Hunt - 1

1.1K 40 3
                                    

Mabilis ang takbo niya mas mabilis pa sa rumaragasang tren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis ang takbo niya mas mabilis pa sa rumaragasang tren. Kasama niya ang ilan pa niyang mga tauhan pero mas mabilis pa rin ang hayop na hinahabol nila.

"Ivan, palibutan natin. Doon kayo sa kanan. Nikolai, doon naman kayo sa kaliwa. Kami na bahala dito." utos niya sa kanyang mga tauhan.

Tumango sila Nikolai at Ivan at ginawa ang utos ni Sigmund. Si Sig naman at ang kanyang mga kasama ay patuloy sa paghabol sa kung anuman itong nasa harapan nila. Sigurado siya na kahit gaano pa ito kabilis, wala pa rin makakatalo sa bilis nila. Isa ito sa mga katangian bilang miyembro ng pamilyang Delacroix.

Mas binilisan pa niya ang takbo. Ang paligid niya ay halos hindi na maintindihan dahil sa sobra niyang bilis. Nakita niyang nilingon siya ng kanilang hinahabol. Tiningnan niya ito mabuti at napansin niyang may kulay pulang aura na bumabalot dito.

"What the hell!!!" bigla siyang napahinto at halos lumubog ang kanyang mga paa sa pagpreno para lang hindi niya mabunggo sila Nikolai at Ivan.

"Saan siya na punta?!" galit na sigaw ni Sigmund. Kita niya sa mga mukha ng kanyang dalawang tauhan ang gulat. Pare-pareho silang halos lubog ang mga paa para maiwasan ang pagbunggo nila sa isa't isa.

Hindi makasagot ang dalawa dahil alam nilang wala pang kahit anong hayop o bagay ang kayang makawala sa mga Delacroix.

"Hindi pwedeng nawala na lang siyang parang bula dito! Naramdaman ko siya sa harapan ko bago ko tinuon ang buong pansin ko sa pagpreno dahil nakita ko si Nikolai sa kaliwa!" Hindi pa rin siya makapaniwala. Maliban sa kanilang bilis, nararamdaman nila ang presenya ng kauri nila kasama na rin ang mga hayop.

"Lilith, anong kailangan mo?" Biglang dumating ang isang babae sa lugar nila. Katulad nila, ang buhok nito ay itim na itim pero kitang kita sa dilim ang tingkad ng berde nilang mga mata.

"Pinapabalik na kayo ni Vaux." Tahimik niyang sabi.

Tinitigan lang muna ni Sig si Lilith sa kanyang mga mata. Ayaw pa sana nito bumalik dahil gusto niyang malaman kung saan napunta ang hinahabol nila. Pero dahil utos ito ni Vaux, wala na siyang magagawa.

Tumayo ito ng maayos at tumango. Nauna namang umalis sila Nikolai at Ivan.

"Tss.. Wrong timing ka talaga palagi." sabi ni Sig kay Lilith habang naglalakad pabalik.

"Hindi ako wrong timing. Actually, alam niyang nakatakas ang hinahabol niyo kaya pinatawag na niya kayo sa akin." sagot naman ni Lilith na hindi man lang tiningnan ang kanyang kapatid.

"Okay.. Oo na. Magrereport na ako sa kanya." Taas kamay na sabi ni Sig. Pagdating talaga kay Vaux wala siyang palag.

"Mauuna na ako kuya." paalam ni Lilith bago halos mawala sa harapan ng kanyang kapatid.

Dumeretso naman si Sig sa boundary ng bayan ng Corona kung saan sila nakatira.

"Vaux! Bumaba ka na! Nandito na ko!" sigaw nito sa paanan ng pinakamataas na puno sa gubat na yun. Pero dahil si Vaux ang kausap niya, kahit magsisigaw pa siya hanggang sumikat ang araw ay hindi siya bababain nun.

Hunted | #KNThirstWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon