***
(Ashley)
"Mommy." Halos panawan ako ng lakas ng mahigpit nya akong niyakap at humikbi sa leeg ko. Hindi ako makagalaw at ang tanging nagawa ko lang ay ang tingnan si Rio na gaya ko ay gulat din.
"M-yte, let go." Nang matauhan ay kaagad syang lumapit sa amin at sinubukang buhatin si Myte. Pero talagang mahigpit ang yakap nya sa akin. I can feel Rio's hand on my neck and it sent shivers down my spine. I closed my eyes tightly. No, this is not happening. But it is.
"No. Mommy." Mas lalo pa nya akong niyakap kaya muntikan na akong matumba, mabuti na lang at naagapan ni Rio ang siko ko. Or maybe that's not even a good thing. Tiningnan ko si Asia para makaiwas sa tingin ni Rio, but she's clueless. Nakatingin lamang sya sa amin habang nakakunot ang noo. Maybe she's wondering why Myte calls me Mommy gayong kilala nya ang ina ng bata.
"Baby, let go already." Sinubukan nyang muling pakiusapan ang bata pero tanging iling lang ang natanggap nya. Myte is literally crying on my arms, at instinct na rin siguro ang nagtulak sa akin para haplusin ang likod nya. Rio looked at me, nag iwas na lamang ako. I do not why I'm doing this either. Maybe I'm happy, na kahit papaano may tumawag sa aking Mommy, kahit na ibang bata pa iyon. How I wish na ganito rin sana si Ashton. That he'll cling on my neck kapag nakikita nya ako. But that's too impossible.
Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. No, not in here please.
"Sssh baby, hindi ako ang Mommy mo." Nahihirapan akong mag isip ng paraan kung papaano ko paniniwalain ang isang dalawang taong bata na hindi ako ang nanay nya. At his young age, in this state, sisirain ko kaagad ang pananaw nya. But that's the truth, I am not his mother, I am just once his father's mistress, at isa ako sa dahilan kung bakit nawalan sya ng ina.
Myte and I are on the same situation, we are longing for someone we cannot have anymore. The only difference is that he still got Rio, while I got none. And Rio got Myte, kung tutuusin, they can still live a happy life together, pero ako hindi na. I lost my life when I lost Ashton.
"No. Mommy. Mommy." Pareho kaming nagpanic ng mas lumakas ang hikbi nya. Tiningnan ko si Rio and asked him to do something, but he just stood there at mukhang natulala na yata. Kaya agad kong hinawi ang kamay nya at binuhat si Myte patayo. Kung hindi nya kayang patahanin ang bata, then susubukan ko. Makabayad man lang ako sa kasalanan ko sa kanila ng nanay nya.
"Ashley." I raised my brow ng bigkasin nya ang pangalan ko habang inaalo ko ang anak nya. Psh. Wala syang kwentang ama, how could he let his son cry? And worst, tinititigan lang nya na para bang wala syang pakialam. While I'm trying hard to set aside our issue dahil hindi ko matiis ang bata.
"Ash..ene... Mommy." Patuloy sya sa paghikbi but what he just said caught my attention. He called me, he just called me Ashlene! Muntikan ko na syang mabitawan ng dahil doon. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. And I want to confirm it.
Dinungaw ko sya at pilit iniharap sa akin. I searched for his gaze at agad ko naman iyong nahuli. Pawis na pawis sya at basa ng luha ang mukha. I have no choice but to wipe them out using my palm. I smiled at him.
"Who am I baby?" Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang magiging impact sa akin ng sagot nya, but I'd like to hear it from him.
"Ash..ene.. Mommy." Nangingislap ang mga mata nya habang sinasabi iyon. And I almost lost control. I almost lost my sanity. He confuses my name with his Mom's. Hindi ako makahinga. Nakangiti sya sa akin habang hinahawakan ang pisngi ko but I guess I'm to dumb para maramdaman iyon. This little boy, thought that I am his Mom just because my name sounds like his Mom's. Oh My Ghad!
BINABASA MO ANG
The Playful Assassin
Genel KurguHe is a naughty man. He loves to play. Play with fire, play with hearts. Are you willing to be his playmate? How long can you play with him? Are you that skilled to win over? Or just dumb to wait until the game is over?