twenty two

14 1 0
                                    

Nixon's POV




Nilagay ko lahat ng kailangan ko sa isang bag at tsaka kami lumabas ng bahay. I locked the gate.





"Teka.." Pigil ni Xaorus.






"Ano?" Asar kong tanong.






"Siguraduhin mo naaalala mo na ang lugar ah?"






"I'm sure." Tumahimik na siya pagkatapos kong sumagot. Katabi ko siya habang nagmamaneho ako. Habang si Xiomara naman at Momo at nasa likod at natutulog.






Madaling araw pa lang kasi. Aalis kami kasi naalala ko na kahit papaano 'yung probinsya. Kung hindi kami kikilos ngayon, baka wala na kaming maabutan. Pumayag naman si Chief. Dadaan muna kami sa station ng police para sabay-sabay na kaming pupunta doon.






Nang makarating sa police station, ako na lang ang bumaba dahil tulog ang lahat. Naabutan kong nagkakape si chief kasama ang isa pang pulis. Reyes ang apilyido base sa tag na nasa uniform niya.






"Chief.." Sabi ko at lumakad papasok.






Tumingin sa akin si Chief Alforte. Malaki ang eyebag niya at halatang kulang sa tulog. Inabutan niya ako ng kape pero tinanggihan ko.






"Kailangan na ho nating kumilos." Sabi nung Reyes kay Chief.



Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon