagayan ni owy. Nasanay nalang ang mga studyante sa pang bubully namin sa isa't isa.

Hndi ko man sya madalas magantihan pero pag gumaganti ako isang linggo syang hndi maka galaw ng maayos. Kung hndi ko sya sinusugatan sinusuntok ko sya sa muka.

3months. Akalain mo yun 3months na kaming nag aaway pero never kami naging close. Si oliver mejo close ko na pati narin si onin.

Kahapon nga eh kasama ko sila nag plano kung ano gagawin kay owy. Napagusapan namin na lagyan ng langgam yung higaan ni owy hahaha. Ano na kaya itsura nya ngayon?

Habang nanonood ako sa sala biglang nag ring yung phone ko.

Kuya panget is calling...

Bakit naman tatawag to sakin? Wala naman okasyon ngayon.

Sinagot ko naman ang tawag.

"Oh kuya napatawag ka?" Bungad ko sakanya ng pag may tatakang tanong.

"Baby girl. Ma-may sasabihin a-ang k-kuya.." utal na utal nyan sabi sa kabilang linya.

"Bakit kuya? Anong nangyare?" Pag aalala kong tanong kanya.

"K-kasi baby girl s-si mommy...."

"Anong nangyare kay mommy?!" Sa sobrang kaba ko napatayo sa pagkakaupo at napasigaw. Tumakbo naman papunta sakin si yaya na nag babasa ng news paper sa dining table.

"Si mommy na overdosed sa sleeping pills i think sinadya nya. Pagkapasok ko ng kwarto nya kagabe bumubula na bibig nya." Maririnig mo na ang mga hikbi ni kuya sa kabilang linya kaya napa iyak na din ako.

"Eh bakit ngayon mo lang sinabi?! Kagabe pa pala nanjan si mommy!!! Itext mo sakin yung address ng hospital papunta na ko!" Umiiyak kong sigaw kay kuya sa kabilang linya.

Binaba kona yung phone call at nagpalit agad ako ng damit. Kinuha ko ang susi ng motor ko.

Habang papunta ako sa parking lot ng condo nakasalubong ko si owy. Hndi ko sya pinansin at tumakbo nako papunta sa parking lot habangpinupunasan ang mga luha ko.

Pinaharurot ko agad ang motor ko papunta sa hospital na sinabi ni kuya ully. Agad din naman ako nakarating kahit na rush hour. Pagkadating ko sa hospital nakita ko agad si kuya.

"Asan na si mommy?" Pagpapanic kong yanong kay kuya habang umiiyak.

"Nasa icu. Masyado daw marami yung nainom nya kaya may tendency na ma comatose si mommy." Humagulgol kami ni kuya at nag yakapan. Pumunta kami sa icu at tinitigan lang si mommy na maraming naka dikit sakanyang aparato.

"Ano naman dahilan ng pag inom nya ng maraming pills? I means bakit?" Tanong ko kay kuya ng hndi sya tinitignan.

"Nabasa ko yung last message sa cellphone nya. Niloko sya ng boyfriend nya. I think that's the reason." Agad naman akong napalingon kay kuya ng marinig ang dahilan. Iniwan kasi kami ng tatay namin. Hndi namin alam kung buhay pa o hndi na. Basta huli ko syang makita nung 2years old ako paalis na sya at umiiyak si kuya nun tyaka si mommy.

Gabi na ng makaalis ako sa ospital. Nag usap lang kami kuya about nga sa nangyare. Actually hndi namin kilala yung boyfriend ni mommy pero alam naming meron. Ayaw nyang ipakilala samin lalo na kay kuya ully.

Pagkababa ko sa motor ko napaupo ako sa gather at napaisip ng pano kung hndi na magising si mommy. Oo may pera kaming kanya kanya. Marami at marami pero hndi hndi mababalik ang buhay ng mommy. Napaiyak nalang ako at napayakap sa tuhod.

Habang umiiyak ako naramdamn kong may tumabi sakin kaya agad akong napa tingin sa gilid ko.

Si Ranz, may inaabot syang panyo sakin.

"I dont need you." Seryoso kong sabi sakanya at pinunasan ang luha ko tyaka tumayo.

"Hanggang kelan mo ba ko iiwasan? Kelan mo ba ko papatawarin?" Tanong nya sakin ng nakaupo padin sya at ako naman ay aktong papasok na.

"Walang kapatawaran ang ginawa mo. Oo hndi ka pumatay. Pero namatay yung puso ko ranz. Porket taon na abg lumipas hndi ibig sabihin nun hndi na masakit pag naalala. Ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko ng ganon pero bakit mo ko ginago? Wag mona kong kulitin ranz. Tama na." Seryoso kong sabi sakanya ng nakatalikod. Agad na rin akong umakyat sa taas at pagka labas ko ng elevator nakasalubong ko si owy na sasakay sa elevator.

Halata mo sakanyang muka na natutuwa syang umiiyak ako. Bullsh*t owy. Sya lang yung kilala kong masaya pang merong taong nasasaktan.

Pagkadating ko sa condo agad kong sinabi kay yaya ang nangyare. Agad ko din naman syang pinag ayos ng gamit at pinapunta sa hospital.

Kaya ko namang mag isa eh. Mas gusto ko ngang mag isa. Kasi mas nakakapagisip ako at mas nagagawa ko ang lahat ng gusto ko.

Nag linis lang ako ng katawan at nanghingi ng prayers sa mga friend ko sa fb para kay mom tyaka ako pumunta sa 7/11 at bumili ng redhorse. Matagal tagal na din akong hndi umiinom. Dahil narin siguro sa pilit kong binabago sarili ko.

Dati akong simpleng babae. Pero simula nung masaktan ako? Ewan ko pero unti unti akong naging ganto.

Paakyat na ulit ako sa condo ko ng nakasalubong ko si oliver.

"Ang dami nyan ah. May problema ba?" Tanong nya sakin ng nakangiti. Ngumiti nalang din ako ng pilit. Hndi mo naman makakaila na gwapo sya at mabait.

"Tanggal stress lang." ngumiti nalang ako at umalis na sa harap nya.

Pagakyat ko sa taas agad ko namang nilaklak lahat ng alak na binili ko. Ang sarap sa feeling. Ang tagal ko ng hndi nararamdaman tong ganto.

Bakit kailangan pang mangyare samin to? Bakit si mommy kopa? Humagulgol lang ako ng humagulgol ng maramdaman ko ang pag bigat ng mga mata ko. Hanggang sa nakatulog na ako.
-----------
Bigay naman po kayo ng magandang name na pang girl! Salamat!!

VOTE VOTE VOTE❤️

My enemy, My Destiny. [starting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon