Elize's POV:
Nabuksan muli ang pinto ng silid at pumasok ang limang kalalakihan.
Pawang armado ito at mukhang masasamang tao.
Nakatayo lang sila sa may pintuan at tila nagbabantay.
Sino kaya ang boss nila?
Ipapatubos na ba nila ako?
Diyos ko! Baka patayin nila ako!
Kinakabahan ako at umaagos na ang luha ko sa magkabilang pisngi.
Maya maya ay may narinig akong tunog ng takong na papalapit at tumambad sa pinto ang isang babaeng di ko inasahang makitang muli.
Nakangisi itong nakatingin sa akin.
"Woah! Bakit naman ganyan ang pagkatali niyo sa kanya..? Kawawa naman oh! Mawawala na nga siya sa mundo nahihirapan pa..!" nang-uuyam na sabi ni Janice at nakangisi pang lumapit sa akin.
"Anong kasalanan ko sayo Janice!? Bakit mo ako pinakidnap?" tanong ko sa kanya.
Hinawakan naman niya ng mahigpit ang aking pisngi at halos bumaon na sa aking balat ang mahahaba niyang kuko.
"Ikaw ang hadlang sa amin ni Micheal! Dapat ako ang asawa niya kung di ka dumating! Kaya tatanggalin na kita sa aming landas!" sigaw niya sa mukha ko.
"Nawawala si Micheal.. May kinalaman ka ba dito?" tanong ko sa kanya.
"Hahahahaha! Ang tanga niyo! Kasama ko na siya. Akin lang si Micheal!" tumatawang sabi ni Janice.
Mas lalo akong napaluha sa narinig. At the same time, nakahinga ring ng maluwag sa nalamang buhay pa si Micheal.
Mayamaya ay may pumasok na tauhan pa ni Janice at may pasan na lalaki. Ibinagsak ito sa kamang kinalalagyan ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang walang malay na si Micheal.
"Micheal..." sabi ko at pilit na umisod papalapit sa kanya.
"Anong ginawa niyo!? Bakit siya andito?" sigaw ni Janice sa kanyang tauhan.
"Mam, nakita po naming pasilip silip sa labas at nag-eespiya kaya pinalo namin sa ulo at baka makatakas at magsumbong!" sagot ng isang tauhan ni Janice.
"Mga gago! Di niyo ba kilala yan! Asawa ko yan!" sigaw ni Janice at sinapak ang lalaki.
Agad naman siyang lumapit kay Micheal at tinabig pa ako kaya nahulog ako sa kama.
Ng makitang wala namang sugat si Micheal ay inayos nalang nila ang pagkahiga nito sa kama.
"Itali ang dalawang yan sa silya. Alam kong sa oras na magising si Micheal ay maalala niya ang babaeng yan!" utos ni Janice sa tauhan at tuluyan ng lumabas ng silid.
Gaya ng utos niya, itinali nga kami ni Micheal ngunit magkalayo sa isa't isa. Nasa dulo ako ng silid nakatali sa silya habang nakatali naman si Micheal sa kama.
Lumabas naman agad ang mga tauhan ni Janice at inilock pa ang pinto.
"Micheal... Micheal gumising ka!" sigaw ko sa binata.
Unti unti namang gumalaw ito mula sa kinahihigaan. Maya maya ay bumangon ito subalit dahil nakatali ito sa kama ay napalinga nalang ito sa paligid.
"Micheal..." tawag ko sa kanya.
"Elize? Babe!" ganting sigaw nito.
Salamat naman at okay lang siya.
"Babe, may ginawa ba sila sayo?" tanong ni Micheal.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
Ficción GeneralCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...