Chapter VIIAgad kong pinulot ang Frame nang mabalik sa katinuan. Huhu, nakabasag pa ako ng Frame. Nakakahiya kay Tita Rachel at Tito Eros.
"Don't." He seriously said. Lumuhod din siya at siya ang nagpulot ng malalaking piraso ng glass. Kinuha niya din sa kamay ko yung mga nakuha ko na.
I just looked at him mezmerizing. Geez, bakit ba ipinanganak ng sobrang gwapo nito? Kahit sobrang lapitan nagliliwanag siya sa paningin ko.
Umalis siya sa harapan ko at nang bumalik ay may hawak ng electronic na panlinis. Inilapag niya lang ito at gumalaw agad. Pagkadaan niya sa parteng may bubog ay wala na ito pagkaalis.
Amaze akong tumingin dito at tila hindi makapaniwala na meron palang ganung bagay. Bakit ba wala kami nun sa bahay? Kung meron kami nun paniguradong hindi ko na kailangang maglinis diba?
"What are you doing here?" Bigla niyang tanong. Nanlalaki ang mata ko ng tignan siya at hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Geez, bakit di ako makapagsalita.
"A-ahh a-ano, pinuntahan namin si Tito Eros dito. Teka bakit ka nandito?" Tanong ko pabalik. Bakit nga ba siya nandito?
Imposible namang kasambahay siya kasi may electronic na panlinis nga naman dito. Hindi kaya... nanlalaking mata ko ulit siyang tinignan.
"Hardinero ka ba dito?" Walang emosyon lang siyang tumingin sa akin at tinaas ang kilay.
"Baka! (Idiot!)" Umalis siya sa harapan ko na nakapamulsa at iniwan ako kaya sinundan ko siya.
"Ano nga? Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako? Akala ko ba ayaw mo sa akin?" Tanong ko habang patuloy pa din siya naglalakad.
Napasimangot ako nang hindi man lang niya ako binalingan ng tingin at naglalakad patungo sa living room kung saan nag-uusap sila papa, tita Rachel at Tito Eros.
Hindi ko din nakita si Brix, mukhang nasa pangalawang palapag ito dahil halos nalibot ko na ang buong baba.
"Oh Ethan, mukhang nakita mo si Aki. Magkakilala na ba kayo?" Di man niya lang sinagot si tita Rachel, napakabastos naman. Umupo siya sa single sofa at diretsong tumingin sa akin.
"No." Napaohh naman si tita Rachel at ngumiti sa akin. Aba, magkakilala kaya kami nakakainis naman.
"Ethan ito pala si Aki, Aki ito si Ethan, panganay namin. Nag-aaral siya Hulmin University, Grade 12 na siya ngayon." Umupo ako sa tabi ni papa ng hindi makatingin kay Ethan.
Nakakahiya, sinabihan ko pa naman siya kanina kung hardinero ba siya dito. Eh anlaki laki kasi ng bahay, halos di na sila magkita sa sobrang lawak ng espasyo.
"Talaga? Nag-aaral din si Aki sa Hulmin, Grade 12 na din siya." Sabat ni papa. Napailing ako at nahihiyang tumingin kela tita at tito. Naku, nakakahiya naman. Baka malaman pa nilang section E ako at kailangan ko pa ng tutor para pumasa huhu.
"Ganun ba. Naku, malaking tulong yan para kung sakaling may tanong si Aki o Ethan, madali lang nilang mahahanap ang isa't-isa." Sabi ni tito Eros.
"Oo nga naman. Aki si Ethan ang magiging tutor mo. Nakakatuwa naman at sabay kayong makakapag-aral niyan dahil pareho lang ang pinag-aaralan niyo ngayon." Bumagsak ang balikat ko sa narinig.
Si Ethan? Magiging tutor ko? Tadhana bakit ka naman ganito?
YOU ARE READING
Falling For You
Fiksi Remaja"Life is unpredictable as well as our fate. We don't know when is this season will come, to find the right person for us. Fate makes our destiny near to the person who are for us." Falling for You @teenFiction By:peacejeon