Parang kailan lang yung umaga na ‘yon
Nagmamadali ka pa nga bumangon
Pakiramdam mo kase tanghali na
At tama nga, kaya gumayak ka na
Parang kailan lang nung pagkadating mo
‘Di mo alam kung anong gagawin mo
Nakatayo ka don, na parang tanga
Ni ‘di mo alam kung san ka pupunta
Parang kailan lang nung pagkaupo mo
Wala kang kilala sa paligid mo
Nahiya ka pa magpakilala
E feeling mo kase ayaw ka nila
Parang kailan lang nung lumabas ka na
Lunch na kase non, kaya lumabas ka na
Naglakad ka na para kumain
Yun nga lang ‘di mo mahanap yung canteen
Parang kailan lang nung nahanap mo na
Kaso bigla nalang may tumatawa
‘Di mo kilala, pero alam name mo
Yun pala suot mo pa name-tag mo
Parang kailan lang nung nainis ka na
So, ayon, inalis mo nalang muna
Kagagawan ‘to nung isang teacher mo
Dahil sa name-tag, sira araw mo
Parang kailan lang nung umuwi ka na
Pakiramdam mo nga non, ayaw mo na
Sobra kasing pagod na pagod ka na
Tapos biglang may mga assignment pa
Pero pagkaraan ng ilang taon,
Ginawan mo ng tula yung tungkol don
Kase medyo napag-isip-isip mo
Parang kailan lang ay yung 1st Day High mo
