Chapter 39: Missing Him

118 2 0
                                    

Nasa tapat na kami ng bahay namin, hinatid na ako ni Kiann tulad ng pinangako nya kagabi.

"Thank You Kiann." Sabi kong nakangiti sa kanya pagkababa ko sa motor nya.

"No. Thank You Aeries. Thank you for the unforgettable moments we've shared. " Inipit nya sa tenga ko yung mga buhok kong tumatabing sa mukha ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. Matapos non inaya ko muna siya sa loob ng bahay para makapagkape malamig pa din kasi ang panahon kahit nakaalis na ang bagyo.

Pagpasok namin naandon na pala sa loob si Manang Salve at naghahanda na ng lulutuin para sa pagdating ng parents ko.

Naisipan namin ni Kiann na tumulong sa pagluluto. Habang naghihiwa ako ng mga ingredients napatingin naman ako kay Kiann na ngayo'y naghuhugas ng mga utensils para sa pagluluto.

Sigurado akong mamimiss ko yung mga moments namin together. Nagbalik din tuloy sa isipan ko yung nangyari kagabi, nag init tuloy ang pisngi ko. Muntikan na nanaman ako dun. Hindi ko malaman kung bakit hinayaan kong mangyari samin ang mga iyon. Ayoko siyang umasa, ayoko siyang masaktan. Siya ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon, kung bakit nagagawa kong gumising araw araw ng masaya at hindi naghihinagpis.Hindi katulad noong nagbreak kami ni Axel, halos ayoko ng mabuhay. Ngayon kahit naandyan si Axel at nasasaktan pa rin ako pag nakikita siya, dahil kay Kiann nakakalimutan ko ang lahat.



Saktong tapos na kami magluto ng dumating sila Mommy at Daddy. Sa bahay na rin naglunch si Kiann. Silbing pasasalamat daw nila Mommy at Daddy sa pag aalaga niya sakin habang nasa condo niya ako. Sinabi rin ni Daddy na nagtitiwala siya kay Kiann na hindi siya nag take advantage sa sitwasyon. Nagkwento din sila about sa parents ni Kiann during their college days, maprinsipyo at marespeto daw ang Daddy ni Kiann sa Mommy niya nung mag boyfriend - girlfriend pa lang sila. Pinakasalan daw talaga muna ng Daddy nya yung Mommy niya bago nila gawin yung talagang ginagawa ng mag-asawa. Now I know kung kanino nagmana si Kiann.

"Pano yan I have to go?" Nakangiting turan sakin ni Kiann."Huwag mo ko masyadong mamimiss huh?"

"Miss ka dyan. Baka ikaw ang makakamiss sakin ng sobra. Huwag mo na lang labhan yung unan na ginamit ko, for sure nakadikit dun lahat nG amoy ko. Hehe! " sagot kong pabiro.

Ibinaling nyang tingin niya sakin at bigla siyang nagseryoso. Pakiramdam ko lumukso ang puso ko sa tingin nyang iyon.

"I will do that." sagot niya habang seryoso pa din ang mukha.

Ngumiti lang ako at tumango.

"Goodbye for now my Princess. Mag iingat ka palagi huh? "

"Kung makapagpaalam ka naman akala mo hindi na tayo magkikita." Bakit ganon? Bakit Pakiramdam ko magkakalayO kami ni kiann sa paraan ng Pag papaalam niya.

I heard him chuckled.

"Hindi naman. Ikaw kasi eh, sa 4 na araw na magkasama tayo pinatunayan mong clumsy ka sa kusina! Ilang beses ka bang nahiwa nung maGluluto tayo? Hahaha! " He hold my hands and looked at it. "Ayoko lang nasasaktan ka kaya pinag iingat kita... My Princess. "

KInikilig ako! Pigilan nyo ko readers baka di ko mapigil sarili ko!

He hold my chin and looked straight into my eyes. He gave me the softest yet the sweetest kiss on my lips. Sandali lang iyon pero punong puno ng pagmamahal ang halik niyang iyon.

Pagkatapos non ay hinalikan niya pa ko sa noo, ngumiti at tuluyan ng sumakay ng motor niya at pinasibad ito.

ONE WEEK AFTER......

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now