SAMPU, AKO

72 7 8
                                    


"Sampu, Ako"
One Shot by: Josset

Bumilang ka. Sampu, Siyam, Pito, Anim, Tatlo, Isa.
                            =============================================================================

SAMPU.

Ganyan kami karaming magkakaibigan. Siguro nga ito na ang best year of my life ko dahil nakilala ko sila at nabuo itong grupo naming mag kakaibigan. Sabay sabay kumakain, sabay sabay umuuwi, sabay sabay mag aaral, sabay sabay mag lalaog at sabay sabay mapapagalitan. Lagi kaming magkadamay sa mga problema, kasiyahan at lungkot. Syempre walang iwanan kahit anong mangyari. Solid kaming sampu sa isa't isa!

SIYAM.

Hindi ko aakalain na totoo pala ang sinabi ni Ara na lilipat na siya sa siyudad. Akala namin nagbibiro lang siya. Hindi pala. Ayan tuloy siyam na lang kami. Pero ayos lang masaya parin naman kaming lahat. Lagi naming kinocontact si Ara, nakakausap, nakaka video call. Pero parang tumagal, nawala na ang komunikasyon namin sa isat isa. Ganun na lang ba kadali para sakanya ang iiwan ang mga pinagsamahan naming magkakaibigan?

Masaya kaming pupunta ng mga kaibigan ko sa isang beach resort. Pero nagtaka kami kung bakit hindi kasama ang magkapatid na si Miona at Ron. Nakakalungkot man dahil may kulang sa amin pero hindi naman yun nakaapekto para hindi kami maging masaya. Nag picture kaming magkakaibigan sa napakagandang view dito. Pero biglang tumawag si Miona. Sabi niya nag away daw ang magulang nila kaya hindi sila nakasama at humingi naman sila ng sorry.

Habang abala ang lahat sa school, kaming pito ay nagtataka kung nasaan ang magkapatid. Matagal na rin namin silang hindi nakikita simula ng nagpunta kami sa isang beach resort. Biglang natahimik ang buong room ng dumating ang aming Homeroom Adviser. Inanunsyo niya ang napakalungkot na balita na may family problem daw si Miona at Ron. Pero alam niyo ba ang mas nakakalungkot dun? Naghiwalay ang magulang nila, Si miona ay nasa Mama niya at si Ron naman ay nasa Papa niya kaya dahil doon, ay linipat sila ng eskwelahan. Bakit ba kelangan pa kaming mabawasan.  Ilan na lang kami?

PITO.

Tahimik kaming kumakain ng lunch. Walang nagsasalita sa aming pito, siguro dahil rin sa unti unti na kaming nababawasan. Habang kumakain kami ay bigla namang nagsalita si Den. Sinong susunod kay Ara, Miona at Ron? Tanong niya na parang nalulungkot. Patuloy na lang kaming kumain.

Habang Vacant namin ngayong hapon, abala kami sa pag dedecorate ng room dahil malapit na ang Pasko. Kasama ni Kira ang Boyfriend niya ngayon. Actually kanina pa. Noong nag lulunch kami bigla siyang nagpaalam pupunta lang daw siya sa boyfriend niya.

Ilang araw ang nagdaan at Pasko na. Bago pa magpasko ay napag usapan naming mag kakaibigan na mag sisimba kami ngayon. Kaya naman heto ako at nag aayos ng aking isusuot. Biglang nag doorbell at bumungad sa akin ang mga kaibigan ko. Sabay sabay kaming bumati sa isa't isa ng masayang Merry Christmas!

Ng nasa simbahan na kami ay nagtaka ako kung bakit wala si Kira. Tinanong ko sila at ang sabi lang daw sa kanila ay susunod siya. Pero asan siya? Bakit ang tagal niya?

Noong palabas na kami ng simbahan ay biglang may sinabi si Jasmine, ang closest friend ni Kira. Lungkot ang naka kurba sa mukha niya noong mga oras na yun. Sabi niya ang sabi daw sakanya ni Kira ay pinapalayo siya sa aming magkakaibigan ng boyfriend niya, wala daw siyang magawa. Naka arrange marriage sila ng boyfriend niya at dapat lahat ng sinasabi nito ay susundin niyo dahil kung hindi ay malalagot siya sa mga magulang niya at baka mas malala ay palipatin na rin siya ng eskwelahan. Nakakalungkot talaga. Parang gusto na lang naming tumalon sa bangin at mamatay.

ANIM.

Anim nalang kami wala na si Kira. Kasama niya ang boyfriend niya. Halata namang okay na siya sa sitwasyon niya. Buti pa siya nakapag ajust na eh kami? Bahala na kung saan siya sasaya edi go for it nalang. Susuportahan namin siya. Tatlo lang kaming nandito dahil kinakausap ng Principal si Jasmine, Den at Matt.
Ilang oras pa ay bigla namang bumungad sa amin ang masayang mukha nina Jasmine, Den at Matt. Tumakbo sila patungo sa aming tatlo at sinigaw sa amin na nakakuha raw sila ng Scholarship sa isang University. Masaya kaming anim na nag apir sa isat isa, pero biglang naalala namin. Scholarship sa isang university? So lilipat na sila? Dahil dun napawi ang mga ngiti namin. Nalungkot rin sila dahil hindi nila naisip yun. Malapit na rin ang march kaya gagraduate na rin kami, mawawala na sina Jasmine, Den at Matt dahil sa schorlarship nila. Sinulit na namin ang dalawang buwan bago mag March.

SAMPU, AKO (one shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon