Prologue

12 0 0
                                    

"KAHON PROLOGUE"

A/N: first time ko lang pong magsulat ng ganitong istorya madalas sumusulat ako nito tuwing wala akong ganang makipag-usap sa ibang tao o kaya nama'y wala ako sa mood gumalaw yung tipong gusto kong nakaupo lang o nakahiga at nakapikit ang mga mata(pero hindi ako tulog),masasabi ko ring malawak ang imahinasyon ko ngunit asahan ninyong magulo ito dahil ito nga ang sinasabi kong LAZY day ko. Thank you Enjoy reading!
----

Pagkauwi ko ay agad kong nilapag ang kahon sa salaming mesa ng aking silid padubog ko na ring nilapag ang aking bag sa sahig na naging sanhi ng pagkalampog ng pwetan nito dahil sa kabigatan.

Nang marinig iyon ay mas lalo akong nainis,hinubad ko na ang aking sapatos at nilagay iyon sa nakahilirang lalagyan ng sapatos ko saka ko binuksan ang TV at pinatay ang ilaw ng aking silid at tumalon sa kama ng nakadapa at pinikit ko ang aking mga mata[hindi ako natutulog] ganito ako kapag pagod,hinahayaan kong bukas ang TV habang nakikinig sa mga nagsasalita gusto ko ng maingay ngayon na hindi(ang gulo ko!) hanggang sa tumunog ang cellphone ko... isang text message mula sa taong 'di ko gustong makausap ngayon. Si Ian Carl Salazar,kaklase ko siya. Kinukulit na naman niya ako tungkol sa deadline ng artikulo ko sa school paper.

Bahala siyang mamroblema doon,napasa ko naman yung nauna kong sinulat ngunit pinaulit niya sa'kin. 4 na araw na kaming puspusan sa pag-iinsayo para sa contest sa darating na Biyernes. Sabado't Linggo akong nasa school para dun kapag 'di ako nanalo o naka-2nd man lang,iwan ko nalang talaga. Nakaka-stress na ang magsulat ngunit forte ko iyon sa buhay,mahilig akong magbasa ng mga napapanahong balita(Dyaryo man o magazine) lalong-lalo na sa Feature Writting na ginagawa ni Kaye ang bestfriend kong nagpakilala saakin sa bagong mundong ito,Ang journalism. Gusto kong makapunta sa malayong lugar dahil sa ExtraCur,isa na don ang Journalism nato.

Biyaheng Olonggapo kami bukas at wala pa akong balak mag-impake. Maaga pa naman ang ala sais ngunit nang dalawin ako ng antok ay nakatulog rin ako,dulot ito ng matinding pagod at stress.
----

Naalimpungatan ako ng pakiramdam ko'y nagvibrate ang cellphone ko, iniangat ko ito at nakita ko ang pangalan ng tumatawag.
----

Officer_Carlo

answer---- decline----

-----

Ayan na naman siya,ang kulit! tatawagan ako ng tatawagan tapos....

"Ohh bakit ~~" hindi ko natapos pa ang aking sasabihin ng bulyawan niya ako sa kabilang linya.

"Bakit ka rin!! Urgent! NGAYON TAYO AALIS" Galit na hinihingal niyang bungad sa kabilang linya.

Nang sumiksik sa kukuti ko ang lahat ng sinabi ni officer. Nataranta ako at bumangon.

Hindi ko alam kung anong impake ginawa ko basta't kumuha na ako ng maleta't pinasok ko lahat ng magagamit ko para sa contest dala ko narin ang laptop namin. Itetext ko nalang ang mama ko na ngayon pala ang alis namin. Naligo narin ako ng fast forward 8x.
-----

Nang makarating sa school kung saan sana kami magpupulong para bukas ay nabigla ako,totoo nga ang daming nang nakahilirang bag, maleta, gamit unan at mga kumot na pinagtutulungang ipasok ng mga teacher at studyante halos mapuno nga ang isang van dahil doon. Paano na kami?saan kami sasakay?

Pero 'di bale at least nakarating ako,ang kupad ko pa naman. Hingang malalim, hahanapin ko nalang si officer Carlo para sa karagdagang impormasyon.
-----

May kamakalabit saakin pero antok na antok ako. Ano ba?! Ang gulo ng mga kasama ko! pwedi bang tumahimik muna kayo. Natutulog ako! Ayaw ko pa naman ginugulo, totoo nga ang sabi ni Kaye saakin,mahirap akong i-please dahil hindi ako marunong um-appreciate...

Saan ba kasi naka-upo si Kaye? Hindi ko pa siya nakikita mula nang sumakay kami dahil nagmamadali na ang lahat. bakit hindi ko naisip na pweding ngayon ang alis namin. Nakalimutan kong kumain ng hapunan. I-tetext ko nalang ang mama ko, hindi niya alam na wala na ako sa bahay.
----

Mama

Ma,hindi na ako nakapagpaalam pa kanina dahil nagmamadali ako,urgent po kasi.wish me luck ma! mamimiss kita,love u:-)

Sent***
-----

Hindi pa rin tumila ang ulan simula nang makaalis kami. Inaantok ako at nilalamig.bakit ko ba kasi pinasok sa maleta ang jacket ko. long sleeve naman ang suot ko pero hindi gaanong pang lamig ang tela,wala rin akong dalang kumot at unan para komportable akong matulog sa sasakyan.

"Uy! Lucy gusto mo?" Tanong ni Rian sabay abot saakin ng pagkain at kapeng maiinom,siya ang Collab namin.

"Wag na,busog pa naman ako, tsaka nahihilo ako sa byahe" sabay yakap sa sarili kong bag na laman ay laptop, ang lamig kasi sa pangalawang linya kasi ako nakaupo sa pinakagilid katabi ng bintana nakatapat sa'min ang aircon.

"Sure ka Lucy,ok ka lang? Alam natin parehong gutom ka at nilalamig kaya sayo natong extra kong jacket at kumain ka,malayo-layo pa ang byahe natin" sabi niya na nag-aalala.

Tumango nalang ako't nagpasalamat sinuot ko rin ang extrang jacket na bigay niya at tahimik na kinain ang burger at uminom ng kape. Ang galing nabawasan nga ang lamig na nararamdaman ko. Ang bait talaga ng collab namin siya ang pinaka-thoughtful at polite saamin,straight forward siya at hindi kailanman plastic.

Binuksan ko nalang ang laptop at sabay kaming nanuod ni Rian ng paper towns(share narin kami ng headset) na nakapatong sa pagitan ng mga binti namin.

Wala na talaga akong magagawa ngayon hindi naman naging boring ang byahe dahil sa totoo lang nakaaliw kasama si Rian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahon[On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon