Prologue

294 2 0
                                    

Sabi nila ang college daw ang pinakamasaya. Dito mo raw mararanasan ang hindi mo pwede gawin nung elementary at high school. Sa gantong level tayo makakapag-ready para sa future. Higit sa lahat, matututo tayo mainlove at masaktan.

Mainlove sa mga taong nagpapasaya satin, mas mamahalin ang sarili at magkaron ng panibagong karanasan.

Masasaktan sa mga taong nagpaasa satin, nagpaiyak, sa mga prof na mababa magbigay ng grade at darating sa moment na feeling natin, we're alone.

Pero ano nga ba ang gusto ng isang simpleng college girl na katulad ko?

Ewan. Go with the flow. Yun na lang siguro.

*

Sino 'tong lalaking napapadalas sa panaginip ko? Hindi ko makita ang mukha. Malabo.

Ngunit parang totoo ang lahat. Hinahalikan niya ko sa pisngi, noo at sa labi ko. Pakshet.

Kung sino ka man..

Please lang,

Stop seducing me.

---

ANG NILALAMAN AT MGA TAUHAN AY HINDI BASE SA KANINUMANG TUNAY NA BUHAY. 

Stop Seducing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon