CHAPTER 2 - KAHIHIYAN NI SANDY.

122 6 0
                                    

SALAMAT SA MGA NAGBABASA.

WALA PA KONG INSPIRATION. PASENSYA NA.

SI SANDY ULIT. ON HER SCHOOL UNIFORM.

--------------------------------------------------------------->

PAGPASOK SA LOOB NG ROOM.

AT LATE na naman ako. 

(Pasingit ulit, Lagi akong late sa klase. HAHA! Parang ako lang ang karakter)

Nakatingin silang lahat sa akin.

" Bakit kaya? " Sabi ko sa sarili ko.

Binilisan ko na lang ang pagpunta sa upuan ko.

Napaisip na naman ako . Bakit kaya nila ako pinagtitinginan?

"AYy!!!!! Oo nga pala! " napasigaw ako.

Nakatingin silang lahat sa akin..

>>>.      O____O         <<<.

"May sinasabi ka ba Miss Villacorta? " tanong ng teacher namen.

" Ah, wala po mam"

Nakakahiya!

" Osige Mr. Jairen, Ituloy mo na."

Nagrerecite pala si pogi kong future asawa!!!

^_________^

Ano? Asawa?

Hayyy! ano ba yan, ano- anong pumapasok sa isip ko..

BRRIIIIIIIIINNNNNNNNGG.

Nagbell na. Break time na nila.

Nilapitan ako agad ni Best Claire,  "Tara na Sandy!, Napano ka kanina?"

"Nako wag mo na kong tanungin, nakakahiya na nga e."

-_o

"Paano kasi, late ka na, nagsasalita ka na lang agad. Eh nagrerecite si fafa Jairen."

"Oo na nakakahiya na. Di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Tara na nga sa canteen. Para makakain na tayo."

SA CANTEEN.

"Pare, kumusta ang school? marami naman magaganda diba? Kaso sa section naten wala naman. Masyado kasi silang seryoso sa pagaaral" sabi ng mayabang nilang kaklase na si Cody.

Feeling close ba to? Hindi ko naman to masyadong kakilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan. Bigla na lang akong kinausap.

" Ah, Oo nga. " un nalang sinabi ko. Pero parang wala nga akong napapansin na maganda sa klase.

"Balita ko pre , maraming nagkakagusto sa iyo. Hindi lang sa ibang seksyon. pati na rin sa ibang years. Pati yata elementary nagkakagusto sa yo tol! "

SAKTO NAMAN PAPASOK NA SILA SANDY AT CLAIRE SA LOOB NG CANTEEN. AT NARINIG NILA ANG HULING SINABI NI CODY.

At syempre, hindi mapigilan hindi makinig ni Sandy sa usapan.

Basta ba naman nandon si Jairen. 

Ang ULTIMATE CRUSH niya!!!!!!!!!

"Hindi ko alam pare. "

Napatingin sa akin si Cody. Sabay bulong kay Jairen.

"Tol, kita mo ba yon? Yung late kanina? Parang may gusto sa iyo. Patusin mo na, matalino yan may magpapakopya na sayo sa klase, sasagutin ka agad niyan"

Kahit mahina narinig pa din niya iyon , hinintay niya ang sasagutin ni Jairen.

Bumulong uli si Cody dito.

"Oo nga! HA-HA-HA!" Sagot ni Jairen.

Na narinig naman niya. So? Pinagpupustahan yata sya ng mga  ito.

AT HINDING HINDI SYA PAPAYAG!

Bigla syang tumayo. nabigla si Claire.

"Saan ka pupunta? "

"Sandali lang . Manood ka lang dyan!"

Sabay lapit kila Jairen.

Tiningnan ko sila ng masasamang tingin.   4_______4

Sabay sampal kay Jairen.

Nagulat ito. pero hindi ko pinansin.

" Ang kapal ng mukha ninyong pagpustahan ako at pagusapan. Hoy Jairen. Hindi porke't Crush ka ng halos dito sa school. Eh pwede munang paglaruan ang sino mang babae  katulad ko. "

"Excuse me Miss, I guess u mistak---"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabhin niya.

" Hindi ako nagkakamali. At wala akong paki sayo. Hindi kita gusto okay? "

Patalikod na ako, at pabalik na sa lamesa namen. Napansin ko halos nakatingin na sa amen ang lahat ng nasa canteen.

KATANGAHAN na naman. Nakakahiya.

Bumalik ako ulit at hinarap si Jairen.

Sabay sabi.

"GWAPO KA NGA. MASAMA PA LA ANG UGALI MO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

SABAY TALIKOD. AT NIYAYA SI CLAIRE NA BUMALIK NA NG CLASSROOM.

Lumipas ang oras at Oras na nga ng uwian.

Pinauna na niya si Claire na umuwi dahil may sundo ito.

Nagpunta muna siya sa CR.

Paglabas niya, biglang may humawak sa kamay niya.

"BITAW--" 

SI JAIREN!!!!!!!

♥___♥ 

8_____8

PINAHIYA KO PALA SIYA KANINA!

"Masaya ka na ba miss sa pagpapahiya mo sa akin sa canteen? Ikaw pa lang ang nakakasampal sa akin. Alam mo ba yon? " Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin.

Pati ako napapaatras na,

Napasandal na ako sa pader. pero palapit pa din sya ng palapit.

"Ano hindi ka ba sasagot? Wala akong gingawa sayo miss. Hindi kita kilala. "

Lumapit pa ito isang inch nalang ang layo ng mukha nila. 

" Ahhhhhh. " Napapikit na ako.

Bigla na lang tumawa si Jairen.

"HAHAHAHAHHHHAHAHAH!"

-_O

"Akala mo hahalikan kita no? ASA KA MISS!  "

Napatunganga ako. 

"Isara mo ang bibig mo baka pasukan ka ng langawa sa bibig. "

TUMAKBO NA LANG AKO....

HAHALIKAN NIYA AKO? 

O___O

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOME WITH ARROGANT PRINCE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon