Missed Call

89 3 2
                                    

Missed Call

Ang kwentong ito ay malugod kong iniaalay sa taong unang nagpatibok ng lahat ng lamang loob ko sa katawan. Alam nating dalawa na wala kang hilig at higit sa lahat sipag sa pagbabasa ng mga kwento. Pero sana sipagin ka, kahit ngayon lang.

“When you love, love until it hurts.”

-Mother Theresa

Contents

1. Unang Sulyap

2. Feeling Close

3. Electric Fan

4. Dedma

5. Phobia

6. Bangungot

7. Kwentong Pambata

8. Bundok Banahaw

9. Hinala

10. Tandang Pananong

11. Heart Attack

12. Tulay sa Alambre

13. Moment of truth

14. Chewing Gum

15. Ang mga Kabute

16. Sumpa

17. Habulan

18. Bulabog

19. Bingit

20. Missed Call

21. Atat

22. Sleeping Pills

23. Unicorn

24. Posas

Prologue

As my life ends today, his will begin. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Everyone seems to be terrified of death but on the contrary, it is sweet if dying meant sacrificing your own life for something so undeniably precious. While I take my last breath, I smiled as I think of him. At least, the irrevocable love I have for him will never perish with me.

1.     Unang Sulyap

The person I fell in love with was far from ordinary. He’s really good looking but smart. He gets mad easily but he’s very sweet in his own little ways. He laughs like a kid but protects like a dad. And his smile is enough to make my day complete. In short, he’s perfect. Too perfect, except for one thing. Malalaman nyo na lang kung ano yun.

Nagsimula ang  lahat nung 2nd year highschool pa lang ako. Sobrang natuwa ako nang mabalitaan kong pangafternoon class ang mga sophomores. Tulog mantika kasi ako kaya hirap akong gumising ng napakaaga. Section 1 ako dati, pero dahil sa dalas kong maglaro ng iDate kesa magbasa at magreview ng lessons, napunta ako sa section 4. Di na rin masama kung iisipin. Yun nga lang mahihiwalay ako sa mga kaibigan ko.

Nakasakay na ko sa jeep pasado alas onse ng umaga. Dahil 1st day of school, bago lahat. New as in new bag, new shoes, new uniform at new pencil case na may mukha pa ni Barbie. Ang dami kong nakasabay na estudyante kaso lang di ko sila kilala. Kaya ayun, panis ang laway ko.

Pagdating ko sa school dumiretso muna ako sa C.R. Nag ayos muna ‘ko ng buhok. Mahirap na, baka masabihan ako ng famous question na “Mahangin ba sa labas?”. Pagtapos ko dun pumunta na ko sa 3rd floor para hanapin yung room. Sakto, nakita ko si Lynn na kalalabas lang ng room. Sana magkaklase kami.

“Lynn!” gulat na gulat sya nung makita nya ‘ko.

“Oh, kaw pala! San ka ba galing?”

“Malamang sa bahay. Nagsimula na ba ang klase?”

Missed CallWhere stories live. Discover now