Pustahan Mahal kita Chapter 15

115 2 0
                                    

Sa SM Manila kami nakarating ni Atheros, which is super layo na mula sa amin.

"Ano bang bibilhin mong regalo?"

sabi ko.

"Pag-iisipan ko pa."

"Ano?! Lagi ka na lang ganyan, on the spot mag desisyon."

Isang nahihiyang ngiti na lamang ang naging sagot nito. 

Shomay ang gwapo niya.

"Wag ka ngang pacute diyan." sabay iwas ng tingin dito.

"Ibig bang sabihin naku-cute-tan ka sakin?" aliw na aliw na sabi nito.

"Wala akong sinabing ganyan."

"Ganun pero narinig kitang sinabi mo na wag akong magpapacute which means cute ako." pagyayabang nito.

"Wala akong sinabi, at hindi ka cute...okay?!!!" mataray na sabi ko.

"Sabagay, gwapo ka pala ako." sabay ngiti ng nakakaakit.

"Oo tama,di ka cute, gwapo ka." pabulong na sabi ko.

Mukhang hindi naman nito narinig.

"Ha? Ano?" tanong nito.

"Wala, ang sabi ko ang kapal ng mukha mo."

"Ganun, akala ko sinabi mo 'oo'"

"Pero ka akala, mag-isip ka na nga ng bibilhin mong regalo."

"Yes, Ma'am..sungit na naman."

"Ano?!"

"Wala, ang cute mo talaga pag nagsusungit." then he pinch my nose. "Tara na nga, baka mainlove pa ako sayo niyan 'e."

 hinila na ako nitong kung saan.

Sa isang boutique kami ng damit nakarating.

Habang abala si Atheros sa paghahanap ng maaring iregalo, ako naman ay nanonood lang sa kanya.

"... baka mainlove pa ako sayo niyan 'e"

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi yang iyon.

"Sis nakita mo ba y'ong guy na y'on?" sabi ng isang babae na ang tinutukoy ay si Atheros.

"Oo sis, ang gwapo 'no..may girlfriend na kaya siya." sabi naman ng isa.

"Tara lapitan natin."

Naririnig kong usapang ng dalawang babae sa naturang boutique.

Akmang lalapit na sila kay Atheros, nang biglang nagsalita ito.

"Yuna, anong mas magandang kulay?" nakatinging sabi nito.

isang black and blue tube dress ang ipinakita nito.

"Yong Black."

"Okay."

Naiwan na naman akong nakatulala.

"Sis may girlfriend na,sayang naman..ang swerte naman n'ong girl."

Nakita kong tumingin sa aking ang dalawang babae.

Haizt! lagi na lang ako napagkakamalang girlfriend ni Atheros.

"Tara na." sabi ni Atheros, nakalapit na pala ito ng hindi ko namamalayan.

"Nakabili ka na?"

"Yup." ipinakita nito ang lalagyan ng binili.

Isang tungo na lamang ang naging sagot ko.

"Naguggutom ka na ba,Yuna?" tanong nito habang nakatitig sa aking, hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang.

"Ha? Hindi pa naman."

"Ganun, pero ako nagugutom na, tara kain tayo." hinila na ako nito palabas.

"Saan naman tayo kakain?"

"Saan mo ba gusto?"

"Ikaw ang kakain kaya dapat dun sa gusto mo."

"Okay, edi sa Mcdo na lang tayo." hinawakan na nito ang kamay ko, in short magkaHolding hands kami.

"Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano."

"Wala naman kahit ano na pagkain 'e."

"Ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan."

Napatitig naman ito sakin.

"O? Bakit na naman?" tanong ko

"Wala, bad mood ka na naman? Siguro dahil dun sa mga babae kanina 'no..Hayaan mo y'ong mga y'on, di naman totoo sinasabi nila diba?"

Aray! ko naman para mo na ring sinabing walang pag asang maging tayo.

"Hindi naman y'on ang iniisip ko 'e, medyo napagod lang ako....Pumila ka na nga...Nagugutom na rin ako 'e" pag-iiba ko na lang sa usapan.

"Okay."

Pumila na nga ito.

Maya-maya lamang ay nakaorder na ito, hindi naman ganun kahaba ang pila kaya mabilis itong nakaorder.

Habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nito kanina.

Matapos kumain ay umuwi na rin kami.

*sa tapat ng bahay namin*

"Salamat sa pagsama at pasensya na rin sa abala." nakangiting sabi nito.

"Wala y'on."

"Sige, alis na ako..salamat ulit."

"Okay, ingat."

pero hindi agad ito umalis sa harap ko.

"May sasabihin ka pa ba?"

Nakatitig lamang ito na tila hirap na hirap sa sasabihin.

"Wala naman, sige alis na talaga ako."

"Okay." patalikod na sana ako ng muli ako nitong tawagin.

"Yuna."

Paharap na akong muli nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi.

"Goodnight."

Napatango na lamang ako.

Sa ikalawang pagkakataon, hinalikan naman ako nito ng hindi ko inaasahan.

Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon