Chapter 65

12.6K 188 8
                                    

Chris POV

Panibagong araw na naman, kahapon, nalaman na ng iba na break na kami ni brian, paguwi ko sa bahay. Alam kong gusto nila akong tanungin but I remain silent. Ayoko din munang pagusapan, hindi na din muna nila ako tinanung kung anu ang nangyari, umaarte silang parang walang nangyari pero alam ko na sobrang naaalala sila sakin.

Ayoko din namang masyado silang magalala kaya kahit papaanu pinipilit kong tumawa at makisaya kasama sila kahit na pekeng-peke talaga ang mga kilos ko.

Napahinto sa pagdidiscuss ang professor namin ng may kumatok sa room.

“Excuse me, Ms. Bernal? The school Owner wants to talk to you..” utas nun. I just nodded. Napatingin ako kila ella na mukhang nagaalala sakin pero ngumite lang ako tapos lumabas ng ng classroom.

Nangyari na to dati, sobrang kinakabahan ako na baka mawala ang scholarship ko noon. But now, I don’t care about that damn scholarship.. I just wanted brian now..

That’s all I wanted. Pero mukhang imposible na.

Pumasok na ko sa office ni Ma’am Patricia. Pagpasok ko dun andun na din si Brian at nakaupo sa isang upuan doon.vMa’am patricia, didn’t know that our relationship got real.. o naging totoo nga ba? O sakin lang yun?

“Good morning po.”

“Good morning iha, come in.” pumasok ako sa loob at umupo sa tapat ni brian, habang si ma’am naman ay andun sa table nya at nakaupo.

“pinatawag ko kayong kanina because of this..” sabi nya then nilabas ung contract that we sign months ago.. yeah.. I sign that contract, maybe that’s the biggest mistakes I’ve done in my life..

“I want to congratulate both of you.. nagawa nyo in 3 months.. that’s nice..” sa loob ng tatlong buwan, nagsimula lang sa pagpapanggap..

Hanggang sa dumating ung araw na nagging totoo na ang nararamdaman ko para sa kanya.. halos nakalimutan ko na nga na meron palang contact..

Nakalimutan ko na..

“so in return, you Ms. Bernal have a free tuition fee and all your expenses here is free habang nagaaral ka dito.. as I promise..” dahil sa libreng tuition fee. Pumayag ako sa stupid deal na to..

Sa stupid deal na to.. na nagpabago ng buhay ko..

Si brian.

Ang pervert devil na hinahabol ng mga basagulerong lalaki at ang unggoy na humatak sakin sa eskinita at ninakaw ang first kiss ko..

Ang lalaking bugnutin, bastos at mainitin ang ulo..

Ang lalaking lagi akong sinasaktan kahit alam kong di nya sinasadya..

ANG LALAKING MAHAL NA MAHAL KO…

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon