Chapter 1:Welcome to Angel University

1.5K 36 2
                                    

Angel University

Yllana Point of view

Nakapikit kong pinapakinggan ang kaguluhang nagaganap sa labas.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinapakinggan ang sigaw ng isang lalaki na pinaparusahan sa ngayon.

Isa lang ang alam kong dahilan ng nangyayari sa kanya.

Pinatay nya ang isa sa opisyal ng Angel University. Isang patakaraan sa paaralang ito na hindi mo kailangan suwayin.Hindi mo dapat patayin ang mga opisyal sa paaralang ito dahil ang kapalit nito ay ang iyong buhay.

"Aaaaahhh"sigaw na mula sa labas na lalong nagpapikit sa mga mata ko.Sinayang nya ang buhay nya.Kasalanan nya !

Madiin kong hawak ang doorknob ng dorm namin.Ayoko sa mga palabas na ito.Ang may nasasaktan ng dahil sa isang pagkakasala na wala naman silang kasalanan.

Dahan-dahan akong sumilip sa bintana at ang lalaking kanina lamang ay sumisigaw ,ngayon ay wala ng buhay.

Hindi maari ito ! Masyado na nilang minamaltrato ang mga estudyante dito .

"Okay ka lang Yllana ?"napalingon ako sa nagsalita.Si Drydan .

"Mukha ba akong okay huh ?Sabihin mo nga !"nagsimula na naman akong umiyak.

Simula pagkabata ko hanggang ngayon ay umiiyak ako ng dahil sa mga bagay na ito.

Dito na ako lumaki ,kaming lahat.Wala akong alam sa buhay ng iba.Ang paaralang ito ay nasa malayong isla daw kaya wala masyadong pumupunta dito.

Ngunit ang hindi ko pa rin maintindihan sa ngayon ay kung bakit kami napunta dito.

Paano kami napunta sa lugar na ito ? Ang ibang mga estudyante dito ay kidnapp lamang pero kami ?Hindi ko alam .Simula ng ipanganak ako at lumaki ,ito na ang kinagisnan kong lugar.

Wala akong alam sa ibang lugar.Minsan ikinukwento sakin ng mga kapatid ko ang mga lugar na iyon pero wala akong alam.

"Okay lang yan Yllana.Malakas kang tao ,don't cry !They don't deserve your cry"bigla akong niyakap ni Drydan kaya napayakap na rin ako sa kanya.He is a good friend ! He always know what's the best for me.That's my friend.

"How ?Tell me drydan !Tell me"

"Maybe someday we will know.But now we need to go under them"taimtim na sambit ni Drydan.

"Excuse me !"hinarangan kami ni Dana at niyakap nya ako "Nakakatampo ka Yllana ! Ako ang best friend mo at hindi ang ugok na yan"napatingin ako kay Drydan na masama ang tingin kay Dana.

"Kaibigan ko kayo pareho kaya ,please Dana don't act like that huh ?"niyakap ko sya pabalik ngunit may biglang kumatok kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

What the hell is happening on me ?

"Sino magbubukas ?"tanong ni Dana.

"Hindi ako"

"Ako nalang"dahan dahang naglakad si Drydan papunta sa pintuan at binuksan nya ito.

"Kanina pa ako kumakatok huh? May problema ba ?"tanong ni Ate Kaine.

"Wala"walang emosyon kong sabi.

I want you to know that she is my Sister .My older sister ! And she is one of the official in this University!

Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya ?Close kami ngunit minsan naiisip ko na bakit kailangan nyang maging isa sa opisyal ng school na ito ?Hindi ko maintindihan ngunit pilit kong iniintindi.

"What's your problem Yllana?"

"Nothing"tipid kong sagot at naglakad na papunta sa kwarto namin.

Naramdaman kong may sumusunod sakin .As if i care ?And i know who she is !

"Can we talk Yllana ?"madiing tanong ni Ate Kaine.

"Sure of course not"umupo ako sa higaan ko gayun din sya "Ano pag-uusapan natin ?"tanong ko pero hindi nya ako sinasagot "Ate ?What the !Answer me .You're the one wh---"

"Enough"ano ba ang iniisip nya ? Hindi ko sya mabasa dahil ang hirap nyang basahin.

"So start"

"Wag kang magugulat Yllana.May plano na sila"napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ate Kaine.

"What do you mean ?"

"They are planning t---Nevermind .But we need to get ready !Hindi sila madaling kalaban"hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Ate Kaine.Isang malaking tanong pa rin ang nasa utak ko.

Ano ang pinaplano nila ?At sino sila ?Hindi ko maintindihan.

"Ate what are you talking about ?"

"We need to get ready .You will know ,soon"iniwan ako ni Ate kaine na tulala at malalim ang iniisip.

Ano ang iniisip mo Ate Kaine ?Bakit hindi kita maintindihan ?Ano ang alam mo ?

Hindi ko maintindihan ngunit isa lang ang alam ko.May kinalaman ito sa mga nangyayari ngayon.Hindi lang ako ang may kinalaman dito.Lahat !Lahat ng narito.

"Hoy Yllana !"bumalik ako sa realidad ng may biglang sumigaw kaya binuksan ko agad ang pinto ng kwarto namin.

"Kuya Leo ?"

"Kailangan na nating pumunta sa Gymnasium.Let's go"sambit ni Kuya Leo.

Yes .He's my kuya !My brother i mean.Tatlo kaming magkakapatid.Siguro.

"Why ?"

"I don't know pero masama ang kutob ko.Ihanda mo ang sarili mo Yllana"kagaya ng reaksyon ko kay Ate Kaine ay ganun din ang reaksyon ko kay kuya Leo.

They are both weird

"Do you really mean what ?"

"Nothing.I need to protect you.Hindi ako pinangalanang Leo kung hindi ako kagaya ng Lion"nagsimula ng maglakad si kuya leo kaya sinundan ko na sya.

Wala na rin dito si Drydan at Dana.Panigurado ay nanduon na sila.Hindi manlang nanghintay.

Pagdating namin sa gymnasium bulong-bulungan agad ang naabutan namin.Ganito lagi dito ,kahit gaano man kadilim ang lugar na ito marami pa rin mga walang magawa sa buhay.

Unti-unting namatay ang ilaw sa buong gymnasium. Medyo malapit na ring mag-gabi kaya medyo madilim na ang paligid.

Isang babae ang pumunta sa harapan.Nakasunod lamang sa kanya ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa buong gymnasium.

"Good Evening Angel University Students"sigaw ni Miss. Karen habang nakangisi.

Napairap na lang ako.Ano ang maganda sa gabi ? Iniisip ba nya ang sinasabi nya.

"Oh guys i have a good news for us !"biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Nakangisi lamang si Miss. Karen na nakatingin sa mga estudyante ngunit mas nagulat ako ng huminto ang tingin nya sakin at ngumiti sya nang parang nang-iinis.

Hindi ako natutuwa sa inaasta nya.May masama akong kutob.Isang kutob na mukhang tama.

"Ang good news na magpapaiyak sa inyong lahat.Hahahaha.Ang good news na hindi nyo kakayanin"

Ano ang ibig nyang sabihin ?

Muling huminto ang tingin nya sa akin.

Ngayon ay alam kong hindi good news ang gusto nyang sabihin.

May mali sa ginagawa nya.Isang mali na mukhang ako lang ang nakakapansin.

Lalo akong nagtaka ng mapansin ko ang isang marka sa gilid ng leeg nya.

Ang marka na may nakalagay na pakpak ng anghel .

Nakakapagtaka.

×--×
A/N:To be honest first time ko magsusulat ng Mystery /Thriller i hope you will enjoy.

Welcome to Angel University. *Evil Laugh*

Angel:School Of Questions (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon